Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 11/8 p. 26-27
  • Droga Para sa Kasiyahan—Bakit Hindi?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Droga Para sa Kasiyahan—Bakit Hindi?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapipinsala at Nakamamatay na mga Epekto
  • Ang Iyong Katawan​—Isang ‘Haing Buháy’
  • Droga—Mapanganib at Nakamamatay
    Gumising!—1988
  • Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Droga—Sino ba ang Gumagamit ng mga Ito?
    Gumising!—2001
  • Droga—Sumisidhi ang Problema
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 11/8 p. 26-27

Ang Pangmalas ng Bibliya

Droga Para sa Kasiyahan​—Bakit Hindi?

“ANG cocaine . . . marahil ang pinakasuwabe sa lahat ng bawal na gamot na kasalukuyang malaganap na ginagamit . . . at lubhang kasiya-siya.”

Gayon ang sabi ni Dr. Peter Bourne noong 1974. Pagkalipas ng apat na taon bilang tagapayo sa patakarang pangkalusugan sa White House para kay Presidente Jimmy Carter, si Dr. Bourne ay sapilitang pinagbitiw dahil sa mga paratang may kaugnayan sa ilegal na paggamit ng droga. Gaya ng marami pang iba, marahil akala niya ay mabibigyan-matuwid niya ang paggamit ng droga para sa kasiyahan.

Dati ang cocaine ay madaling makuha ng sinuman sa lahat halos ng dako​—sa mga groseri, sa mga salón, at mula sa mga nagtitinda sa pamamagitan ng pidido sa koreo. Noong 1880’s at 1890’s, maaari itong hithitin sa anyo ng dahon ng coca na mga sigarilyo. Inihalo ito sa sarisaring alak at mga inuming de bote. Kahit na ang popular na kathang-isip na tiktik na si Sherlock Holmes ay inilarawan na gumagamit ng cocaine “tatlong beses isang araw sa loob ng maraming buwan.”​—The Sign of Four, ni Sir Arthur Conan Doyle.

Ang cocaine ay pinahahalagahan dahil sa pampanauling mga katangian nito at tinatawag na isang lunas para sa sakit ng ulo, hika, hay fever, at sakit ng ngipin. Naging gamot ito ng masa. Halimbawa, noong 1884 isang kabataang Sigmund Freud ang sumulat: “Sinubok ko na nang maraming beses sa aking sarili ang epektong ito ng coca, na nag-aalis ng gutom, antok, at pagod at pinatitibay ang isa tungo sa intelektuwal na pagsisikap . . . Ang unang dosis o kahit na ang inulit na mga dosis ng coca ay hindi lumilikha ng matinding pagnanais na gamitin pa ang pampasigla.”​—Über Coca.

Noong nakalipas na mga taon, gayunding mga komento ang sinabi tungkol sa marijuana, na umakay sa ilang tao na maniwala na ang paggamit ng mga droga ay hindi nakapipinsala. Gayunman, ngayon mababasa mo ang napakaraming medikal na mga katibayan na nagpapakita na ito ay nakapipinsala. Oo, ang paggamit ng mga droga na gaya ng marijuana, cocaine, crack (isang anyo ng cocaine), heroin, amphetamines, at barbiturates ay lubhang nakapipinsala sa katawan.

Nakapipinsala at Nakamamatay na mga Epekto

Sinasabi ng mga mananaliksik na ang mga gumagamit ng marijuana ay makakaasa ng mas maliliit na mga sanggol, higit na mga aksidente, at siráng mga bagà. Ang cocaine at ang mga nagagawa mula rito ang crack ay iniuugnay sa paranoia at iba pang mga sintomas ng pagkasira ng bait, matinding panlululmo, insomia, kawalan ng gana, seksuwal na pagkainutil, lubhang pagkamayayamutin, mga kombulsiyon, atake sa puso, atake serebral, pinsala sa balat o malalaking paltos, kawalan ng braso at mga daliri, mga depekto sa panganganak, upper respiratory infections, kawalan ng pang-amoy, at kamatayan. Sang-ayon sa isang manunulat sa siyensiya, “kung ang paggamit ng cocaine sa panahon ng pagdadalang-tao ay isang sakit, ang epekto nito sa mga sanggol ay maituturing na isang pambansang krisis sa pangangalaga-sa-kalusugan.”

