Kung Paano Gagamitin ang Buklet na Ito
Sa sumusunod na mga pahina, may teksto sa bawat araw at komento para sa tekstong iyon. Puwede itong basahin kahit anong oras, pero nakita ng ilan na nakatulong sa kanila ang pagbabasa nito sa umaga para mapag-isipan nila ito sa maghapon. Napakagandang talakayin ang teksto bilang isang pamilya. Ganiyan ang ginagawa ng mga pamilyang Bethel sa buong mundo sa panahon ng almusal.
Ang mga komento ay kinuha sa mga isyu ng Bantayan (w) mula sa Abril 2019 hanggang Marso 2020. Ang unang numerong kasunod ng petsa ng isyu ng Bantayan ay tumutukoy sa pahina ng isyu at pagkatapos ay sa mga parapo kung saan kinuha ang mga komento. (Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba.) Ang karagdagang impormasyon hinggil sa paksa ay masusumpungan sa mismong artikulo.