Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/22 kab. 13 p. 26-28
  • Ang “Prinsipe ng Kapayapaan” ay Bumabaling Doon sa Nangasa Labas ng Bagong Tipan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang “Prinsipe ng Kapayapaan” ay Bumabaling Doon sa Nangasa Labas ng Bagong Tipan
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • “Ibang Tupa” na Kasama sa Isang Kawan
  • Pagpapaabot ng Paanyaya: “Halika!”
Gumising!—1987
g87 5/22 kab. 13 p. 26-28

Kabanata 13​—Pandaigdig na Katiwasayan sa Ilalim ng “Prinsipe ng Kapayapaan”

Ang “Prinsipe ng Kapayapaan” ay Bumabaling Doon sa Nangasa Labas ng Bagong Tipan

1. Bakit hindi maaaring ikaila ng mga Judio ngayon na ang tipang Mosaiko na ipinakipagtipan sa kanilang mga ninuno ay nagwakas na?

HINDI maikakaila ng likas na mga Judio ngayon, yaong mga inapo sa laman ng patriarkang si Abraham, na ang matandang tipang Batas Mosaiko ay papalitan ng isang bago at lalong mabuting tipan. Hindi nila maaaring alisin mula sa kanilang mga manuskrito ng Hebreong Kasulatan ang mga salita ng Diyos sa Jeremias 31:31: “‘Narito! Ang mga araw ay dumarating,’ sabi ni Jehova, ‘na ako ay makikipagtipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda ng isang bagong tipan.’”

2. Paanong ang katanungan tungkol sa kung sino ang magiging Tagapamagitan ng bagong tipan ay isiniwalat noong dakong huli?

2 Kung sino ang tagapamagitan ng bagong tipang iyan ay hindi inihula ni Jeremias. Subalit noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., nang ipinasa ni Jesu-Kristo ang kopa ng alak ng Paskua sa kaniyang mga alagad, ipinakita niya na siya ang magiging Tagapamagitan na iyon. (Lucas 22:20) Sa Hebreo 7:22 tayo ay sinabihan na siya ang “prenda,” panagot o garantiya, ng isang bago at “lalong mabuting tipan” na iyon.

3. Anong iba pang mga tungkulin sa Diyos ang hinahawakan ni Jesu-Kristo, at ito ba’y dahilan sa linya ng pinagmulan?

3 Sa pamamagitan ng kaniyang hain alang-alang sa bagong tipan, si Jesus ang naging Mataas na Saserdote ni Jehova. Hindi siya naging gayon dahilan sa likas na pagiging mula sa angkan ni Aaron, ang unang mataas na saserdote ng Israel. Siya ay itinalaga sa tungkulin ng Mataas na Saserdote sa pamamagitan ng panunumpa ng Diyos na Kataas-taasan, si Jehova, ang Gumagawa ng mga Saserdote. Ang mga salita sa Awit 110:4 ay kumakapit kay Jesus: “Sumumpa si Jehova (at hindi niya panghihinayangan iyon): ‘Ikaw ay saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec!’”​—Hebreo 7:20, 21.

4. (a) Sa anong uri ng “Israel” ipinakipagtipan ni Jehova ang ipinangakong bagong tipan, at bakit? (b) Yaong mga isinasama sa bagong tipan ay naging mga anak nino?

4 Maliban sa maliit na bilang ng nalabi, tinanggihan ng likas na bansang Israel si Jesu-Kristo bilang ang Tagapamagitan ng bagong tipan. Kaya “ang sambahayan ni Israel” na doo’y ipinakipagtipan ng Diyos ang inihulang bagong tipan ay napatunayang isang espirituwal na Israel, “ang Israel ng Diyos.” (Galacia 6:16) Ang espirituwal na Israel na iyon ay isinilang noong araw ng Pentecostes, 33 C.E. Sapagkat ito ay espirituwal, maaari nitong gawing mga mamamayan nito ang sumasampalatayang mga hindi Judio o mga Gentil. (Gawa 15:14) Tinukoy ito ni Pedro bilang “isang piniling lahi, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang tanging pag-aari.” (1 Pedro 2:9) Ang “bansang banal” na ito ay binubuo ng espirituwal na mga anak ng Lalong-dakilang Abraham, si Jehova, ang Maygawa at Tagatupad ng tipang Abrahamiko. Kaya, sila rin ay “mga anak” ng tulad-asawang makalangit na organisasyon ni Jehova, na inilarawan ni Sara, ang asawa ni Abraham. Hindi maiiwasan, isasaalang-alang ng bagong tipan ng Lalong-dakilang Abraham, ang makalangit na organisasyong iyon bilang ang ina ng ipinangakong “binhi,” na inilarawan ni Isaac.

