Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 3/1 p. 31
  • Bagong Gamit na Aklat sa Ministeryo sa Larangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Gamit na Aklat sa Ministeryo sa Larangan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ginagamit Mo Ba ang Aklat na Nangangatuwiran?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Gamiting Mabuti ang Reasoning From the Scriptures
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Gamitin ang Aklat na Reasoning sa Lahat ng Bahagi ng Inyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Bahagi 2—Pagpukaw ng Kasiglahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 3/1 p. 31

Bagong Gamit na Aklat sa Ministeryo sa Larangan

SA DAAN-DAANG Pandistritong mga Kombensiyon ng “Nag-iingat ng Katapatan” noong 1985-86, isang bagong gamit na aklat sa ministeryo sa larangan ang inilabas sa maraming wika. Ito’y gagamitin sa pagtulong sa mga tao upang kamtin ang kasiya-siyang mga sagot ng Bibliya sa kanilang mga tanong. Ito’y isang 448-pahinang aklat na pinamagatang Reasoning From the Scriptures. Ano ba ang ilan sa nilalaman nito?

◻ “Introduksiyon para Gamitin sa Ministeryo sa Larangan.” Ito’y galing sa mga tagapangasiwa ng sirkito at distrito, mga payunir, at mga elder na marami nang mga taon ang karanasan at nagkaroon ng mabubuting resulta sa kanilang ministeryo.

◻ “Kung Paano Ka Tutugon sa mga Potensiyal na Pumipigil ng Usapan.” “Hindi ako interesado,” “Mayroon na akong sariling relihiyon,” “Marami akong trabaho,” at marami pang iba ang tinatalakay dito. Kung ang mga pagtutuol na ito ay hadlang sa iyo sa pagbibigay-patotoo sa iyong teritoryo, mayroon ditong mga bagong paraan na tutulong. Narito rin ang praktikal na impormasyon tungkol sa mga pakikipag-usap sa mga Buddhist, Hindu, Judio, at Muslim.

◻ Mahigit na 70 mga pangunahing paksa ang laman nito. Kasali ang “Aborsiyon,” “Droga,” “Sekso,” “Espiritismo,” “Mga Kapistahan,” “Rapture,” “Reinkarnasyon,” “Trinidad,” at marami pa. Dito may mga mungkahi kung paano sasagutin ang mga tanong na malimit na katanungan ngayon sa 1980’s. Halimbawa: “Paano mo matitiyak na ang Bibliya ay hindi nababago?” “Lahat ba ay itinalaga sa ‘panahon ng kanilang kamatayan’?” “Bakit pinapayagan ng Diyos ang pagdurusa?” May mga mungkahi rin kung paano ka makapangangatuwiran sa isang tao na nagsasabi: “Mga tao ang sumulat ng Bibliya,” “Mayroon akong sariling paniwala tungkol sa Diyos,” “Ako’y namumuhay na isang mabuting tao. Hindi ko pinipinsala ang aking mga kapuwa-tao. Sapat na ang relihiyong iyan para sa akin,” at mga iba pa. Ang mga ito’y tinipon buhat sa 18 mga bansa. Ang paggamit sa aklat na ito ay tutulong sa inyo na makinabang sa karanasan ng mga iba sa loob ng maraming mga taon sa pangangatuwiran buhat sa Kasulatan.

◻ Hindi inihanda ang aklat na ito upang tulungan ang sinuman na “manalo sa mga pakikipagtalo” sa mga tao na hindi gumagalang sa katotohanan. Bagkus, taglay nito ang mahalagang impormasyon na gagamitin sa pakikipagkatuwiranan sa mga tao na tatanggap niyaon. Ang iba sa kanila ay maaaring nagtatanong at ibig nilang talagang masagot ang kanilang mga katanungan. Ang iba naman, sa kanilang pakikipag-usap, ay baka gusto lamang ipaalam ang kanilang sariling mga paniwala, at marahil mayroon silang matibay na paniniwala roon. Ngunit marahil sila’y makatuwirang mga tao na handang makinig sa punto de vista ng iba. Kung gayon, malaki ang maitutulong ng aklat na ito upang maibahagi sa kanila ang malinaw na paliwanag tungkol sa katotohanan ng Bibliya. Huwag mag-atubili na ipakita sa kanila kung ano ang laman ng aklat at basahan ninyo sila rito.

◻ Kaayon ng halimbawa ni apostol Pablo nang siya’y nangangaral sa Gresya, angkop na ginamit ang mga sinipi buhat sa makasanlibutang kasaysayan, ensayklopedia, mga aklat reperensiya sa relihiyon, mga talasalitaan ng mga wika ng Bibliya, at iba pa. Lahat ay naririto na para sa dagliang gamit.

◻ Kasali rin dito ang pitong-pahinang indise ng mga paksa at mga teksto upang agad ninyong masumpungan ang mga sagot.

◻ Dalhin ninyo ang mahalagang aklat na ito palagian sa ministeryo sa larangan. Ialok ito sa mga estudyante ng Bibliya na ibig makipag-usap sa iba tungkol sa kanilang natutuhan. Sa karaniwan ay hindi iaalok ito sa publiko. Ngunit kung mayroong magtatanong kung maaari siyang kumuha ng isang kopya, huwag mag-atubili na ikuha siya.

Isang kopya ng Reasoning From the Scriptures ang ipadadala sa inyo, libre-bayad sa koreo, kung kayo’y hihiling at may kalakip na abuloy na ₱17.50 o ang katumbas nito at ipadadala ito sa alinman sa mga direksiyon na nakatala sa pahina 2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share