Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 8/8 p. 3-4
  • Bahagi 1a—Pagtutok ng Pansin sa Gobyerno

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 1a—Pagtutok ng Pansin sa Gobyerno
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ano ang Palagay ng mga Tao Tungkol sa Gobyerno
  • Nawawalan Na ng Tiwala ang mga Tao sa mga Politiko—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Bakit Nawawala ang Pagtitiwala?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ang Pinakamabuting Pamahalaan—Malapit Na!
    Gumising!—1985
  • Bahagi 9—Ang Pamamahala ng Tao ay Umaabot Na sa Sukdulan Nito!
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 8/8 p. 3-4

Tinimbang ang Pamamahala ng Tao

Bahagi 1a​—Pagtutok ng Pansin sa Gobyerno

ANG madulang pulitikal na mga pagbabago sa Europa noong 1989 ay nagtutok ng pansin ng daigdig sa paksang gobyerno sa isang pambihirang paraan. Binanggit ng isang babasahin na “ang 1989 ay matatandaan hindi bilang ang taon na ang Silangang Europa ay nagbago kundi bilang ang taon na ang Silangan Europa gaya ng pagkakilala natin dito sa loob ng apat na dekada ay nagwakas.”

Higit pa riyan, si Francis Fukuyama na kawani sa pagpaplano-ng-patakaran ng Kagawaran ng Estado ng E.U. ay sumulat kamakailan na “kung ano ang ating nasasaksihan ay hindi lamang ang wakas ng malamig na digmaan, o ang paglipas ng isang partikular na yugto ng kasaysayan pagkatapos ng digmaan, kundi ang wakas ng kasaysayan: yaon ay, ang wakas ng ideolohikal na ebolusyon ng tao.”

Ang pangmalas na ito, bagaman masyadong kontrobersiyal, ay nagtutuon ng ating pansin sa ilang napakahalagang katanungan. Halimbawa, ano ang masasabi sa mga dantaon ng nakaraang pamamahala ng tao? Naabot na ba ng sangkatauhan ang puntong iyon sa panahon kung saan siya ay makapagsasalita tungkol “sa wakas ng gayong kasaysayan”? Ano nga bang kinabukasan ang naghihintay sa mga gobyerno? At ano ang magiging epekto ng mga pangyayaring ito sa hinaharap sa atin bilang mga indibiduwal?

Kung Ano ang Palagay ng mga Tao Tungkol sa Gobyerno

Angaw-angaw na mga tao ang maliwanag na nagbago na ng kanilang palagay sa kani-kanilang pulitikal na mga lider. Totoo ito hindi lamang sa mga nakatira sa Europa kundi, sa iba’t ibang antas, sa mga mamamayan saanman. Halimbawa, tingnan natin ang mga bansa sa Latin Amerika.

Inilarawan ng isang kilalang babasahing Aleman tungkol sa kalakal ang pulitikal na kalagayan doon noong pagtatapos ng 1988 bilang “wala kundi mga bunton ng kaguhuan.” Binabanggit ang mga detalye, sinabi nito: “Ang ekonomiya ng Argentina . . . ay magulo. Ang Brazil ay nagbabantang magiging mahirap pamahalaan. Ang Peru ay hirap na hirap na. Ang Uruguay ay naguguluhan. Pinag-iisipan ng Ecuador ang di-maikakailang emergency na kalagayan. Pinananatili ng Colombia at Venezuela . . . ang isang mabuway na demokratikong tradisyon. Sa Mexico ang katatagan ng isang nagpupunong partido na namahala nang walang-tutol sa loob ng 50 taon . . . ay nakikita ng lahat na gumuguho. Ang mga taon ng 1980 ay kinalilimutan na bilang isang ‘nawalang dekada.’ ”

Sa ilang mga lugar ang popularidad ng mga pulitiko ay lubhang bumaba. Nang ang mga tao sa Austria ay hilingin na pagsunud-sunurin ang 21 hanapbuhay ayon sa prestihiyo, inilista nila ang mga pulitiko sa ika-19 na dako. Isinisiwalat ng surbey tungkol sa opinyon ng publiko sa Pederal na Republika ng Alemanya na 62 porsiyento ng mga mamamayan nito na tinanong ay umamin na sila ay walang gaanong tiwala sa mga pulitiko.

Si Propesor Reinhold Bergler, direktor ng Institute of Psychology sa University of Bonn, ay nagbababala na “ang mga kabataan ay nasa bingit ng pagtalikod sa estado, pulitika at sa mga pulitiko.” Sinabi niya na 46 na porsiyento ng mga kabataang ito ay minamalas ang mga pulitiko bilang mga taong “puro salita,” at 44 na porsiyento ang may palagay na sila ay masusuhulan.

Isang tagasurbey na Amerikano, na sumusulat noong 1970’s, ay nagsabi: “May paniniwala na ang (pulitikal) na proseso ay lubhang walang pagtugon at di-tapat anupa’t hindi ito magamit ng mga botante sa kanilang mga layunin.” Kaya, maraming tao sa Estados Unidos na may akalang ang mga pulitiko “ay talagang walang pakialam kung ano ang mangyari sa iyo” ay patuloy na dumarami mula sa 29 na porsiyento noong 1966 tungo sa 58 porsiyento noong 1980’s. Binibigyan-matuwid ng pahayagang Aleman na Stuttgarter Nachrichten ang gayong paghahalaga, na sinasabi: “Pangunahin sa isipan ng maraming pulitiko ang kanilang sariling interes at pagkatapos, marahil, yaong sa kanilang mga botante.”

Mauunawaan kung gayon, lumalago ang kawalang-interes sa pulitika. Noong 1980 53 porsiyento lamang ng mga mamamayan sa E.U. na puwedeng bumoto ang nagtungo sa mga presintong botohan. Iniulat na ito ang ikalimang sunud-sunod na pagbaba sa bilang ng mga bumuboto. Noong 1988 ang bilang ng mga botante ay bumaba tungo sa 50 porsiyento lamang.

Kinikilala ng mga pulitiko ang problema. Isang kilalang lider ng daigdig ay nagsabi: “Napakaraming pagkukunwari . . . sa pulitikal na buhay.” Nagpapaliwanag kung bakit, sabi niya: “Mahalagang ikaw ay maupo sa puwesto at manatili sa puwesto.” Ang nagsalita? Ang dating presidente ng E.U. na si Richard Nixon. Dahil sa mga iskandalong nagpaikli sa kaniyang pagkapresidente, iilang tao ang mag-aalinlangan na alam niya ang sinasabi niya.

Ang di-kasapatan ng pulitika ay nagpapangyari sa mga taong tapat na magtanong kung posible pa kaya ang isang mabuting gobyerno. Hindi kaya mas mabuti pa tayo kung walang anumang gobyerno? Hindi kaya marahil ang ‘walang gobyerno’ ang lunas?

[Kahon sa pahina 4]

“Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak.”​—Kawikaan 11:14

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share