“Ibang Tupa” na Kasama sa Isang Kawan

5. Ano ang kailangan ng bagong tipan dito sa lupa?

5 Kailangan ng bagong tipang iyan ang aktibong mga ministro rito sa lupa, at ang mga membro ng pinahirang nalabi ay naglingkod bilang kuwalipikadong “mga ministro ng isang bagong tipan” na humalili sa matandang tipang Batas Mosaiko. (2 Corinto 3:6) Sila ay hindi mga ministrong klero sa loob ng daan-daang relihiyosong mga sekta ng Sangkakristiyanuhan, ang pinakalitaw na bahagi ng makabagong-panahong Babilonyang Dakila. Sinunod nila ang panawagang utos sa Apocalipsis 18:4 at lumabas sila mula sa pandaigdig na imperyong iyon ng huwad na relihiyon.

6. (a) Ang bilang ng mga ministro ng bagong tipan ay limitado sa ilan? (b) Paano natin nalalaman na ibabaling ng Mabuting Pastol ang kaniyang pansin doon sa nangasa labas ng bagong tipan?

6 Ang bilang ng mga ministro ng bagong tipang iyon ay limitado sa 144,000. (Apocalipsis 7:1-8; 14:1-5) Kaya darating ang panahon na ibabaling ng Mabuting Pastol ang kaniyang pansin sa kabila pa roon ng mga ministro ng bagong tipan. Nakinikinita na ito ng Punong Ministro ni Jehova at tinukoy ito nang kaniyang sabihin, sa Juan 10:16, na mayroon siyang “ibang tupa,” na hindi kabilang sa “munting kawan” ng 144,000.​—Lucas 12:32.

7. (a) Bakit ang mga membro ng uring “ibang tupa” ay hindi mga ministro ng bagong tipan? (b) Paanong ang nalabi niyaong kasama sa bagong tipan ay naging isang pagpapala na sa mga angkan at mga bayan sa lupa?

7 Yamang ang “ibang tupa” ay hindi kabilang sa “munting kawan,” sila ay magiging mga ministro rin ng Diyos, subalit hindi mga ministro ng bagong tipan. At ang bagay na ang mga “ibang tupa” na ito ay magiging “isang kawan” na kasama ng nalabi niyaong “mga ministro ng isang bagong tipan” ay nagpapahiwatig ng isang dakilang bagay. Ano? Ito: Bago luwalhatiin sa makalangit na Kaharian, ang nalabi ay personal na makikisama sa “ibang tupa” sa lupa. Sa ganitong paraan ang nalabi ng espirituwal na binhi ni Abraham ay magsisimulang maging isang pagpapala sa lahat ng mga angkan at mga bansa bago “ang digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat” sa Armagedon at bago magsimula ang Milenyo.​—Galacia 3:29; Apocalipsis 16:14, 16.

8. Kailan ibinaling ng Mabuting Pastol ang kaniyang pansin doon sa nangasa labas ng bagong tipan, at anong panimulang hakbang ang kinuha na ng “ibang tupa” na ito?

8 Ito nga ay napatunayang totoo, lalo na sapol noong 1935. Mula noon, angaw-angaw niyaong mga “ibang tupa” ay nakisama sa sampu-sampung libong mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong globo at inialay ang kanilang mga sarili sa Kataas-taasang Pastol, ang Diyos na Jehova. Sa gayon sila ay tinanggap sa “isang kawan” ng Mabuting Pastol, si Jesu-Kristo.

9. Ang pagpapalawak ba ng pansin ng Tagapamagitan ng bagong tipan ay nangangahulugan na ang ministeryo ng bagong tipan ay nagwakas na sa lupa?

9 Ang bagay ba na ang Tagapamagitan ng bagong tipan, mula noon patuloy, ay pinalalawak ang kaniyang pansin upang isama rin ang “ibang tupa” ay nangangahulugan na ang ministeryo ng bagong tipan ay nagwakas noong 1935? Hindi, sapagkat may nalabi pa ng mga ministro ng bagong tipan dito sa lupa, at kailangan pa nilang tapusin ang ministeryong iyan.

10. Sino ngayon ang nakikinabang mula sa ministeryo ng bagong tipan na isinagawa ng walong mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan?

