Kung Paano Gagamitin ang Buklet na Ito
Sa sumusunod na mga pahina, may teksto sa bawat araw at komento para sa tekstong iyon. Bagaman maaari itong basahin anumang oras, nasumpungan ng marami na kapaki-pakinabang na isaalang-alang ito sa umaga. Pagkatapos ay maaari nilang pag-isipan ito sa maghapon. Ang pagtalakay sa teksto bilang isang pamilya ay lubhang kapaki-pakinabang. Ginagawa ito ng mga pamilyang Bethel sa buong daigdig sa panahon ng agahan.
Ang mga komento ay kinuha sa mga isyu ng Bantayan (w) mula sa Abril 2018 hanggang Marso 2019. Ang unang numerong kasunod ng petsa ng isyu ng Bantayan ay tumutukoy sa pahina ng isyu at pagkatapos ay sa mga parapo kung saan kinuha ang mga komento. (Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba.) Ang karagdagang impormasyon hinggil sa paksa ay masusumpungan sa mismong artikulo.