Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 11/22 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Arkeolohikal na Tuklas
  • “Mapanganib na Negosyo”
  • Panahon ng Digmaan at Kaguluhan
  • Surbey sa Pandaigdig na Kalusugan
  • Mga Pangmalas sa Armagedon
  • Relihiyon at Paggaling
  • Mabagal na Paglilingkod ng Koreo
  • Epekto ng Virtual Reality
  • Vending Machine Para sa Relihiyosong mga Imahen
  • Armagedon—Ang Maling Pagkakilala Rito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1993
  • Armagedon—Ano Ito Ayon sa Sinasabi ng Ilan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Armagedon—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 11/22 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Arkeolohikal na Tuklas

Matagal nang ipinalagay ng mga arkeologo na walang malaking mga tuklas ang kailangang gawin sa Libis ng mga Hari sa Ehipto pagkatapos na matuklasan ang punô ng kayamanan na libingan ni Haring Tutankhamen noong 1922. Subalit isang bagong libingan ang natuklasan na maaring siyang pinakamalaki at pinakamasalimuot sa libis. Taglay ang di-kukulanging 67 silid at isang pinaghihinalaang mas mababang palapag na maaaring may kabuuang bilang na mahigit sa 100, waring ito’y itinayo ni Ramses II bilang libingan ng kaniyang mga anak na lalaki. Si Ramses II ay namuno sa loob ng 66 na taon noong ika-13 siglo B.C.E. at nagkaanak ng mahigit na 100, lakip na ang 52 anak na lalaki. Ang libingan ng dalawa sa mga anak na lalaki ay natuklasan na. Inakala na ang iba pa ay nakalibing sa bagong tuklas na libingang ito, kung saan ang mga pangalan ng apat na anak na lalaki, lakip na ang kaniyang panganay, si Amen-hir-khopshef, ay natuklasan. Ito’y ipinagtaka ng mga relihiyosong iskolar sapagkat inakala ng ilan na si Ramses II ang paraon ng Ehipto sa panahon ng Paglabas ng Israel. Gayunman, ipinalagay ng ibang iskolar na ang panahon ng Paglabas ay noong 1513 B.C.E.

“Mapanganib na Negosyo”

“Ang pagmimina mismo ay mapanganib na negosyo,” sabi ng WeekendStar ng Johannesburg, “at isa na mahalaga sa kabuhayan ng bansa.” Kung gaano ito kapanganib ay natampok noong Mayo nang isang 12-toneladang lokomotora sa ilalim ng lupa sa isa sa minahan ng ginto sa Timog Aprika ang “bumangga sa mahigit na tatlong kagamitang pangkaligtasan bago nito ibulusok ang isang 2 103 metro [6,900 talampakan] na poste at dinurog ang elebeytor,” na may sakay na 104 na minero. Walang nakaligtas. “Nakalulungkot, ang gayong trahedya ay matagal nang bahagi ng buhay sa Timog Aprika,” sabi ng WeekendStar. “Sa unang 93 taon ng siglong ito mahigit na 69 000 trabahador ang napatay at mahigit na isang milyon ang napinsala sa aming mga minahan.”

Panahon ng Digmaan at Kaguluhan

“Inaakala ng ilang mananalaysay na ang ika-20 siglo ay mamalasin bilang isang panahon ng walang-kapantay na kalupitan,” sabi ng The New York Times. “Patuloy sa pagtaas, ang 75-taóng yugto mula 1914 hanggang 1989, lakip na ang dalawang digmaang pandaigdig at ang cold war, ay nakikini-kinita ng mga mananalaysay bilang nag-iisa, naiibang panahon, isang hiwalay na panahon na ang kalakhan ng daigdig ay nagdidigmaan, bumabangon mula sa digmaan o naghahanda sa pakikipagdigma.” Isang artikulo sa The Washington Post ang nagsasabi: “Ang ating ika-20 siglo na mga digmaan ay ‘lubusang mga digmaan’ kapuwa laban sa nakikipagdigma at mga sibilyan,” sabi nito. “Ang mga napatay, kasali na ang pagpaslang sa lahi ng mga Judio, ay tinatayang nasa sampu-sampung milyon. Ang malupit na mga digmaan ng nakalipas na mga siglo ay walang gaanong sinabing mga alitan kung ihahambing.” Ang sibil na pag-aalsa ang nakaragdag pa sa lansakang pagpatay. Gaano karami ang namatay? “Ang ‘mga megadeath’ sapol noong 1914, ayon sa pagtaya ng Zbigniew Brzezinski, ay may kabuuang 197 milyon, ‘ang katumbas ng mahigit na isa sa sampu ng kabuuang populasyon sa daigdig noong 1900,’” sabi ng Post. Sinabi pa nito na ito’y “di-mapag-aalinlanganang katotohanan na ang terorismo at walang-awang pagpatay ay natanim nang malalim sa kultura ng siglong ito” at na “walang sistemang pulitikal o pangkabuhayan sa kasalukuyan sa siglong ito ang nakapagpayapa o nakapagbigay-kasiyahan sa naliligalig na milyun-milyon.”