10 Ngayon, kapuwa ang nalabi ng “munting kawan” at ang dumaraming “malaking pulutong” ng “ibang tupa” ng Mabuting Pastol ay nakikinabang mula sa ministeryo ng iba na nauna sa kanila, gaya ni apostol Pablo. Sa kaniyang matapat na pagsasagawa ng kaniyang ministeryo ng bagong tipan hanggang sa kaniyang kamatayan sa Roma mga ilang taon bago mawasak ang Jerusalem noong 70 C.E., si Pablo ay kinasihan na sumulat ng 14 sa 27 mga aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Anong laking pasasalamat ng pinahirang nalabi at ng “malaking pulutong” ng “ibang tupa” na isinagawa ng tapat na mga lalaki noong unang siglo, gaya ni apostol Pablo at ng pitong iba pang mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang kanilang ministeryo ng bagong tipan hanggang sa wakas ng kanilang makalupang buhay! At sa ating panahon, angaw-angaw sa “ibang tupa” ay nakikinabang na mula sa ministeryo ng bagong tipan, na naisagawa ng pinahirang nalabi sa ilalim ng Tagapamagitan, si Jesu-Kristo. Ibinaling na ngayon ng “Prinsipe ng Kapayapaan” ang kaniyang pansin sa minamahal na mga “ibang tupa” na ito, na ang bilang ay mabilis na dumarami.

11. (a) Gaano katagal nang ipinatutupad ang bagong tipan, at ano ang ipinahihiwatig nito? (b) Ang nalabi ng mga ministro ng bagong tipan ay naglilingkod sa anong kakayahan ngayon?

11 Gayunman, ang panahon ay paubos na! Ang bagong tipan ay ipinatupad na sa loob ng 1,953 mga taon, 407 mga taong mas mahaba kaysa tipang Batas Mosaiko, na pinalitan nito, at ang bilang ng mga ministro ng bagong tipan ay umuunti habang ang mga membro ay naglalaho sa makalupang tanawin sa kamatayan. Subalit ang nalabi ngayon ng mga ministrong iyon ay patuloy na naglilingkod bilang “ang tapat at maingat na alipin” na hinirang ng Panginoon, si Jesu-Kristo, “sa lahat ng kaniyang pag-aari.”​—Mateo 24:45-47.

Pagpapaabot ng Paanyaya: “Halika!”

12. Sang-ayon sa Apocalipsis 22:17, anong paanyaya ang ipinaaabot ng uring “kasintahang babae,” at kanino?

12 Napakamaibigin nga ng paglilingkod na isinasagawa ng mga ministrong iyon ng bagong tipan! Halimbawa, sa Apocalipsis 22:17 ating mababasa: “Ang espiritu at ang kasintahang babae ay patuloy na nagsasabi: ‘Halika!’ At ang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang nauuhaw ay pumarito; at ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.” Ang uring “kasintahang babae,” pati na ang aktibong puwersa, o espiritu ni Jehova, ay nagpapaabot ng paanyayang iyan sa nangasa labas ng bagong tipan. Ang paanyaya ay ipinaaabot, hindi lamang doon sa ngayon ay mga patay sa alaalang mga libingan na pagpapalain sa pamamagitan ng isang pagkabuhay-muli mula sa mga patay, kundi sa mga taong ngayo’y nabubuhay, na nanganganib na mapuksa sa Armagedon subalit mayroong nakikinig na mga pandinig.

13. (a) Ang paanyaya ba na ipinaaabot ng uring “kasintahang babae” ay naging walang kabuluhan? Ipaliwanag. (b) Ano ang ginagawa niyaong tumanggap na ng paanyaya bilang pagsunod sa Apocalipsis 22:17? (c) Ano ang totoo kung tungkol sa natitirang panahon para sa pag-aanyaya?

13 Hindi sa walang kabuluhan na ang maibiging paanyayang ito ay ipinaabot sa buong lupa lalo na sapol noong 1935. Mahigit na tatlong milyon ang tumugon na sa magiliw na paanyaya na pumarito at uminom. Gaya niyaong mga may pagpapahalagang nakarinig, masunuring sinasabi nila sa maraming iba pang angaw-angaw na nauuhaw sa walang hanggang buhay sa isang lupang paraiso, “Halika!” Subalit ang panahon ng pagpapaabot ng magiliw na paanyayang ito sa “ibang tupa” ay limitado. Pagkatapos palawigin ng mahigit na kalahating siglo, ang natitirang panahon para rito ay napakaikli na ngayon, habang ang digmaan ng Diyos sa Armagedon ay nagbabanta sa unahan ng “salinlahing ito” ng sangkatauhan.​—Mateo 24:34.

14. Sa ano tayo dapat magpasalamat at pumuri kay Jehova?

14 Kaya, ngayon, makapagpapasalamat tayo kay Jehova na siya ay naglaan ng may kakayahang Tagapamagitan na matagumpay na isinasagawa ang layunin ng bagong tipan sa paggawa ng isang bayan, 144,000, para sa Kaniyang pangalan! Purihin din si Jehova sapagkat ang kaniyang Tagapamagitan bilang isang Mabuting Pastol ay dinadala na ang dumaraming angaw-angaw na “ibang tupa” sa “isang kawan,” kung saan sila ay nakapasok na sa maagang mga pakinabang na umaagos sa sangkatauhan mula sa bagong tipan!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share