Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 12/8 p. 20-21
  • Pagdadala ng Sanggol—Mga Paraan sa Aprika at Hilagang Amerika

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagdadala ng Sanggol—Mga Paraan sa Aprika at Hilagang Amerika
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paraan sa Hilagang Amerika
  • Ang Paraan sa Aprika
  • Kung Ano ang Kailangan at Gusto ng mga Sanggol
    Gumising!—2003
  • Kapag Nagkaanak Na Kayo
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Mahahalagang Bagay Tungkol sa Pagpapasuso
    Gumising!—1994
  • Paglalaan sa mga Anak ng Kanilang mga Kailangan
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 12/8 p. 20-21

Pagdadala ng Sanggol​—Mga Paraan sa Aprika at Hilagang Amerika

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA NIGERIA

MAY iba’t ibang paraan ang mga tao sa buong mundo sa pagdadala ng mga sanggol. Ang mga paraan sa Hilagang Amerika at Aprika ay may malaking pagkakaiba.

Sa magkakaibang kontinenteng ito, napakalaki ng pagkakaiba ng kalagayan sa kabuhayan. Kaya maaasahan natin na ang mga paraan ng pagdadala ay may malaking pagkakaiba rin. Una, ating suriin kung paano kalimitang ginagawa ng mga tao sa Hilagang Amerika ang bagay na ito.

Ang Paraan sa Hilagang Amerika

Sa Estados Unidos at sa maraming bahagi ng daigdig, ang apat na gulong na stroller ng sanggol o mga pram ang karaniwang paraan. At ang kausuhan sa nakaraang mga taon ay ginawa upang maging mas madaling gamitin ang mga ito, mas makabago, at mas komportable sa sanggol. Marami ang may malasutlang kutson, nalalabhang mga sapin, at naitataas na upuan.

Ang mga stroller ay naglaan ng kaayaayang mapagpapahingahan para sa mga bata, lugar na magagalawan, pahingahan para sa pagod nang mga paa. Para sa inaantok na bata, ang stroller ay gaya ng isang kama na may gulong. Kalimitan ang galaw ng gumugulong na stroller ay nagpapatahimik at nagpapakalma sa isang pagod at maligalig na bata.

Ginagawa ring madali ng mga stroller ang buhay para sa mga magulang. Isang magulang ang nagsabi nang ganito: “Mas madali ito kaysa pagkarga ng bata saanman magtungo.” Ang bata ay madaling kargahin kapag maliit pa, subalit iba na kung nadoble o tatlong ulit na ang bigat. Higit pa, nasisiyahan ang mga magulang na malaman na ang kanilang anak ay ligtas at tiwasay sa isang stroller anupat kanilang nasusupil sila.

Sa Estados Unidos, ginagawa ang pag-iingat upang gawing ligtas ang mga stroller. Ang mga ito’y dinisenyo na may malapad na pinakakatang at mababang pinakasentro ng bigat upang hindi tumaob ang mga ito. Ang mga preno ay dapat na malakas at nasa lugar kung saan hindi ito maaaring tanggalin ng bata na nasa stroller. Ang mga trangka ay nakakabit upang maiwasan ang di-sinasadyang pagtiklop ng stroller. Isinasagawa ang pag-iingat upang mabawasan ang anumang “umiipit”​—mga lugar na maaaring makaipit sa munting mga daliri. Ang mga seat belt ay naglalaan ng karagdagang proteksiyon.

Ang mga stroller ay nagkakaiba-iba sa presyo mula $20 hanggang sa walo o sampung ulit ang kahigitan. Isang marangyang modelo na ipinagbibili nang tingi sa halos $300 ay mayroon pang karagdagang malaking basket, magarang loob, panlabas na may laban sa ulan at araw, gulong na naikikilos sa iba’t ibang direksiyon, at madaling itiklop, magaan na pinakabalangkas. Isang pantanging dinisenyo na “joggers stroller,” na nagpapahintulot kay mommy o daddy na itulak ang sanggol habang nagjo-jogging, ang ipinagbibili sa halagang $380.

Ang Paraan sa Aprika

Sa Aprika, gayundin sa maraming bansa sa Asia, karaniwang ipinapasan ng mga ina ang kanilang mga sanggol, gaya ng ginawa ng kanilang mga ina at ng kanilang mga lola noon. “Ang pagpasan ng mga sanggol,” gaya ng tawag ng mga Aprikano rito, ay hindi magastos o pinakakombinyenteng paraan. Ang tanging kagamitan na kailangan ay matibay, parihabang tela na tinatawag na pambalot. Sa simple, ligtas na paraan, yumuyuko ang ina, inaayos ang sanggol sa kaniyang likod, at binabalot at itinatali ang tela sa palibot niya at ng sanggol.