Surbey sa Pandaigdig na Kalusugan

Ang World Health Organization (WHO), sa unang taunang surbey nito ng pandaigdig na kalusugan, ay nag-uulat na halos 40 porsiyento ng populasyon ng daigdig​—mahigit na dalawang bilyon katao​—ang may sakit sa anumang panahon. Karamihan sa sakit at karamdaman ay di-kinakailangan at maiiwasan naman, anila. Ang karukhaan ang pinakapangunahing dahilan, yamang ang mahigit sa kalahati ng 5.6 na bilyong populasyon ng daigdig ay hindi makakuha ng mahalagang mga gamot, sangkatlo ng mga bata ay kulang sa pagkain, at sangkalima ng tao sa daigdig ay may kaunti o walang salapi upang maiwasan o magamot ang kanilang mga karamdaman. Ang pinakanakamamatay na mga sakit​—sakit sa puso, atake serebral, pulmunya, tuberkulosis, malarya, at mga impeksiyon sa palahingahan, gayundin ang diarrhea sa mga bata na wala pang limang taon​—ang kumikitil sa milyun-milyon bawat taon. Gayunman, sinasabi ng ulat na sa nakalipas na 25 taon, ang haba ng buhay ay tumaas tungo sa 65 taon mula sa 61. “Para sa milyun-milyon katao na ang pananatiling buhay ay isang pang-araw-araw na pakikipagpunyagi, ang pag-asa ng mas mahabang buhay ay waring higit na isang parusa kaysa isang gantimpala,” sabi ni Dr. Hiroshi Nakajima, patnugot-panlahat ng WHO.

Mga Pangmalas sa Armagedon

Ang mga relihiyon sa Hapon ay naudyukan na magpahayag ng kanilang mga pangmalas tungkol sa Armagedon pagkatapos na humantad ang relihiyong Aum Shinrikyo sa madla may kaugnayan sa nakamamatay na paglusob sa pamamagitan ng gas na sarin sa mga subway sa Tokyo noong Marso. “Sa loob ng mga taon, ang lider ng kulto na si Shoko Asahara . . . ay humula na masasaksihan ng daigdig ang Armagedon,” ulat ng The Daily Yomiuri. Bagaman ang Aum ay halos Budista, dalawang Budistang organisasyon ang nagsabi na “ang kaisipan tungkol sa Armagedon ay hindi kilala sa Budismo,” ulat ng Mainichi Daily News. “Kapuwa ang pangunahing Kristiyanong mga grupo na sinurbey . . . ay tumanggi sa paniwala ng AUM na malapit na ang Armagedon. Sinabi ng Katolikong grupo na hindi pamilyar ang paniniwala sa mga Katoliko, samantalang ang organisasyong Protestante ay nagsabi na hindi dapat ginamit ng kulto ang salitang ‘Armagedon’ sapagkat ‘ang isang salita mula sa Bibliya ay wala sa konteksto.’ Sinabi ng Unification Church na ang ‘mga paraan ng relihiyosong pagpapalaganap na naghahasik ng takot sa lahat ay hindi kanais-nais,’ at sinabi ng Shinyoen na kung ang ilang pangmalas ay ipagpupumilit nang husto ang mga tao ay nangangamba.” Sa malas, ang nagtatag ng Aum ay nag-aalinlangan sa kaniya mismong hula. Isa sa nangungunang lider ng kulto ay sinipi na ganito ang sabi: “Sa palagay ko ang plano ng pagpapasabog ng sarin na gas ay inilunsad upang magkatotoo ang hula ng guru.”

