SALISA
Isang “lupain” o distrito na binagtas ni Saul noong hinahanap niya ang mga asnong babae ng kaniyang ama. (1Sa 9:3, 4) Malamang na nasa pook na ito ng Baal-salisa. (2Ha 4:42) Ipinapalagay na ang huling nabanggit na lugar ay ang Kafr Thulth, na mga 20 km (12 mi) sa HK ng Gilgal.—Tingnan ang BAAL-SALISA.