Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 6/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ba ang mga Erehes?
  • Siyudad na Isang “Kuta”
  • Nakamamatay na Katumbalikan
  • Trinidad ba ang Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Bahaging 1—Itinuro ba ni Jesus at ng kaniyang mga Alagad ang Doktrina ng Trinidad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ito Ba ay Maliwanag na Turo sa Bibliya?
    Dapat Ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
  • Ang “Santisima Trinidad”—Ito ba’y Nasa Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 6/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

Sino ba ang mga Erehes?

“Sa Bibliya mababasa natin na ang Diyos ay isang Trinidad,” ang isinulat ni Propesor Johan Heynes, espirituwal na lider ng Dutch Reformed Church sa Timog Aprika, sa Nobyembre 15, 1986, edisyon ng pahayagang Naweek-Volksblad ng Timog Aprika. Sa mga nangangatuwiran na ang Diyos ay hindi maaaring maging tatlo ngunit iisa, ang patuloy pa ng propesor, “sinabi ng Iglesya Kristiyana na ang mga taong ito ay nangangaral ng isang huwad na doktrina, at kung gayon ay itinakwil din sila ng simbahan dahil sila’y mga erehes.”

Subalit nasaan ba sa Bibliya ang salitang Trinidad? Hindi sinabi ni Propesor Heynes. Ito’y hindi nakapagtataka sapagkat, gaya ng paliwanag ng The New Encyclopædia Britannica, “maging ang salitang Trinidad o ang maliwanag na doktrina ay wala sa Bagong Tipan, at hindi rin naman nilayon ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod na salungatin ang Shema [ang kompesyong Hudiyo ng pananampalataya] sa Matandang Tipan: ‘Dinggin mo, O Israel: Ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon’ (Deut. 6:4).” Kung hindi itinuro ni Jesus at ng kaniyang mga apostol o hindi espisipikong ipinahahayag sa Bibliya, paano naging popular ang doktrina ng Trinidad? Bagama’t sinasabi ng Britannica na ang simulain ng doktrina ay nasa “Bagong Tipan,” inaamin nito na “ang doktrina’y unti-unting umunlad sa loob ng maraming siglo at ito’y dumaan sa maraming mga pagtatalo” at noong dulo ng ikaapat na siglo “ang doktrina ng Trinidad ay nabuo nang husto ayon sa anyo nito na umiiral na magmula noon.”

Kung yaong mga ayaw maniwalang tatlo sa isa ang Diyos ay mga erehes, kung gayon kumusta naman si Jesu-Kristo? Kaniyang inulit ang binanggit na mga salita ng Deuteronomio 6:4: “Ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon.” (Marcos 12:29, King James Version) Sinabi rin ni Jesus: “Ang Ama ay lalong dakila kaysa akin.” (Juan 14:28) Kaya sino ang mga erehes? Yaon bang nangangapit nang mahigpit sa itinuro ni Jesus o yaong mahigpit na kumakapit sa isang doktrina na umunlad daan-daang taon pagkatapos na siya’y mamatay?​—Ihambing ang 1 Corinto 4:6 sa 2 Juan 9.

Siyudad na Isang “Kuta”

“Ang Sydney sa ngayon ay isang siyudad na nakukubkob,” pasimula ng isang editoryal sa The Sun-Herald, isang pahayagan sa Sydney, Australia. “Ang residensiyal na mga arabal nito ay mga kuta na nababakuran ng mga rehas, doble-doble ang pagkakandado at naguguwardiyahan ng mga aparatong elektroniko. Ang mga tren nito na panggabi ay pinagsasamantalahan, pinapangit ng ikinulapol doon na mga sukal at walang mga pasahero at may salagimsim ng lagim. Ang mga kalye nito pagkagat ng dilim ay patuloy na nagiging mapanganib.”

Bagama’t ang binanggit ay isang nakapanlulumong larawan ng maraming malalaking siyudad sa buong daigdig, ito’y nagsisilbing hudyat na nagbibigay ng matinding pagkabahala sa mga Australyano. Subalit, ang mga nag-aaral ng Bibliya ay hindi nagtataka sa paglaganap ng katampalasanan. Bakit? Sapagkat kanilang nagugunita ang inihula ni Jesus tungkol sa mga kalagayan sa ating kaarawan. Sinabi ni Jesus na “dahilan sa paglago ng katampalasanan ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.” (Mateo 24:12) At samantalang ipinagdadalamhati ng editoryal ng The Sun-Herald ang kulandong ng takot na gumigiyagis sa dati’y tinatawag na pinakamasuwerteng siyudad ng Masuwerteng Bansa, ang “suwerte” ay hindi magdadala ng wakas sa kabalakyutan. Tanging si Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na pamahalaan, ang makagagawa nito. Ang Awit 5:4 ay nagbibigay katiyakan sa atin na si Jehova ay “hindi isang Diyos na nalulugod sa kabalakyutan; walang sinumang masamâ ang tatahan kailanman na kasama mo.”

Nakamamatay na Katumbalikan

Sa Bibliya ay may utos sa mga Kristiyano na ‘umiwas sa dugo.’ (Gawa 15:29) Ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ang utos na ito ng Kasulatan ay kumakapit sa pagkain ng dugo at pati sa pagsasalin ng dugo. Ang AIDS, isang nakamamatay na sakit na umaatake sa sistemang panlaban ng katawan, ay maaaring makuha sa pagsasalin ng dugo. Sa isang nakalulungkot ngunit isang katumbalikan, isang sanggol na isinilang na may pambihira at nakamamatay na immune-deficiency na sakit na tinatawag na reticular dysgenesis ang binigyan ng isang bone-marrow transplant sa edad na anim na buwan. Diyan ay kasali ang pagsasalin ng dugo. Ang transplant ay wari ngang tagumpay hanggang sa matuklasan ng mga doktor na dahil sa pagsasalin ay nagkaroon ang sanggol ng isa pang nakamamatay na sakit. “Sa 2 1/2 ang pasyente ay ayos naman maliban sa isang bagay,” ang pag-uulat ng Physician’s Weekly. “Ang sanggol ay binigyan ng posttransplant platelets bago naging sapilitan ang pagsusuri para sa (AIDS virus) at ngayon siya ay may AIDS na.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share