Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 9/8 p. 10-11
  • Isang Pangglobong Lunas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pangglobong Lunas
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay na Soberanyang Pandaigdig
  • Ano ba ang “Greenhouse Effect”?
    Gumising!—1989
  • Nakalilitong Lagay ng Panahon
    Gumising!—1998
  • Ano Na ang Nangyayari sa Lagay ng Panahon?
    Gumising!—2003
  • Ano ang Maaaring Gawin?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 9/8 p. 10-11

Isang Pangglobong Lunas

ANG komperensiya sa Toronto, na nabanggit kanina, ay nagwakas na may taimtim na pagsamo para sa internasyonal na pagtutulungan tungkol sa suliraning ito ng greenhouse effect. “Nakatayo sa harap ng isang 12-metro-ang-taas na larawang iginuhit na isang maulap na tanawin ng langit,” ulat ng magasing Discover, “ang mga punong ministrong sina Brian Mulroney ng Canada at Gro Harlem Brundtland ng Norway ay nangako na ang kanilang mga bansa ay magbabawas sa paggamit ng gatong na fossil (karbón, langis, at natural na gas).”

Si Gng. Brundtland, ang Norwegong punong ministro, ang tagapamanihala ng UN World Commission on Environment and Development. “Ang epekto ng pagbabago ng klima ng daigdig ay maaaring mas malaki kaysa anumang hamon na nakaharap ng tao, maliban na lamang sa hamon ng paghadlang sa digmaang nuklear,” sabi niya. Siya’y nanawagan para sa isang internasyonal na kasunduan upang pangalagaan ang atmospera mula sa higit pang pagkasira.

Ano ba ang kasangkot sa gayong kasunduan? Ganito ang pagkakasabi rito ni Dr. Michael McElroy ng Harvard University, sa isang pahayagan bago ang komperensiya: “Sa wakas dapat nating mahigpit na bawasan ang paggamit natin ng gatong na fossil. Hindi ito madaling trabaho. Paano natin hihikayatin ang mga bansa na gaya ng Tsina na may saganang pinagkukunan ng karbón na takdaan ang pagpapaunlad at paggamit ng kanilang madaling makuha at hindi magastos na gatong? Kailangan natin ang internasyonal na paglapit. . . . Kailangang gumawa tayo ng mga pangganyak upang hikayatin ang Mahihirap na Bansa na sundin ang mas matalinong landasin kaysa landasing ating kinuha.”

Subalit paano ba tutugon ang Mahihirap na Bansa sa gayong panghikayat? Ang saganang Kanluraning istilo-ng-buhay na ninanais ng mga mamamayan sa mahihirap na bansa ay nangangailangan ng pagkarami-raming yaman ng enerhiya. Ang mga kotse, ang kumikinang na mga simbolong iyon ng kapangyarihan at tagumpay, ay nangangailangan ng gasolina maliban na lamang kung ang mga ito ay gagamitin bilang mga palamuti sa damuhan. Ang magagara, agresibong ipinagbibiling mga produkto ay nangangailangan ng balot na plastik, na tinatawag ni Dr. Lester Lave ng Carnegie-Mellon University na “namuong enerhiya.” Ang bagong mga haywey at nagtataasang mga gusali at magagarang internasyonal na mga paliparan at mga pamilihan ay nangangailangan ng pagkarami-raming enerhiya upang itayo at ilawan at bigyan ng mantensiyon. Kaya, ngayon ang mayayamang bansa ay para bang nagsasabi sa mahihirap na bansa: ‘Mayroon na kaming mayamang istilo-ng-buhay. Walang anu-ano kami’y lubhang nabahala sa kapaligiran. Ikinalulungkot namin, pero hindi kayo maaaring magkaroon ng kung ano ang mayroon kami. Kailangang maging “mas matalino” kayo kaysa amin. Hindi ninyo maaaring gamitin ang lahat ng murang enerhiyang ito na gaya namin. Kailangan gumamit kayo ng mas mahal na enerhiya at umunlad nang mas mabagal, paghintayin ninyo ng kaunti ang inyong mamamayan na magkaroon ng istilo-ng-buhay na sinasabi naming dapat nilang gayahin.’ Paano sa palagay mo tatanggapin iyan ng Mahihirap na Bansa?

