Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 6/8 p. 3-4
  • Pakikipagtalastasan ng Pamilya—Bakit Gumuguho?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikipagtalastasan ng Pamilya—Bakit Gumuguho?
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagguho ng Pakikipagtalastasan: Ang mga Sanhi Nito
  • Pagtatalastasan sa Loob ng Pamilya at sa Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • May Lihim ba ang Kaligayahan sa Pamilya?
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Gumugugol Ka ba ng Panahon sa Iyong Pamilya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Sikaping Maingatan ang Iyong Pamilya Hanggang sa Bagong Sanlibutan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 6/8 p. 3-4

Pakikipagtalastasan ng Pamilya​—Bakit Gumuguho?

NOONG mga kaarawan ni Sir Stamford Raffles, ang nagtatag ng daungang Britano ng Singapore, karaniwan na sa kaniya na maghintay ng isang buong taon para sa isang kasagutan sa isa sa kaniyang mga pahatid sa London. Ngunit iyan ay noong ika-19 na siglo. Ngayon pinapangyari ng mga kababalaghan sa komunikasyon na gaya ng mga communication satellites ang madaliang pakikipagtalastasan saanman halos dako sa lupa.

Gayunman, balintuna nga na samantalang napakadaling makipagtalastasan ng isang tao sa isa na nasa kabilang kontinente, karaniwan nang siya’y bigo pagdating sa pakikipagtalastasan sa mga membro ng kaniya mismong pamilya. Ang dumaraming bilang ng diborsiyo ay matibay na nagpapatotoo sa bagay na ito. Hindi kataka-taka, kung gayon, na sa isang pag-aaral ng “maligaya” at “hindi maligaya” na mga mag-asawa, ganito ang naging konklusyon ng mga mananaliksik: “Ang pangunahing pangangailangan sa maraming maligalig na mga pag-aasawa ay ang mas mabuting mga paraan ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng mga mag-asawa.” Ngunit ilang mga pamilya ang totoong nag-uusap​—yaon ay, talagang matalik na nag-uusap “na may masidhing mental o espirituwal na halaga,” gaya ng pagbibigay-kahulugan ng isang diksiyunaryo sa salitang ito? Kadalasan nang mayroong kaunti o walang pagkakaisa ng isipan, lalo na ng mga puso. Bakit, kung gayon, nangyari ang pagguhong ito?

Ang Pagguho ng Pakikipagtalastasan: Ang mga Sanhi Nito

Maraming mga salik ang sumisira sa kalidad ng buhay pampamilya. Bago ang industrialisasyon, ang “trabaho” ay humigit-kumulang isang gawain ng pamilya, ngunit ngayon ito ay nagbago. Sa maraming panig ng daigdig, ang isang lalaki ay kinakailangang gumugol ng mahabang oras malayo sa kaniyang tahanan upang kumita. Ang lumulubog na ekonomiya ng daigdig ay nagpangyari sa maraming mga babae na magtrabaho rin. Ang mga bata sa gayon ay kalimitang ipinauubaya sa mga bayarang tagapag-alaga o naiiwan sa kanilang mga sarili. Binalikat ng mga paaralan ang buong gawain na noong una ay pangunahing pananagutan ng mga magulang. Ang teknolohiya​—ang mismong bagay na nagpaunlad sa pakikipagtalastasan​—ang kung minsa’y nagpahina sa buhay pampamilya.

Bago ang mga kaarawan ng mga radyo, TV, stereo, videotape recorders, at mga video games, ang mga membro ng pamilya ay kadalasang gumugugol ng panahon sa pag-uusap sa isa’t-isa. Ngunit ang kasalukuyang pagdagsa ng gayong mga gamit ay pumatay sa sining ng pag-uusap sa ilang mga pamilya. Ganito ang sabi ng ulat ng National Institute of Mental Health (U.S.A.) na pinamagatang Television and Behavior: “Ang mga pagtitipon ng pamilya sa mga tsimenea o sa mga hapag kainan ay waring nahahalinhan ngayon ng mga pagtitipon sa harap ng telebisyon.” Lalo nang nakaliligalig ang natuklasan na sa Estados Unidos, ang “mga pamilya ay gumugugol halos ng kalahati ng kanilang mga oras sa tahanan sa panonood ng telebisyon.” Ang malungkot na bagay pa ay na, sa maraming pamilya, kapag nakabukas ang TV, ang pakikipagtalastasan naman ng pamilya ay nakasara; ang pag-uusap ay bumababa sa isang mababang antas.

Ang resulta? Ang buhay pampamilya ay nagiging mababaw. Ang samahan ay humihina at ang mga membro ng pamilya ay tiyak na magkakahiwa-hiwalay. Ngunit upang ang isang pamilya ay magkaisa, mabuklod ng mga tali ng pagkaunawa at pag-ibig, kinakailangang magkaroon ng pagkakaisa ng mga kaisipan at mga puso. Ang mga membro ng pamilya na nasisiyahan sa gayong pakikipagtalastasan ay makapagpapalakas sa isa’t-isa upang madaig o makayanan ang mga kahirapan ng isang maigting, ligalig na lipunan. Papaano, kung gayon, malilinang ng isang pamilya ang gayong pagkakalapit? Maraming payo mula sa maraming pinagmumulan. Ngunit ang pinakamabuting pinagmumulan ng payo ay ang pinakamatandang aklat na umiiral​—ang Bibliya! Suriin natin kung paanong ang ilan sa mga simulain nito ay mabisang maikakapit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share