Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 8/8 p. 7
  • Pagbibigay ng Papuri sa Maylikha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbibigay ng Papuri sa Maylikha
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Makabagong Pag-aalinlangan—Dapat Bang Ituloy ang Paghahanap?
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Digmaan ni Jehova, Aklat ng mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Siyensiya, Relihiyon, at ang Paghahanap sa Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang Matututuhan Natin sa Kalikasan
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 8/8 p. 7

Pagbibigay ng Papuri sa Maylikha

“ANG mga bulaklak ay para sa kagandahan, at ang mga prutas ay para sa kapakinabangan. Ngunit maraming prutas ang maganda. Nais ng ating makalangit na Ama na ang mga bagay ay maging maganda at kapaki-pakinabang.” Ang siniping ito ay hindi mula sa isang relihiyosong aklat-aralin. Ito’y mula sa isang aklat sa siyensiya na pinamagatang The Child’s Book of Nature. Isinulat noong 1887, nilayon ng awtor nito, si Worthington Hooker, M.D., na ang aklat ay gamitin sa mga sambahayan at mga paaralan sa pagtuturo sa mga bata.

Ang istilo ng pagsulat sa aklat na ito ay nagpapatunay sa pinaniniwalaan at pagpipitagan ng awtor sa Maylikha. Ganito pa ang sulat ni Dr. Hooker: “Ang sarisari at katakam-takam na lasa ng mga prutas sa lupa ay napakarami, gaya ng makikita mo kung pag-iisipan mo ang marami sa mga ito hangga’t magagawa mo. Kay-laking katibayan ng saganang kabutihan ng Diyos! Hindi niya tayo binibigyan-lugod sa iilang bagay lamang, kundi sa maraming bagay. Ang kaayaayang mga bagay sa daigdig na ito ay halos walang katapusan sa kanilang pagkasari-sari. Pambihira nga na malaman ng sinuman ang lahat ng ito, at mamuhay araw-araw nang hindi man lamang nagpapasalamat sa kaniyang Maylalang!”

Nang ang The Child’s Book of Nature ay unang ilathala, ang mga teoriya ni Darwin ay malawak na ang sirkulasyon sa loob halos ng tatlong dekada. Gayunman, ipinakikita ng mga aklat ni Dr. Hooker na kahit na noong dakong huli ng ika-19 na siglo, isang aklat-aralin ang tahasang makapupuri sa Diyos, sa halip na sa bulag na pagkakataon, para sa mga kababalaghan ng kalikasan.​—Ihambing ang Isaias 40:26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share