Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 12/22 p. 3
  • Kung Bakit Marami ang Baon sa Utang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Marami ang Baon sa Utang
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paraan Upang Makaiwas sa Utang
    Gumising!—1996
  • Mga Kredit Kard—Maglilingkod o Aalipin ba sa Iyo?
    Gumising!—1996
  • Perang Plastik—Para sa Iyo ba Ito?
    Gumising!—1993
  • Ako’y Dating Propesyonal na Magnanakaw
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 12/22 p. 3

Kung Bakit Marami ang Baon sa Utang

SINA Michael at Reena ay nagdiwang ng kanilang unang taóng anibersaryo ng kasal sa pamamagitan ng pagbalik sa lugar na doon sila nagpulot-gata. Subalit sa pasimula ng ikalawang taon ng kanilang pag-aasawa, nakaharap nila ang hindi magandang katotohanan. Anumang tipid ang gawin nila, hindi nila mabayaran ang lahat ng kanilang mga pagkakautang.

Isaalang-alang ang isa pang mag-asawa. Si Robert ay may kaunti na lamang na bayarin sa kaniyang pag-aaral nang mapangasawa niya si Rhonda, na mayroon namang hinuhulugang kotse. Sabi ni Robert: “Kapuwa kami nagtrabaho nang buong-panahon, at kaming dalawa ay kumikita ng $2,950 isang buwan. Subalit wala ring nangyayari.” Ganito ang sabi ni Rhonda: “Wala kaming biniling malaking bagay o gumawa man ng anumang bagay na kakaiba. Hindi ko talaga maunawaan kung saan napupunta ang aming pera.”

Sina Robert at Rhonda ay hindi tamad. Ni sina Michael at Reena man. Ano ang kanilang problema? Mga utang sa kredit kard. Sa loob ng unang taon ng pag-aasawa, sina Michael at Reena ay nagkautang ng $14,000 sa kanilang mga kredit kard. Pagkatapos ng dalawang taon ng pag-aasawa, ang utang nina Robert at Rhonda sa kanilang mga kard ay umabot ng $6,000.

Si Anthony, isang may pamilyang tao na nasa kalagitnaang-gulang, ay napaharap din sa pinansiyal na krisis ng kaniyang buhay. Subalit, ang kaniyang mga problema ay hindi nauugnay sa mga kredit kard. Noong 1993 ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya ay nagbawas ng produkto at tauhan, anupat nawala si Anthony sa kaniyang puwesto bilang manedyer na may $48,000 isang taon na suweldo. Pagkatapos niyan, naging isang malaking hamon para sa kaniya ang maglaan para sa kaniyang pamilya na binubuo ng apat. Sa katulad na paraan, hindi mapagkasiya ni Janet, isang nagsosolong magulang na nakatira sa New York City, ang kinikita niya na halos $11,000 isang taon.

Bagaman totoo na ang karamihan ng problema sa salapi ay maaaring malutas sa pamamagitan ng wastong pagsasaayos, ang katotohanan ay na tayo’y nabubuhay sa isang panahon kung kailan ang marami ay napipinsala dahil sa paglakad “sa kawalang-kapakinabangan ng kanilang mga pag-iisip.” (Efeso 4:17) Ganito ang sabi ni Grace W. Weinstein, sa kaniyang aklat na The Lifetime Book of Money Management: “Marami sa mga tuntunin ng taktika sa pananalapi ang nagbago, lubusang binago ng di-mahulaang ekonomiya, bagong mga saloobin tungkol sa paggasta at pag-iimpok, at nagbabagong mga istilo ng buhay.” Sa magulong daigdig na kinabubuhayan natin, parami nang paraming tao ang nakasusumpong na lalong nagiging mahirap isaayos ang personal at pampamilyang pananalapi.

Mabuti na lang, matagumpay na naisaayos nina Michael at Reena, Robert at Rhonda, Anthony, at Janet ang kanilang pananalapi. Bago natin isaalang-alang kung ano ang nakatulong sa kanila, ating suriin ang anyo ng madaling pangungutang na nakaragdag sa problema sa pera ng marami​—oo, ang mga kredit kard.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share