Ang ilang uri ng mga gumagamit ng droga ay lubhang nanganganib din na magkaroon ng AIDS. (Tingnan ang pahina 25.) At maraming suliranin sa kalusugan ang nauugnay sa pagmamalabis sa sintetikong mga droga, gaya ng amphetamines, barbiturates, trangkilayser, at eksotikong “designer drugs.”

Gayunman, sa kabila ng nalalamang panganib, ang mga tao ay natutukso pa ring subukin ang mga droga. Nasusumpungan ng di-palagiang gumagamit nito na ang mga drogang iyon ay nakatutuwa. Gayumpaman, ang mga panganib ay talagang totoo. Para itong pag-ugit sa isang oil tanker tungo sa isang nakalubog na batuhan​—tiyak na malaking sakuna.

Ang Iyong Katawan​—Isang ‘Haing Buháy’

Ang simulaing ipinahayag ni apostol Pablo sa Roma 12:1 ay nagpapatotoo sa bagay na ito. Sabi nito: “Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na ang inyong katawan ay ihandog ninyo na isang haing buháy, banal, kalugud-lugod sa Diyos, isang may kabanalang paglilingkod lakip ang inyong kakayahang mangatuwiran.” Ang mga Kristiyano ay dapat maghandog ng mas makabuluhang mga hain kaysa mga haing hayop na hiniling sa sinaunang bansang Israel.

Kapansin-pansin ang paggamit ni Pablo ng salitang Griego na isinaling “haing buháy, banal” (thy·siʹan zoʹsan ha·giʹan). Sang-ayon sa iba’t ibang iskolar ng Bibliya, ang mga salitang ito ay nagbabadya ng sumusunod na kahulugan: Ang Israelita ay naghaharap ng isang patay na handog na hayop. Ito ay hindi na muling maihahandog. Sa kabaligtaran, dapat iharap ng Kristiyano ang kaniyang sarili taglay ang lahat niyang buháy na lakas, “nabubuhay.” (Ang Griegong pandiwa na isinaling “nabubuhay” ay maaaring mangahulugan kung minsan na “mabuhay sa kalusugan.”) At kung paanong ang mga Israelita ay pinagbawalang ihandog ang pilay o sa anumang paraa’y may kasiraan, inihaharap ng Kristiyano sa Diyos ang pinakamabuti sa kaniyang kakayahan. At yamang ang katawan ng Kristiyano ay nagiging tagapagdala ng kaniyang mga kilos, lahat ng kaniyang mga gawa at kaisipan pati na ang kanilang instrumento​—ang kaniyang katawan—​ay dapat ialay tangi sa Diyos. Ito ay nagiging isang akto ng lubusang pag-aalay. Wala siyang inaangkin sa kaniyang sarili. Sa gayon, ang kaniyang buhay, hindi ang rituwal, ang tunay na hain.

Kaya nga, hinihimok ni Pablo ang unang-siglong mga Kristiyano, samantalang sila’y nabubuhay pa sa lupa, na gamitin ang lahat ng kanilang lakas, ang kanilang kalusugan, at anumang talino o kaloob mayroon sila sa buong-kaluluwang paglilingkod sa Diyos. (Colosas 3:23) Dapat nilang ibigay kay Jehova ang pinakamabuting maihahandog nila sa pisikal at mental na paraan. Ang Diyos ay totoong malulugod sa gayong mga hain.

Gayunman, paano kaya tutugon ang Diyos kung kusa silang nakikibahagi sa mga gawaing nakababawas ng kanilang pisikal o mental na kakayahan o pinaiikli pa nga ang kanilang buhay? Nanaisin ba ng mga Kristiyano na labagin ang kautusan at isapanganib ang kanilang halaga sa ministeryo ng Diyos? Ang maruruming gawain ay maaaring mag-alis sa kanila ng karapatan bilang mga ministro at magbunga pa nga ng kanilang pagkatiwalag sa kongregasyong Kristiyano.​—Galacia 5:​19-22.

Ngayon, karaniwang gawain sa buong daigdig na ang mga tao ay magpakalabis sa droga. Maaari kayang gamitin ng isa ang gayong mga droga para sa kasiyahan at ihandog pa rin ang kaniyang katawan bilang “isang haing buháy, banal, kalugud-lugod sa Diyos”? Hindi lamang ang medikal na pananaliksik at di-mabilang na mga karanasan ng kapaha-pahamak na mga resulta kundi ang mga simulain din naman ng Bibliya ay nagbibigay ng isang malinaw na sagot​—hindi!

[Larawan sa pahina 26]

“The Opium Smoker”​—ni N. C. Wyeth, 1913

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share