Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/8 p. 7-8
  • Paggiba sa mga Pader Upang Magtayo ng mga Tulay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paggiba sa mga Pader Upang Magtayo ng mga Tulay
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkakaiba-iba ng Kultura sa Gitna ng mga Saksi ni Jehova
  • Mga Pader na Humahadlang sa Komunikasyon
    Gumising!—1996
  • Naiipit Ako sa Magkaibang Kultura​—Ano ang Gagawin Ko?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Tinitingnan Mo ba ang Iba Ayon sa Pangmalas ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Lokal na mga Kultura at mga Simulaing Kristiyano—Nagkakasuwato ba ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 7/8 p. 7-8

Paggiba sa mga Pader Upang Magtayo ng mga Tulay

HINDI natin pinili ang pamilya o bansa na doon tayo isinilang, ni nagpasiya man tayo kung anong kultura ang huhubog ng ating pag-iisip. Wala tayong kontrol sa gayong mga bagay. Tayong lahat ay sakop ng panahon at pagkakataon. Subalit masusupil natin kung paano natin minamalas ang iba at kung paano tayo nakikitungo sa kanila.

Inilalarawan ng Bibliya kung paano natin magagawa iyan. Isaalang-alang ang ilang simulaing tutulong sa atin upang magtayo ng mga tulay ng komunikasyon sa mga taong ang pinagmulan ay naiiba sa atin.

“Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay rito . . . ginawa niya mula sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao, upang tumahan sa ibabaw ng buong lupa.” (Gawa 17:24, 26) Lahat tayo ay miyembro ng iisang sambahayan ng tao at sa gayo’y marami tayong pagkakatulad. Ang paghanap sa mga bagay na magkatulad tayo ay mas nagpapadali sa komunikasyon. Lahat tayo ay nagnanais ng mabubuting kaibigan at naghahanap ng pagmamahal at paggalang. Ang lahat ay naghahangad na umiwas sa kirot ng katawan at ng damdamin. Ang mga tao ng lahat ng kultura ay mahilig sa musika at sining, magbiro, naniniwala sa mabuting pakikitungo sa isa’t isa, at naghahanap ng mga paraan upang maging maligaya.

‘Huwag gawin ang anuman dahil sa hilig na makipagtalo o dahil sa egotismo, kundi nang may kababaan ng pag-iisip na itinuturing na ang iba ay nakatataas sa inyo.’ (Filipos 2:3) Hindi ito nangangahulugan na dapat nating ituring ang iba na nakatataas sa atin sa lahat ng bagay. Bagkus, dapat nating matanto na sa ilang pitak ng buhay, ang iba ay nakatataas. Hindi natin dapat isipin kailanman na tayo o ang ating kultura ang may monopolyo sa lahat ng mabuti.

“Tunay nga, kung gayon, habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito, gumawa tayo ng mabuti sa lahat.” (Galacia 6:10) Ang basta pangunguna na maging palakaibigan at matulungin sa iba, anuman ang kanilang pinagmulang kultura, ay malaki ang magagawa upang mapagtagumpayan ang agwat sa komunikasyon.

“Alamin ninyo ito, mga kapatid kong iniibig. Ang bawat tao ay dapat na maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkapoot.” (Santiago 1:19) Ang mahuhusay na makipagtalastasan ay dapat na higit pa ang gawin kaysa pagsasalita lamang; sila’y dapat na maging empatetikong mga tagapakinig.

“Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig, ngunit iigibin ito ng taong may unawa.” (Kawikaan 20:5) Maging alisto na maunawaan ang mga damdamin at mga usapin na nasa ilalim ng pang-ibabaw o nakikitang ugali ng isang tao. Kilalanin nang husto ang mga tao.

“[Ituon] ang mata, hindi sa personal na interes ng inyong sariling mga bagay-bagay lamang, kundi sa personal na interes din niyaong iba.” (Filipos 2:4) Magkaroon ng empatiya sa pamamagitan ng pagmalas sa mga usapin mula sa pangmalas ng ibang tao. Maging walang pag-iimbot.

Pagkakaiba-iba ng Kultura sa Gitna ng mga Saksi ni Jehova

Na mabisa nga ang mga simulaing ito ay makikita sa kahanga-hangang pagkakaisa ng mga Saksi ni Jehova, na aktibo sa 232 bansa sa lupa. Sila ay mga tao na galing sa “lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika” at determinadong umayon sa maibiging patnubay ni Jehova sa lahat ng bagay.​—Apocalipsis 7:9; 1 Corinto 10:31-33.

Hindi hinahamak ng indibiduwal na mga Saksi ang kultura ng iba. Ni tinatanggihan man niyaong naging mga Saksi ang kultura na kinalakhan nila, maliban na kung ito ay hindi kasuwato ng mga simulain sa Bibliya. Sa gayong mga kalagayan sila’y gumagawa ng mga pagbabago sa kanilang buhay. Kinikilala nila na may kapuri-puring katangian sa bawat kultura at na ang mga ito ay napagaganda pa nga ng mga taong nagsasagawa ng tunay na pagsamba.

Sinisikap nilang malasin ang ating planeta gaya ng pagtingin dito ng Diyos—​maningning at bughaw at maganda​—umiikot sa kalawakan. Isa itong planeta na may kamangha-manghang pagkasari-sari ng mga tao at mga kultura. Inaasam-asam ng mga Saksi ni Jehova ang panahon kapag ang lahat sa lupa ay magtatamasa ng buhay na gaya ng isang tunay na nagkakaisang sambahayan.

[Larawan sa pahina 8]

Natutuhan ng mga Saksi ni Jehova kung paano pagtatagumpayan ang mga hadlang sa kultura

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share