Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 4/22 p. 16-17
  • Ang Produksiyon ng Magasin sa Hapón ay Naging ‘In-Line’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Produksiyon ng Magasin sa Hapón ay Naging ‘In-Line’
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagpapatakbo sa Sistema
  • May Kasanayang Paggamit ng mga Kakayahan
  • Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 4/22 p. 16-17

Ang Produksiyon ng Magasin sa Hapón ay Naging ‘In-Line’

MAGLIMBAG, mag-impake, at magpadala ng 3.5 milyong kopya ng mga magasing Bantayan at Gumising! buwan-buwan: Iyan ang isa sa mga gawaing dapat isagawa ng sangay ng Watch Tower Society sa Hapón upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Saksi ni Jehova sa paggawa ng kanilang gawaing pangangaral sa Hapón at sa maraming iba pang bansa sa Dulong Silangan. Maliwanag, ang kasanayan sa gawain ang susi.

Upang matugunan ang pangangailangang ito, ang mga Saksi sa Hapón ay nagdisenyo at, sa kalakhang bahagi, ay gumawa ng isang sistema ng paghahatid (conveyor system) na nag-aalis ng maraming kumukunsumo-panahon at masinsinan-trabahong mga atas, gaya ng pagsasalansan at muling pagsasalansan ng mga magasin sa iba’t ibang yugto ng produksiyon.

Upang magpasimula, ang tanging kagamitang makukuha sa komersiyal na paraan ay ang palimbagang rotary, na may nakakabit na aksesoryang pansalansan, at pantabas na may tatlong-talim na pumuputol sa magasin sa laki nito. Ang mga Saksi ay nagtrabaho at nakagawa ng isang sistema na nag-uugnay sa dalawang yunit na ito at iba pang mga aparato na ginawa ayon sa espesipikasyon, anupa’t maaari itong maglimbag, magsalansan, magtabas, at mag-impake ng magasin sa isang pagpapatakbo lamang.

Ang Pagpapatakbo sa Sistema

Ang pagtingin sa mga larawan sa wastong pagkakasunud-sunod ay magbibigay sa iyo ng mabuting ideya kung paano gumagana ang sistemang ‘in-line.’ Sa pagpapasimula, ang mga papel mula sa dalawang rolyo ay pumapasok sa palimbagang rotary (larawan A) sa bilis na 25 piye (8 m) sa bawat segundo. Lumalabas naman sa dulo ng palimbagan (B) ang dalawang patuloy na daloy ng magandang apat-na-kulay na mga magasin, halos isang libong kopya sa isang minuto. Inihahatid ng mga roller conveyor ang mga magasin sa makinang nagsasalansan (C), na isinasalansan ang mga ito ng tig-50 mga magasin.

Ang mga salansan ng mga magasin ay saka ipinadadala sa hydraulic pressing unit (D), na dinidiinan ang bawat salansan na ito ng bigat na 50 tonelada sa loob ng dalawang segundo upang alisin ang hangin sa pagitan ng mga pahina. Inaalis ng hakbang lamang na ito ang lahat ng gawain na nasasangkot sa pag-aalis ng mga magasin sa mga conveyor, pagsasalansan ng mga ito sa pallet na may pabigat sa loob ng magdamag, at pagkatapos ay muling isalansan o isubo ang mga ito sa pantabas sa mga bastâ o bungkos na tig-50, isa-isang bastâ na iniaabot sa pamamagitan ng kamay.

Pagkatapos mapitpit, ang dalawang daluyan ng mga magasin ay nagsasama-sama at saka ipinadadala sa pantabas (E), na pumuputol sa laki ng magasin. Dinadala ng conveyor belt ang mga magasin, ngayo’y magandang natabas at napikpik na, sa idinisenyong lugar ng pag-iimpake (F), kung saan ang mga ito ay inilalagay sa mga karton, na sinasarhan at saka minamarkahan sa pamamagitan ng computer, handa nang isakay sa mga trak na naghihintay sa mga daungan ng trak.

May Kasanayang Paggamit ng mga Kakayahan

Talaga bang kailangan ang lahat ng masalimuot na kagamitang ito? “Kung gagawin namin ang kasalukuyang dami ng gawain sa ilalim ng dating kaayusan,” sabi ni Yasuyuki, ang tagapangasiwa ng buong pamamaraan, “kakailanganin naming magdagdag ng hindi kukulanging sampung mga manggagawa sa tripulante. At iyan ay kung makasumpong kami ng lugar na pag-iimbakan ng lahat ng mga magasing iyon.” Sa pamamagitan ng sistemang ‘in-line’ na ito, 11 mga opereytor na gumagawa bilang isang pangkat ay makagagawa ng 54,000 mga magasin sa isang oras. Madaling maunawaan kung bakit ang mga Saksi sa sangay ay labis na naliligayahan na ang produksiyon ng magasin sa Hapón ay naging ‘in-line.’

[Mga larawan sa pahina 16, 17]

A. Palimbagang Rotary

B. Mga magasin mula sa palimbagan

C. Mula sa conveyor tungo sa tagapagsalansan

D. Hydraulic pressing unit

E. Pantabas

F. Lugar ng pag-iimpake

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share