Relihiyon at Paggaling

Ipinakikita ng isang pagsusuri sa 232 may edad na mga pasyente na naoperahan sa puso na ang mga pasyente na “nakasusumpong ng lakas at kaaliwan sa kanilang relihiyosong pangmalas ay tatlong ulit ang kahigitan na makaligtas kaysa mga taong walang kaaliwan sa relihiyosong pananampalataya,” sabi ng International Herald Tribune ng Paris. Bagaman ipinakita ng pananaliksik ang mga kapakinabangan sa kalusugan ng pagkakaroon ng malapit na mga kaugnayan at tulong mula sa mga kaibigan at pamilya, ito ang unang pagsusuri “upang ipakita ang gayong kapakinabangan sa kalusugan mula sa relihiyosong pananampalataya sa gitna ng malulubhang pasyente,” sabi ng Tribune. Ang direktor ng pagsusuri, si Dr. Thomas Oxman, ay nagsabi: “Wari bang ang bagay na makapagbibigay kabuluhan sa isang kalagayang walang-katiyakan o nagsasapanganib ng buhay​—ang paniniwala na may higit na kabuluhan ang buhay o puwersang nagpapalakas​—ay nakatutulong sa paggaling.”

Mabagal na Paglilingkod ng Koreo

Ang sinuman na may dahilan para magreklamo tungkol sa kawalang-kakayahan ng paglilingkod ng koreo ay maaaliw mismo ng karanasan ng mag-asawa mula sa Vicenza, Italya. Habang nakakulong sa kampong piitan ng Nazi sa hilagang Europa noong 1944, isang Italyanong asawang lalaki ang sumulat sa kaniyang kabiyak: “Huwag kang mag-alala kung matagal bago makarating ang balita sa iyo mula sa akin.” “Halos isang salagimsim,” sabi ng pahayagang La Repubblica, yamang ang sulat ay dumating sa patutunguhan nito pagkalipas ng 51 taon. Ang mag-asawa, ngayo’y nasa edad nilang mga 80 taon, ay tuwang-tuwang nasorpresa ng pagdating ng sulat at nagsaayos ng isang maliit na salu-salo sa kanilang mga kaibigan upang ipagdiwang ang okasyong iyon. Ang rutang tinalunton ng sulat bago ito sa wakas nakarating sa patutunguhan nito ay nananatiling isang palaisipan.

Epekto ng Virtual Reality

Ang virtual reality (VR) “ay maaaring sumakop sa sangkatlo ng pamilihan ng video-game sa tahanan sa pagtatapos ng siglo,” sabi ng isang ulat ng pahayagang The Globe and Mail ng Canada. Sa gayong mga laro ang mga naglalaro ay nagsusuot ng helmet na may kasamang mga earphone at iskrin sa bawat mata. Ang may kurdon na mga guwantes ay nagpapahintulot sa manlalaro na magpadala ng hudyat at tumugon sa daigdig na pinagagalaw ng computer. Subalit kalakip ng buháy na buháy na mga larawan sa gayong mga laro ay may kasama ring mga ulat ng “cybersickness,” posibleng dahil sa haba ng oras habang ang mga larawan na likha ng computer ay may reaksiyon sa paggalaw ng katawan. Lakip sa mga epekto ang pagkalito, pagduwal, sakit ng ulo, pagsakit ng mata, mga problema sa pagtutugma ng katawan, at pagbabalik ng mga alaalang lumipas. “Hinuhulaan ng mga nakamasid na dahil sa maraming kaganapan ng cybersickness, panahon lamang ang makapagsasabi kapag may nasaktan at ang VR ay madala sa korte,” sabi ng The Globe. Sinasabi ng ulat na malibang makaagapay ang bilis ng mga simulation sa reaksiyon ng mga tao, “ang di-gaanong buháy na mga larawan, di-gaanong magalaw, di-gaanong nakagaganyak na mga simulation at mga limitasyon sa oras sa mga makina ay makatutulong.”

Vending Machine Para sa Relihiyosong mga Imahen

Sa tradisyunal na mga bansang Katoliko, ang relihiyosong mga imahen ay isa sa pinakanakikitang tanda ng “popular na debosyon sa mga santong patron at mga tagapag-ingat ng banal na mga dako,” sabi ng pahayagang La Repubblica sa Italya. Ngayon, pinasukan ng teknolohiya ang lumalaganap na negosyo ng relihiyosong mga imahen na ito. Isang awtomatikong vending machine para sa mga imahen (icon), tinawag na “icomatic,” ang naglalabas ng relihiyosong mga imahen kapag pinasukan ng isang pantanging token. “Ang sistemang sariling-silbi ay magbibigay katiyakan sa pagpapasiya na pumili, makaiiwas sa mahabang pila, at titiyak na may relihiyosong imahen para sa lahat,” sabi ng pahayagan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share