Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 12/15 p. 19
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Saksi ang Hinahanap ng mga Ospital
  • Pagkatutong Gumawa ng Mabuti
  • Ang Pagdami ng mga Humihiling ng Paggamot at Pag-opera Nang Walang Dugo
    Gumising!—2000
  • Tungkulin ng Isang Doktor
    Gumising!—1992
  • Muling Isinaalang-alang ng mga Doktor ang Pag-opera Nang Walang Dugo
    Gumising!—1998
  • Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 12/15 p. 19

Ang Kahulugan ng mga Balita

Mga Saksi ang Hinahanap ng mga Ospital

Iniulat ng mga pahayagan na ang mga ilang ospital sa California ay mga Saksi ni Jehova ang hinahanap ngayon bilang mga pasyente. May mga ospital na atubiling mag-opera ng mga Saksi sapagkat ang mga ito ay tumatangging pasalin ng dugo dahil sa kanilang relihiyon. Bakit nagbago ang ganitong saloobin? Yamang may suliranin ang ekonomiya ng industriya ng paggagamot, ang mga administrador ay humahanap ng karagdagang mapagkakakitaan. Subalit isa pang dahilan ang ibinigay. “Ang mga pagsulong sa medisina tungkol sa bloodless surgery​—ito ang tawag sa operasyon na walang pagsasalin ng dugo o mga sangkap ng dugo​—ay nabawasan ang panganib kung kayat ang mga ospital at mga doktor ay lalong pumapayag ngayon na umopera ng mga Saksi,” ang pag-uulat ng Daily News ng Van Nuys, California. “Karamihan ng operasyon ay maaaring gawin nang walang pagsasalin ng dugo kung ikaw ay totoong maingat at matiyaga sa pasyente,” inamin ng siruhanong si Dr. Sheldon N. Lipshutz.

Bagamat ang mga Saksi ni Jehova ay pumapayag na gamitan sila ng panghalili sa dugo, tulad baga ng mga saline solution, hindi nila ‘nilalabag ang kanilang pananampalataya at mabuting budhi’ nang dahil lamang sa isang kausuhan na labag sa Kasulatan. (1 Timoteo 1:19; Gawa 15:20) Napatunayan nila na ang pagsunod sa mga batas ng Diyos ay nagdadala ng kabutihan. “Labinglima o 20 taon na ang nakalipas, ayaw kong tumanggap ng (mga Saksi) sa aking ospital,” ang sabi ng isang administrador sa Daily News. “Sa ngayon ay napakaraming mga kaso ng AIDS at hepatitis na lumalaganap dahil sa mga pagsasalin huwag nang banggitin pa ang kausuhan ng pagsasalin ng dugo. Ang punto-de-vista ng mga Saksi ni Jehova ay patuloy na nagiging makatuwiran.”

Pagkatutong Gumawa ng Mabuti

Bakit ang ilan sa mga tao sa Nazi Germany ay nagsapanganib ng kanilang buhay upang iligtas o tulungan ang mga taong nasa panganib ng pag-uusig o kamatayan samantalang ang iba na maaari sanang tumulong ay hindi gayon ang ginawa? Si Dr. Samuel Oliner, isang sociologist sa Humboldt State University sa Arcata, California, pati kaniyang mga kasamahan, ay nagsisikap na alamin kung bakit. Napatunayan na, ayon sa ulat ng The New York Times, kanilang mga natuklasan “tungkol sa mga maagang karanasan ng mga tao sa kanilang pagkabata, na waring, pagkalipas ng maraming taon, umaakay sa kanila na tumulong sa mga nasa kapighatian.”

Sumang-ayon dito si Ervin Staub, isang psychologist sa University of Massachusetts. “Ang mga magulang na nagtuturo ng kabutihan sa pinakamabisang paraan,” ang sabi ni Dr. Staub, “ay nagkakaroon ng mahigpit na kapamahalaan sa kanilang mga anak. Bagaman sila’y mapagmahal, sila’y hindi naman mapagpalayaw. Sila’y gumagamit ng kahigpitan, kainitan at pangangatuwiran. Kanilang itinuturo sa kanilang mga anak ang bunga sa iba ng gawang masama​—at gawang mabuti. At talagang inaakay nila ang bata na gumawa ng mabuti, ibahagi sa iba ang mayroon siya, maging matulungin.”

Kung gayon, hindi katakataka na itinuturo sa mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak “sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova” sapagkat “ang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos.”​—Efeso 6:4; 3 Juan 11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share