Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 10/8 p. 31
  • Wakas ng Pagkasira

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Wakas ng Pagkasira
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Maselan Nating Planeta—Ano ang Kinabukasan?
    Gumising!—1996
  • Dilim sa Ibabaw ng Maulang Gubat
    Gumising!—1997
  • Ang Pagwasak sa Maulang Gubat
    Gumising!—1998
  • Makaliligtas Kaya ang Ating Maulang Gubat?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 10/8 p. 31

Wakas ng Pagkasira

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

“Isang ikatlo ng kalikasan ay nasira na dahil sa ginagawa ng mga tao sa nakaraang 25 taon.”

GAYON ang ulat ng World Wide Fund for Nature. Ang nakagigitlang estadistika na ito ay inihayag sa paglalabas ng isang Living Planet Index, isang bagong pagsusuri sa estadistika ng kapaligiran ng daigdig.

Ang mga tagapangalaga ng kapaligiran ay nag-ulat ng 10-porsiyentong pagkawala ng magubat na mga lugar sa planeta. Ngunit hindi inilalarawan ng estadistikang ito ang lalong malaking pagkawala kapuwa sa mga lugar ng tropikal na maulang gubat at tuyong gubat, bukod pa sa pagkawala ng mga uri ng buhay sa gubat, na malamang ay mahigit sa 10 porsiyento, ang sabi ng pahayagang The Independent sa London. Ang karagatan ay dumanas ng 30-porsiyentong kawalan, na namamalas sa pagkaubos ng mga uri ng hayop na tulad ng bluefin tuna sa Atlantiko at ng pagong na leatherback sa mga karagatan ng Asia. Ang pinakamasama sa lahat ay ang 50-porsiyento na pagbagsak ng Freshwater Ecosystems Index, pangunahin nang kagagawan ng dumaraming agrikultural at industriyal na polusyon at ng lumalaking pagkonsumo ng tubig.

“Ang pag-iingat ng mga ekosistema ng kalikasan ay hindi isang luho na para lamang sa mayayaman,” ang komento ni Sir Ghillian Prance, direktor ng Royal Botanical Gardens sa Kew, London, England, “kundi ito’y kailangan upang matiyak na magpatuloy ang saligang ekolohikal na mga gawain sa ating planeta na inaasahan nating lahat para tayo’y mabuhay.” Bawat nakatira sa planetang ito ay nasasangkot. Kaya paano makakamit ang isang namamalagi at pambuong-daigdig na solusyon?

Kapansin-pansin, ang huling aklat ng Bibliya, ang Apocalipsis, ay bumabanggit sa mga sumisira sa lupa. Humula ito na darating ang panahon na ang gayong mga tao mismo ay dadalhin sa pagkasira. (Apocalipsis 11:18) Mayroon bang mga makaliligtas? Mayroon, sapagkat mangyayari ito kapag kumilos ang “Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat,” na siyang may tanging solusyon sa pangkapaligirang mga suliranin ng daigdig at may kapangyarihang isagawa ito. (Apocalipsis 11:17) Inilalarawan ng Apocalipsis 21:3 ang isang panahon kung kailan “tatahan [ang Diyos] kasama [ng sangkatauhan], at sila ay magiging kaniyang mga bayan.”

Paano ka makakabilang sa ‘kaniyang bayan’ at magkakamit ng pag-asa na saksihan kung paano babaligtarin ang epekto ng kasalukuyang pagpinsala sa lupa? Pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar sa pamamagitan ng pagsulat sa isa sa mga direksiyon sa pahina 5. O kaya’y makipag-usap sa kanila sa susunod nilang pagdalaw sa inyong tahanan. Magagalak silang tulungan ka na matuto ng higit hinggil sa maaari mong gawin ngayon upang maging handa kapag kumilos ang Diyos sa malapit na hinaharap.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share