Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 6/15 p. 14
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Karapatang Magpasiya
  • Di-mabuting mga Panghalili
  • Ang mga Miyembrong Anglikano
  • Lumakad Ayon sa Tagubilin ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Pinatitibay ng Korte Suprema ng Canada ang mga Karapatan ng mga Magulang
    Gumising!—1995
  • Pakikipaglaban Para sa Malayang Pagsamba
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 6/15 p. 14

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang Karapatang Magpasiya

Pinawawalang-halaga ba ng mga karapatang pampamilya ang mga relihiyosong paniwala? Hindi, ang sabi ng pampurok na hukuman ng Oita, Hapon. Ang isang adulto ay hindi “gumagawa ng anomang bagay na ilegal kung tumatanggi sa pagsasalin ng dugo bilang pagsunod sa kaniyang relihiyon,” ang pasiya ng hukuman.

Ang taong nasasangkot sa kasong ito sa hukuman ay nagkasakit ng sarcoma​—isang malubhang tumor​—sa buto ng kaniyang kaliwang hita, at kinailangan na putulin ang buong paa. Siya’y sumang-ayong paupera, ngunit hindi sinasalinan ng dugo. Tumanggi ang ospital na umupera dahil sa gayong kondisyon. Dahil sa pangangambang di sila suportahan ng kanilang anak pagtanda nila, ang mga magulang ng 34-anyos na Saksi ni Jehova ay nagharap ng isang injunction o utos, at inangkin ang kanilang karapatan bilang mga magulang. Bagamat kinilala ng hukuman ang kanilang karapatan na “mabuhay nang maligaya kapiling ng pamilya at umasang susuportahan sila ng kanilang anak sa panahong hinaharap,” ipinasiya nito na “hindi pinawawalang-halaga ng ‘mga karapatang pampamilya’ ang mga paniwalang relihiyoso” ng isang tao. (Siyanga pala, naisagawa ang isang matagumpay na operasyon nang walang pagsasalin ng dugo.

Mahalaga na arugain ng isang Kristiyano ang kaniyang mga magulang at ‘sundin ang landas ng maka-Diyos na debosyon sa kaniyang sariling sambahayan,’ ngunit kailangang gawin ito kasuwato ng iba pang mga utos ng Kasulatan. (1 Timoteo 5:4, 8) Kung paanong labag sa kalinisang-asal na magnakaw upang may ikabuhay ang pamilya ng isang tao, hindi rin naman minabuti ng Diyos na arugain ng isang tao ang kaniyang pamilya samantalang nilalabag ang Kaniyang mga batas tungkol sa kabanalan ng dugo. Ang Kasulatan ay nagpapayo sa atin na “umiwas sa dugo.” (Gawa 15:20, 28, 29; ihambing ang Levitico 17:10-12.) Ang mga taong may takot sa Diyos ay “tatalima muna sa Diyos bilang pinuno bago sa mga tao.”​—Gawa 5:29.

Di-mabuting mga Panghalili

Ang nakalululang pagdami ng mga dalagang ina ang nagtulak sa mga may kapangyarihan sa Estados Unidos na suriin ang problema. Halimbawa, isang gobyerno ng Estado ang nagtibay ng isang batas na humihiling na ang mga magulang ang “bumalikat ng gastos” kung ang kanilang anak na lalaki o anak na babae na wala pang 18 anyos ay naging isang magulang kahit walang asawa. Ang ganiyang batas, ayon sa kanilang inaasahan, ang hihila sa mga magulang ng mga tin-edyer na lalong magsikap na mahadlangan ang pagbubuntis ng kanilang mga anak. Subalit, may paniwala naman ang mga ibang autoridad na ang ganiyang batas ay nagpapalakas-loob lamang sa mga tin-edyer na magpalaglag. Ang mungkahi nila bilang kahalili nito ay ang tustusan ng Estado ng pondo ang sex education at ang mga contraceptives para sa mga tin-edyer na aktibo sa sekso.

Ang ganiyang mga batas ay tunay na di-mabuting mga panghalili. Bakit? Sapagkat hindi inaalis ang sanhi, samakatuwid nga, ang seksuwal na pagtatalik ng mga di mag-asawa. Isang eksperto sa pagbubuntis ng mga tin-edyer ang nagsabi: “Sa mata ng kanilang mga kaedad, mahalaga para sa mga musmos pa na maging aktibo sa sekso. Walang sinoman na ibig na maging isang birhen.” (Time magasin) Ang maraming di-nagpapahalaga sa Bibliya ang pangunahin ding dahilan para dito sa “free-for-all attitude” na ito, ang sabi ni Emory Davis sa isang panayam sa Rutgers University.

Ano, kung gayon, ang solusyon? Maliwanag ang Kasulatan. Ang seksuwal na pagtatalik ng mga taong di mag-asawa ay ibinabawal ng Salita ng Diyos. Ang mga mapakiapid “ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos,” ang sabi ng 1 Corinto 6:9. Ang mga magulang ang dapat magturo ng kautusan ng Diyos tungkol sa ganiyang mga bagay upang mapatimo sa puso ng kanilang mga anak. (Deuteronomio 6:6, 7) Bakit? Gaya ng sinabi ng pantas na si Haring Solomon: “Sanayin mo ang bata ayon sa daan na dapat niyang lakaran, kahit na tumanda siya ay hindi niya hihiwalayan ito.”​—Kawikaan 22:6.

Ang mga Miyembrong Anglikano

“Pahamak!” ang sabi ni Robert Runcie, klerigo ng Church of England, tungkol sa natuklasan may kinalaman sa mga miyembro ng simbahan sa kamakailan lamang nailathalang report na Rural Anglicanism. Bakit? sapagkat ang isang karaniwang diocesis kung tungkol sa talaan ng mga miyembro nito ay makikitaan ng pag-urong ng mula sa 17.5 porsiyento ng populasyon noong 1950 tungo sa 7.4 porsiyento noong 1980. Ang pagsusuring ito ay naghaharap ng “isang larawan ng halos ganap na kawalang-pag-asa,” ang sabi ng The Times ng London, at ipinapakita lamang nito ang malaon nang nagaganap sa mga diocesis sa siyudad.

Ang isang pangunahing dahilan daw ng pag-urong na ito ng pagsuporta sa relihiyong Anglikano ay ang paglayo ng mga kabataan sa relihiyon. Ang sosyal na mga programa ng simbahan na iniangkop sa kabataan, ayon sa ipinahihiwatig ng report, ang maaaring maging sanhi para mabaligtad ang ganiyang pangyayari. Subalit ang idiniin ni apostol Pablo ay ang espirituwal na bahagi ng buhay ng isang tao. Kaniyang ipinayo sa binatang si Timoteo na “itaguyod ang katuwiran, pananampalataya,” at “maka-Diyos na debosyon” bilang kaniyang mithiin.​—2 Timoteo 2:22; 1 Timoteo 4:7, 8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share