Kinikilala ang problemang ito, si Dr. McElroy ay nagpapatuloy: “Tiyak, ito’y nangangailangan ng paglilipat ng mga kayamanan mula sa atin [mayayamang bansa] tungo sa kanila [Mahihirap na Bansa]. . . . Waring angkop na ito’y paglaanan ng salapi sa pamamagitan ng pagsingil ng buwis sa mga gatong na fossil, ang sanhi ng napakarami nating problema. Hindi maliwanag kung paano pangangasiwaan ang buwis na iyon. Waring ito’y nangangailangan ng isang internasyonal na lupon na may walang katulad na kapangyarihan at autonomiya. Tiyak na hihilingin nito na ipagkatiwala ng mga bansa ang di-kukulanging isang bahagi ng dating itinuturing nilang hindi maiaalis na karapatan sa malayang pag-iisip at pagkilos.”

Subalit gaano katotoo ang pag-asang ito? Ibibigay ba ng mayayamang bansa ang soberanya at kapangyarihan sa pagbubuwis na kusa sa ilang internasyonal na lupon upang ilipat ang salapi sa mahihirap na bansa at labanan ang greenhouse effect? Ang mayayaman at makapangyarihang mga bansa sa ating planeta ay hindi naging mayaman at makapangyarihan sa pamamagitan ng ganitong uri ng pangmatagalang pag-iintindi sa kapakanan ng iba. Sila’y totoong mapanibughuin sa kanilang pambansang soberanya. Magbabago ba sila ngayon dahil lamang sa ang ilang mga siyentipiko ay nababahala tungkol sa greenhouse effect?

Tunay na Soberanyang Pandaigdig

Upang lunasan ang pangglobong suliranin na gaya ng di-mapigil na greenhouse effect, ang kinakailangan ay hindi mga resolusyon, pag-asa, at mga kasabihan kundi isang tunay na pandaigdig na gobyerno, na may kakayahang ipatupad ang mahuhusay na patakarang pangkapaligiran mula sa Artico hanggang sa Antartico. Ang kasaysayan ng tao hanggang sa ngayon ay hindi nagbibigay ng dahilan upang umasa na siya ay makagagawa ng gayong pamahalaan. “Sa ating kasaysayan, nagawa natin ang lahat ng pagkakamali na maiisip mo, at paulit-ulit nating nagawa ang bawat isa nito, gumagawa ng walang katapusang serye ng iba’t ibang pagkasarisari at pagbabago ng bawat malaking pagkakamali, kailanman’y hindi natututo ng anuman,” panangis ng manunulat sa siyensiya na si Allan Wirtanen sa magasing New Scientist.

Nakikita ng seryosong mga estudyante ng kasaysayan ng tao ang isang malaking aral sa lahat ng ito​—ang kawalang-kaya ng tao na pangalagaan ang planeta nang hiwalay sa kaniyang Maylikha. Ito ba ay waring masyadong “relihiyoso” sa iyong pandinig? Hindi gaanong “siyentipiko”? Marahil ay medyo “payak”?

Gayunman, alin ba ang mas payak​—ang umasang babaligtarin ng tao ang malungkot na kasaysayan nito, pagtatagumpayan ang pambansa, pulitikal, relihiyoso, at kultural na mga hadlang at kukuha ng pangmatagalang pagkilos upang iwasan ang kapahamakan sa susunod na siglo​—o maniwalang ang Diyos ay mamamagitan bago maging huli ang lahat? Ang Maylikha ay nangako sa kaniyang Salita na “ipapahamak ang mga nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) May sapat na makasaysayan at siyentipikong katibayan na gayon nga ang gagawin niya. Bakit hindi maglaan ng ilang minuto upang tingnan ang mga pangakong ginawa niya tungkol sa ating lupa sa Bibliya sa Awit 37 at Isaias kabanatang 11 at 65. Ihambing ang mga ito sa kasalukuyang mapanglaw na mga hula dahil sa greenhouse effect. Alin ang talagang naglalarawan sa hinaharap ng lupa? Hindi kaya utang mo sa iyong sarili at sa iyong mga anak na alamin mo ang tungkol dito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share