Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 11/8 p. 31
  • Huwag Kang Padaya sa Iyong Nakikita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Huwag Kang Padaya sa Iyong Nakikita
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Bintana
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Pulang Manghahalina na may Masayang Awit
    Gumising!—1990
  • Kinulayang Salamin—Mula Noong Edad Medya Hanggang sa Modernong Panahon
    Gumising!—1991
  • Sala-sala
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 11/8 p. 31

Huwag Kang Padaya sa Iyong Nakikita

KAMI’Y nakatuloy sa isang maginhawang bahay ng isang kaibigan sa kakahuyan, at doon kami natutulog sa ibaba ng kaniyang semibasement na apartment. Kaya, ang mga bintana ay pantay-mata para sa amin na nasa loob at pantay-lupa naman sa labas. Noong unang araw kinaumagahan, mga bandang alas-sais, nagising ako sa dalawang katok na para bang nanggagaling sa iba’t ibang bahagi ng apartment. Palibhasa’y natawag ang pansin, bumangon ako at nagpunta sa kusina upang tingnan kung sa repridyeretor o sa heater nanggagaling ang ingay. Hindi naman. Habang nalilito pa rin, walang anu-ano’y nakarinig ako ng tunog na mula sa silid-panlibangan ng pamilya. Tahimik akong pumasok, at sa panggigilalas ko, nakita ko ang isang matingkad na pulang ibon sa labas, isang ibong cardinal, na sinusugod ang salamin ng bintana! Ito’y papaga-pagaspas at patuka-tuka sa salamin. Palipat-lipat ito sa mga bintana sa palibot ng bahay​—sa silid-tulugan, sa banyo, sa silid na panooran ng TV​—saanmang dako na may bintana na kapantay ng lupa. Nagtaka ako.

Habang marahang lumalapit ako sa bintana, nakita ko ang dahilan ng hiwaga​—isang babaing cardinal ang nasa labas, mga ilang pulgada lamang ang layo, na kontentong tumutuka ng mga butil. Subalit bakit sinusugod ng lalaki ang mga bintana? Malamang, patuloy nitong napagkakamalian ang sarili nitong larawan sa salamin sa isang karibal na cardinal at sinisikap niyang itaboy ito! Nadaya ito ng kaniyang nakikita.

Napatunayan ko nang maglaon na ito ang tunay na motibo ng kakatwang paggawi ng ibon. Sa kaniyang aklat na The Cardinal, binanggit ni June Osborne na ang lalaking cardinal ay “gumagawa ng lahat ng magagawa niya upang tiyakin na ang kaniyang bloke ng lupa ay ligtas mula sa lahat ng iba pang mapanghimasok na mga lalaking ibon. . . . Hindi lamang [niya] itinataboy ang mga pakialamerong ito, napag-alaman din na kaniyang . . . binubunggo ang kaniyang sariling larawan na naaaninag sa mga hubcap, mga salamin ng kotse, o salamin ng bintana at mga salamin ng itinutulak na pinto.” Pagkatapos ay idinagdag niya ang isang komento na aming sasang-ayunan: “Ito ay maaaring makasira sa tahimik na buhay ng isang may-ari ng bahay.” Napatutunayan namin iyan, tuwing umagang-umaga.

Ano ang maaaring gawin upang mapahinto ang mapusok na paggawing ito ng lalaki? Ganito ang mungkahi ng manunulat na si Osborne: “Kung minsan ay kinakailangang takpan ang makikinang na pang-ibabaw upang manauli ang kapayapaan at katahimikan . . . , bukod pa rito ay naiingatan ang mga ibon na saktan ang sarili nito sa halos-pagpapatiwakal na mga panunugod.”​—Isinulat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share