Ang mga sanggol ba ay nahuhulog habang itinatali sa lugar? Ito’y halos hindi nangyayari. Kapag itinatali ang isang sanggol, inaalalayan ng ina ang sanggol sa isang kamay habang inaayos ang pambalot sa kabilang kamay. Kapag malaki-laki nang mga sanggol, ganito ang sabi ng isang babaing taga-Nigeria na nagngangalang Blessing: “Hindi naman pumapalag ang mga sanggol; nakahawak sila nang mahigpit. Gustung-gusto nila ang nasa likod ng kanilang mga ina. Kung minsan sila’y umiiyak kapag inilalagay sa likod. Subalit kapag nagpupumiglas ang sanggol, maaaring ipitin ng ina ang isa o dalawang braso ng bata sa tagiliran niya sa pamamagitan ng kaniyang mga braso hanggang sa maipuwesto niya ang pambalot.”

Upang maalalayan ang leeg ng maliliit pang sanggol, ang mga ina ay gumagamit ng ikalawang tela, na kanilang itinatali sa lugar ding iyon bilang pangunahing pambalot. Ang karagdagang suporta sa maliliit pa o natutulog na sanggol ay nagagawa sa pamamagitan ng pagbalot sa mga kamay ng bata ng pambalot. Ang mas malalaki nang bata ay nasisiyahan na hindi nababalutan ang kanilang mga kamay.

Gaano katagal na pinapasan ng mga inang Aprikano ang kanilang mga anak? Noon pinapasan ng ilang etnikong grupo, gaya ng mga Yoruba ng Nigeria, ang kanilang maliliit na anak hanggang sa tatlong taon. Sa ngayon ang paslit ay pinapasan sa halos dalawang taon, maliban na nanganak ang ina ng isa pang sanggol para pumalit sa kaniyang lugar.

May kaginhawahang nakatali sa likod ng ina, ang sanggol ay makapupunta saanman magtungo ang ina​—pababa’t paitaas na hakbang, sa baku-bakong kabundukan, at pasakay at pababa ng sasakyan. Subalit maliban pa sa pagiging praktikal at di-magastos na paraan ng pagdadala, natutugunan ng pagpasan ng sanggol ang mahalagang emosyonal na pangangailangan, gaya ng kaaliwan. Ang isang sanggol na umiiyak ay inilalagay sa likod ng ina; nakakatulog ang sanggol, at nakapagpapatuloy ang ina sa kaniyang trabaho.

Ang paglilipat sa natutulog na sanggol mula sa likod tungo sa kama ay nangangailangan ng pagiging marahan, yamang ayaw ng maraming sanggol na naiistorbo. Upang gawin ito, maingat na humihiga nang patagilid ang ina at dahan-dahang kinakalag ang pambalot, na nagiging kumot na ngayon. Kung minsan, upang matularan ang kaalwanan ng likod, papatungan niya ng unan ang harapan ng sanggol.

Ang pagpasan ng sanggol ay may iba pang kapakinabangan. Nagagawa nitong matugunan ng ina ang mga pangangailangan ng sanggol. Kung ang bata ay nananamlay, naliligalig, nilalagnat, o basa, mararamdaman niya ito. Ang pagpasan ng sanggol ay nagdudulot din ng matagalang mga pakinabang. Ganito ang sabi ng aklat na Growth and Development: “Ang pagiging malapít sa pisikal na paraan sa pagkasanggol ay lumilikha ng matiwasay at maibiging buklod sa pagitan ng ina at ng sanggol, bumubuo ng saligan sa personal na mga ugnayan sa sumusunod na mga taon. Ang isang mahalagang salik sa buklod na ito ay ipinalalagay na ang bagay na madaling maramdaman ng batang nakayakap ang pintig ng puso ng ina, gaya ng siya’y nasa sinapupunan pa ng ina.”

Gustung-gusto ng mga sanggol ang pagdiit na inilalaan ng pagpasan ng sanggol. Sa Aprika hindi mo na kailangang tumingin pa sa malayo upang makakita ng mga batang masaya sa likod ng kanilang mga ina. Ang ilan ay mahimbing na nakakatulog. Ang iba nama’y pinaglalaruan ang buhok, tainga, o kuwintas ng kanilang ina. Ang iba naman ay sumasaliw sa nakasisiyang tunog habang umaawit nang mahina ang ina kasabay ng ritmo ng kaniyang mga yabag.

Oo, ang Aprikanong paraan ng pagdadala ng sanggol ay kalimitang naiiba mula sa paraan ng Hilagang Amerika. Subalit ang bawat isa ay naaangkop sa kultura at naisasagawa ang layunin nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share