Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Martin Luther—Ang Lalaki at ang Kaniyang Pamana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Si Luther—Isang Bagong Puwersa sa Pagkakaisa?
    Gumising!—1985
  • Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Kuto
    Gumising!—1989
  • Mga Kabataan Ngayon—Madaling Mabiktima ng Satanismo?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Repormang Katoliko Inaakala kong ang inyong mga artikulo tungkol sa kasaysayan ng relihiyon (Agosto 22, 1989) ay mahusay ang pagkakasulat sa pangkalahatan. Gayunman, naniniwala akong nakagawa kayo ng malaking pagkakamali sa inyong pagpapawalang-sala kay Martin Luther mula sa “Catholic anti-Semitism” (Katolikong pagkapoot sa mga Judio). Si Martin Luther ay maraming isinulat o sinabi na laban sa lahing Judio, tinatawag silang “isang napakasama at kasumpa-sumpang mga tao” at “mga diyablo” pa nga.

E. W., Estados Unidos

Ang artikulo ay nakasentro sa bulok na mga gawain ng Iglesya Katolika, hindi sa mga pagkukulang ng mga repormador na Protestante. Dating sinalansang ni Luther ang pagkapoot ng Katoliko sa mga Judio. Gayumpaman, ang Alemang aklat na “Die Juden und Martin Luther​—Martin Luther und die Juden,” (Ang mga Judio at si Martin Luther​—si Martin Luther at ang mga Judio), ni Heinz Kremers, ay nagsasabi: “Sa simula si Martin Luther ay palakaibigan sa mga Judio, yamang inaasahan niya na sila ay makukumberte sa Kristiyanismo minsang ang dalisay na ebanghelyo ay maipangaral sa kanila. Nang ang inaasahang ito ay hindi natupad, siya ay naging malupit na kaaway ng mga Judio.”​—ED.

Satanismo Nagitla ako sa pabalat ng Oktubre 22, 1989, na labas ng magasin! Sa tuwina’y nasusumpungan ko ang mga magasin na nakapagpapatibay-loob. Subalit ang labas na ito ay nakagigitla at nakalilito sa akin. Hindi ba masamang magkaroon ng Satanikong mga simbolo sa tahanan ng isa sa anumang anyo?

P. W., Estados Unidos

Ang paksang Satanismo ay talagang nakagigitla. Gayumpaman, inaakala naming obligado kaming babalaan ang mga mambabasa tungkol sa mga ‘pakana ni Satanas,’ at kung minsan ito ay nagsasangkot ng paghaharap ng mga paksa na maaaring masumpungan ng iba na hindi kanais-nais. (2 Corinto 2:​11) Gayunman, ang teksto at ang mga larawan​—pati na ang paglalarawan ng Satanikong mga simbolo—​ay iniharap sa paraan na hindi nagtataguyod ng Satanismo o pumupukaw man kaya ng pagkausyoso rito. Bagkus, ito’y upang tulungan ang mga mambabasa, pati na ang mga kabataan, na kamuhian at iwasan ang Satanikong mga gawain.​—ED.

May takot at pagtatakang binasa ko ang inyong ulat tungkol sa Satanismo, at pinasasalamatan ko ang pagsisikap ninyo na itawag-pansin ang nakasusuklam na kasalanang ito sa inyong mga mambabasa. Wala akong nakikitang katibayan ng Satanismo sa aking lugar, gayumpaman, magiging alisto ako sa posibleng paglitaw nito.

M. V. H., M.D., Estados Unidos

Kuto Bilang isang nars sa paaralan, na regular na nakikitungo sa paksa na tungkol sa kuto, sumasang-ayon ako sa karamihan ng sinasabi ng inyong artikulo. (Agosto 22, 1989) Nakalulungkot sabihin, iminungkahi ninyo ang pagkakalbo bilang isang mas mabisang paraan ng paggamot sa isang bata. Inaakala kong ang pagkalbo sa ulo ng bata upang mawala ang kuto ay padalus-dalos at hindi naman kinakailangan. Hindi ko rin iminumungkahi ang paggamit ng kerosin sa anit. Ito ay nakalalason at maaaring magliyab, at tiyak na ang daan-daang kaso ng kuto ay mas mabuti kaysa isang sunóg na bata.

C. M., Inglatera

Pinahahalagahan namin ang mga komentong ito. Ang “Gumising!” ay hindi nagmumungkahi ng medikal na mga paggamot. Subalit yamang ang aming babasahin ay ipinamamahagi sa buong daigdig at binabasa ng mga tao na maaaring walang makuhang modernong mga paggamot, iniulat lamang namin ang mga lunas na pantahanan na sinasabing matagumpay ng iba sa paggamot sa kuto. Gayunman, hindi inirerekomenda ng modernong mga autoridad sa medisina ang pagkalbo sa ulo na kutuhin, minamalas ito na sikolohikal na nakapipinsala at hindi kinakailangan. Ang paggupit sa buhok ay inirerekomenda lamang kung ang buhok ay lubhang mahaba o buhul-buhol anupa’t napahirap nitong suklayin. Isa pa, hindi inirerekomenda ng mga autoridad sa medisina ngayon na ang kerosin ay ipahid sa anit. Halimbawa, sinabi ni Propesor David Taplin ng University of Miami School of Medicine sa “Gumising!” na ipinalalagay niya ang gawaing ito na sinauna.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share