Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 2/22 p. 24
  • Isang Pambihirang Pagbabalikan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pambihirang Pagbabalikan
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Matatagpuan Mo ang Kagalakan sa Sanlibutang Sanhi ng Panlulumo!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Nabago ang Aking Buhay Nang Malaman Ko Kung Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Bakit Wala Rito si Inay Pag-uwi Ko ng Bahay?
    Gumising!—1986
  • Mga Pulong na Nag-uudyok ng Pag-ibig at Maiinam na Gawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 2/22 p. 24

Isang Pambihirang Pagbabalikan

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

SI Bruce ay dalawang taóng gulang noong 1945 nang huli siyang makita ni Marie, na kaniyang ina. Nang makipagdiborsiyo si Marie, ipinagkaloob sa ama ni Bruce ang legal na pangangalaga sa kaniya. Bagaman masakit sa loob niya, nagpasiya si Marie na mas makabubuti para sa kapakanan ng kaniyang anak na palakihin ito ng kaniyang ama at ng bagong asawa nito, nang walang anumang impluwensiya mula sa kaniya. Pagkatapos nito, hindi na niya muling nakita pa si Bruce.

Makalipas ang ilang taon si Marie ay muling nag-asawa at nagkaroon ng isa pang anak, ngunit hindi pa rin makatkat sa isip niya si Bruce. Nasaan na kaya siya? Ano na kaya ang kalagayan niya?

Nang mamatay ang ama ni Bruce noong 1976, pumunta si Marie sa libing nito. Si Bruce, na ngayo’y isa nang ganap na lalaking nasa mahigit nang 30, ay naroroon kasama ng kaniyang madrasta. Yamang inaakala ni Marie na baka ang alam ni Bruce ay tunay nga niyang ina ang kaniyang madrasta, inisip niyang hindi makabubuti na magpakilala siya sa kaniya, lalo na sa pagkakataong iyon. Hindi sana gayon ang ginawa ni Marie kung nalaman niya agad na pinabayaan pala si Bruce ng kaniyang ama nang ito’y muling mag-asawa at ang kaniyang lola ang nagpalaki sa kaniya.

Nang panahon ding ito ay nakilala ni Marie si Sue, isa sa mga Saksi ni Jehova, at agad na tinanggap ang isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Kasabay nito, nagkataon naman na si Bruce at ang kaniyang asawa ay nagsimula ring makipag-aral ng Bibliya sa asawa ni Sue, si Alan. Gayunman, di-nagtagal, dahil sa karamdaman, huminto si Marie sa kaniyang pag-aaral at lumipat ng tirahan.

Muling nasumpungan ng mga Saksi ni Jehova si Marie noong 1995. Itinuloy niyang muli ang pag-aaral ng Bibliya at naging mabilis ang pagsulong nito. Nang malapit na siyang bautismuhan, ipinagtapat ni Marie sa isang Kristiyanong matanda ang tungkol kay Bruce. Nagtanung-tanong ang matanda at natuklasan niya na si Bruce at ang pamilya nito ay hindi lamang mga Saksi ni Jehova kundi si Bruce ay isang matanda sa isang kongregasyon sa sariling bayan ni Marie!

Nangamba ang ibang matanda sa kongregasyon ni Bruce. Kung sasabihin nila kay Bruce na ang kaniyang ina ay babautismuhan sa susunod na pantanging araw ng asamblea, ano kaya ang magiging reaksiyon nito? Alam ba naman kaya nito ang tungkol kay Marie? Gayunman, nang malaman ni Bruce ang katotohanan, nagmadali siyang makita si Marie kasama ng kaniyang pamilya. “Hindi mahalaga ang nakaraan, ang isipin natin ay ang kinabukasan na nasa katotohanan!” ang nakaaaliw na mga salita ni Bruce habang yakap niya ang kaniyang ina.

Noong Marso 1996, si Marie, na noo’y 78 taóng gulang, ay binautismuhan sa East Pennine Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Inglatera​—ni Bruce. Tuwang-tuwa si Bruce na mapabalik sa kaniya ang kaniyang ina bilang isang kapatid sa espiritu!

[Larawan sa pahina 24]

Si Bruce, kapiling ng kaniyang ina

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share