-
Roma 14:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Sino ka para hatulan ang lingkod ng iba?+ Ang panginoon lang niya ang makapagsasabi kung makatatayo siya o mabubuwal.*+ At makatatayo siya dahil kaya siyang tulungan ni Jehova.
5 Para sa isang tao, mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang araw;+ para naman sa iba, magkakapareho lang ang lahat ng araw;+ ang bawat tao ay dapat na maging lubusang kumbinsido sa sarili niyang pasiya. 6 Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay gumagawa nito para kay Jehova. At ang kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ay gumagawa nito para kay Jehova, dahil nagpapasalamat siya sa Diyos;+ at ang hindi kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ay gumagawa nito para kay Jehova, pero nagpapasalamat din siya sa Diyos.+
-