SAMGAR
Isang tagapagligtas ng Israel sa pagitan ng mga panahon ng pagiging hukom nina Ehud at Barak. Isa lamang gawang kabayanihan ni Samgar ang nakaulat, ang pagpatay sa 600 Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na pantaboy ng baka, ngunit dahil dito ay sinabing ‘iniligtas niya ang Israel.’ (Huk 3:31) Ayon kay Josephus, namatay si Samgar noong unang taon ng kaniyang pagiging hukom. (Jewish Antiquities, V, 197 [iv, 3]) Ang kaniyang pagiging “anak ni Anat” ay maaaring tumutukoy sa lunsod ng Bet-anat sa Neptali.—Huk 1:33.