Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g23 Blg. 1 p. 15
  • Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin
  • Gumising!—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Di-kumukupas na Regalo Mula sa Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Sa Isyung Ito ng Gumising!
    Gumising!—2023
  • Tuluyan Na Bang Sisirain ng Tao ang Lupa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Magugunaw Ba ang Mundo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2023
g23 Blg. 1 p. 15
Lawa na napapaligiran ng mga bundok at kagubatan.

Oleh_Slobodeniuk/E+ via Getty Images

Ipinangako ng Diyos na Mananatili ang Planeta Natin

“Mas matibay ang Lupa kaysa sa inaakala natin.”

Iyan ang nasabi ng isang grupo ng mga researcher mula sa iba’t ibang bansa tungkol sa climate change. Kung naniniwala kang may isang Maylalang na nagmamalasakit sa mga tao, baka maalala mo sa sinabi nila ang maraming likas na proseso na inilagay ng Diyos sa planeta natin para maka-recover ito.

Pero dahil sobra nang nasira ng tao ang lupa, higit pa sa likas na mga proseso ang kailangan para maka-recover ang planeta natin. Bakit makakapagtiwala tayo na kikilos ang Diyos?

Tinitiyak ng mga teksto sa kahon na mananatili ang lupa at magiging mas maganda pa ang kalagayan nito.

  • Nilalang ng Diyos ang planeta natin. “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.”​—Genesis 1:1

  • Ang Diyos ang may-ari ng planeta natin. “Kay Jehova⁠a ang lupa at ang lahat ng narito.”​—Awit 24:1

  • Dinisenyo ng Diyos ang planeta natin para manatili. “Itinayo niya ang lupa sa matatag na pundasyon; hindi ito magagalaw sa lugar nito magpakailanman.”​—Awit 104:5

  • Ipinangako ng Diyos na mananatili magpakailanman ang buhay sa planeta natin. “Ang tunay na Diyos, ang gumawa sa lupa, . . . na hindi lumalang nito nang walang dahilan, kundi lumikha nito para tirhan.”​—Isaias 45:18

  • Ipinangako ng Diyos na mabubuhay magpakailanman ang mga tao sa planeta natin. “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”​—Awit 37:29

Dinisenyo ng Diyos ang lupa na may mga likas na proseso para manatili ito, kung hindi ito aabusuhin ng mga tao. Inihula ng Bibliya na sa takdang panahon ng Diyos na Jehova, aalisin niya ang mga nang-aabuso at sumisira sa planeta natin.​—Apocalipsis 11:18

Ipinangako ng Bibliya na gagawin ng Diyos na isang magandang paraiso ang planeta natin at bubuksan niya ang kaniyang kamay at “[ibibigay] ang inaasam ng bawat bagay na may buhay.”​—Awit 145:16

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share