Mula sa Aming mga Mambabasa
Pagkakamit ng Respeto ng mga Magulang
Nais ko kayong pasalamatan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Makakamit ang Respeto ng mga Magulang Ko?” (Abril 22, 1985 sa Tagalog) Talagang nasiyahan ako sa bahagi na nagsasabi: ‘Kung ibig mong tratuhin ka ng iyong mga magulang nang may paggalang, tratuhin mo sila nang may paggalang din.’ Nakinabang akong lubha sa artikulong ito.
J. W., Wisconsin
Pag-aasawa ng Tin-edyer
Maraming salamat sa inyong mga artikulong “Pag-aasawa ng mga Tin-edyer—Ligaya o Pagdurusa?” at “Gaanong Katalino ang Pag-aasawa ng Tin-edyer?” (Pebrero 22, 1984 sa Tagalog) Inaamin ko na ang mga karanasan sa kapuwa mga artikulo ay tumutukoy sa aking kalagayan ngayon. Kung ang mga artikulong ito ay nailathala sana bago ako nagpasiyang mag-asawa, tiyak na nakagawa sana ako ng matalinong disisyon. Ang pilat at kirot ay totoong nararanasan ko. Pakisuyong patuloy na maglathala kayo ng mga artikulong gaya nito sa kapakinabangan niyaong mga maaaring makabasa nito at baguhin ang kanilang mga palagay bago mag-asawa.
E. B., Nigeria
Mga Moda sa Pananamit
Nais ko kayong pasalamatan sa mga artikulong “Fig Leaves, Fashions and Figures” at “I Have Nothing to Wear!” (Nobyembre 22, 1984; Disyembre 8, 1984 sa Ingles) Batid ko na ngayon kung ano ang dapat kong isuot, maraming salamat sa mga artikulo. Natulungan ako nito na maging mas maayos.
L. F., California
Kababasa ko lamang ng artikulong “Fig Leaves, Fashions and Figures.” Nagtatrabaho ako bilang isang Image/Color Consultant, at ang impormasyong ito ay katulad na katulad ng kung ano ang ginagamit ko sa pakikitungo sa aking mga kliyente sa pagsusuri ng kulay at pagtutugma ng mga damit.
C. J., Texas
Nais kong pasalamatan kayo sa mga artikulong “Fig Leaves, Fashions and Figures” at “I Have Nothing to Wear.” Ang mga ito ay talagang mataas na uring mga artikulo, ipinakikita na ang ‘Pinakamahusay Manamit na Babae’ ay mayroon nito kapuwa “sa loob” at “sa labas.” At hindi niya kinakailangang ikompromiso ang mga simulaing Kristiyano upang gawin ito. Higit pa riyan, pinahahalagahan ko na ang impormasyon ay maaari ring ikapit sa mga lalaki sa paksang ito ng pananamit at Kristiyanong personalidad.
R. E., Illinois
Nasumpungan ko ang inyong artikulong “Fig Leaves, Fasions and Figures” na lubhang nakapagtuturo, ngunit masasabi kong tila nakaligtaan ako nito. Dahilan sa isang pisikal na kapansanan, ako ay lumalakad sa tulong ng isang “leg brace” at isang tungkod. Hiyang-hiya ako tungkol dito, kaya hangga’t maaari itinatago ko ang brace sa pagsusuot ng mahabang pantalon sa lahat ng panahon. Para tuloy akong kakaiba sa ibang mga babae, lalo na sa mga kalagayan na doon sila ay karaniwang nagsusuot ng mga palda o mga bestida. Pakisuyong bigyang ninyo ako ng ilang mga tip sa moda para sa mga babae na nag-aakala na dapat lamang silang magsuot ng mga pantalon.
M. S., California
May mga pagkakataon, gaya niyaong nabanggit, kung saan ang mga pantalon ay maaaring maging mas angkop at mahinhin na uri ng pananamit. Kung gayon, ang tip sa kausuhan ay pumili ng isang istilo na pantsuit na kaakit-akit, angkop, at nakatutugon sa kahilingan ng ‘maayos na pananamit na may katinuan ng isip.’ (1 Timoteo 2:9) Pagkatapos isuot ang gayon na may dangal na angkop sa okasyon.—ED.