-
1 Corinto 6:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait, at mangingikil+ ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+ 11 Ganiyan ang ilan sa inyo noon.+ Pero hinugasan na kayo at naging malinis;+ pinabanal na kayo;+ ipinahayag na kayong matuwid+ sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa espiritu ng ating Diyos.+
-
-
Tito 3:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Dahil tayo rin noon ay mga mangmang, masuwayin, naililigaw, alipin ng mga pagnanasa at kaluguran, gumagawa ng masama at mainggitin, kasuklam-suklam, at napopoot sa isa’t isa.
-