Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 6/22 p. 31
  • Mga Pagkabahala Tungkol sa Kontaminadong Dugo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pagkabahala Tungkol sa Kontaminadong Dugo
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsasalin ng Dugo—Gaano Kaligtas?
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaloob ng Buhay o Halik ng Kamatayan?
    Gumising!—1990
  • Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 6/22 p. 31

Mga Pagkabahala Tungkol sa Kontaminadong Dugo

NANG si Demetrio Pessoa, isang biyokemiko sa Bolivia, ay magkakomplikasyon pagkatapos ng operasyon, isinugod siya sa isang klinika. Sinalinan siya ng dugo roon, at bumuti ang kaniyang kalagayan. Gayunman, di-nagtagal ay biglang nilagnat ang biyokemiko. Pagkatapos siyang suriin, sinabi sa kaniya ng mga doktor ang masamang balita: Si G. Pessoa ay tumanggap ng kontaminadong dugo na may parasitong Trypanosoma cruzi. Bunga nito, naging biktima siya ng Chagas’ disease.

Pangkaraniwan na ang kaso ni G. Pessoa sa Bolivia, sabi ng Panos, isang organisasyon ng mga balita na nakabase sa London. Ipinapakita ng isang mahabang medikal na pag-aaral na isinagawa sa 12 bansa sa Latin-Amerika na sa bahaging iyon ng daigdig, pang-araw-araw na pangyayari ang mga impeksiyon dahil sa kontaminadong dugo. Sa isang bansa sa Latin-Amerika, sa bawat 10,000 pasyenteng sinalinan ng dugo, 220 ang nagkaroon ng isang nakahahawang sakit. Nangangahulugan ito na 1 sa bawat 45 katao na sinalinan ng dugo ang naging biktima!

Gayunman, ang Chagas’ disease ay hindi lamang isang banta. Ipinakita ng pag-aaral ding iyon na sa ilang bansa sa Latin-Amerika, ang ipinagkaloob na dugo ay hindi sinuri para sa hepatitis C at na sa ilang bansa ay paminsan-minsan lamang isinasagawa ang pagsusuri para sa sipilis. Bukod pa riyan, maraming bansa ang kulang ng sapat na mga kagamitan upang suriin ang dugo para sa HIV. Nang nagsasalita tungkol sa kontaminadong dugo, ganito ang sabi ni Tonchi Marinkovic, ang minister ng kalusugan sa Bolivia: “Iligtas nawa tayo ng Diyos mula sa isang kagipitan, sapagkat maaari tayong magkaroon ng krisis sa paggamot ng sipilis, hepatitis, Chagas’ o AIDS.”

Hindi sinasadya, itinuturo ng opisyal na ito ng pamahalaan ang tamang direksiyon upang ihinto ang nagbabantang krisis na ito sa paggamot. Binanggit ng babasahing Notícias Bolivianas mga ilang taon na ang nakalipas sa isang artikulo ang hinggil sa mga panganib ng pagsasalin ng dugo: “Inirerekomenda ang pag-iwas sa dugo kasuwato ng utos sa Bibliya.” Ang utos sa Bibliya na tinutukoy ng peryodikong ito sa Bolivia ay masusumpungan sa Gawa 15:29. Sabi nito: “Patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na binigti at sa pakikiapid. Kung pakakaingatan ninyo ang inyong mga sarili sa mga bagay na ito, kayo ay uunlad.”​—Tingnan din ang Genesis 9:4; Levitico 3:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share