Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 12/22 p. 15
  • Trabaho Muna—Kasiya-siya Ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Trabaho Muna—Kasiya-siya Ba Ito?
  • Gumising!—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Sumusuko sa Buhay ang mga Tao
    Gumising!—2001
  • Pagpapatiwakal—Ang Nakakubling Epidemya
    Gumising!—2000
  • Isang Pandaigdig na Problema
    Gumising!—2001
  • Pagpapatiwakal—Isang Salot sa mga Kabataan
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 12/22 p. 15

Trabaho Muna​—Kasiya-siya Ba Ito?

Sa Hapon, ang mga manggagawa ay kadalasang inililipat sa bagong mga lugar taglay ang umento at mas malaking sahod. Subalit kadalasan, ito ay nangangahulugan na ang ulo ng pamilya ay kailangang lumipat sa isang lunsod na malayo sa kaniyang pamilya. Kabilang sa mga dahilan ng hindi paglipat ng pamilya ay: matanda nang mga magulang, mapuputol na pag-aaral ng mga bata, at ang bagong biling bahay na tinitirhan ng pamilya. Subalit ang mga resulta kung minsan ay kalunus-lunos: wasak na tahanan, diborsiyo, at pagpapatiwakal pa nga. Tinatawag ito ng Mainichi Daily News na “‘Hindi Malusog’ na Istilo ng Buhay Alang-alang sa Pakinabang ng Kompanya.”

Ipinakikita ng mga surbey kamakailan na higit at higit na mga manggagawa ang nag-aakala na ang kompanya ay hindi dapat maging pangunahing tungkulin. Uunahin ba nila ang kanilang pamilya? Sa katunayan, lumilitaw na may kausuhan ngayon sa mga Hapones na gumugol ng higit na panahon sa personal na mga paghahangad bukod sa pamilya.

Ipinakikita ng mga bilang ng mga pagpapatiwakal sa Hapon noong 1983 na ang kasalukuyang istilo ng pamumuhay ay hindi nga kasiya-siya. Sa pinakamalubhang silakbo ng pagpapatiwakal mula noong ingatan ang mga rekord noong 1947, 25,202 ang nagpakamatay. Halos kalahati ng mga nagpapatiwakal na lalaki ay nasa kanilang edad na 40’s at 50’s. Angkop lamang, iminungkahi ng isang editoryal sa Mainichi Daily News na “dapat palayain ng mga lalaki ang kanilang sarili mula sa paraan ng pamumuhay na pinangangasiwaan ng espiritu ng ‘organisasyon.’”

Sa kabaligtaran, ang mga lalaking nag-aral ng Bibliya kasama ng kanilang mga pamilya ay nagiging mas mabuting mga magulang at nagkakaroon ng mas kasiya-siyang buhay pampamilya. Samantalang sila ay mabuting mga tagapaglaan, natutuhan nila kung ano ang uunahin at, bunga nito, nagtatamasa ng makahulugang buhay taglay ang pag-asa ng walang hanggang mga pakinabang.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share