Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 1/1 p. 19
  • Pinuri ang Nag-aaral na mga Batang Saksi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinuri ang Nag-aaral na mga Batang Saksi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapatotoo sa Paaralan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Isang “Special Territory”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Binago ng Guro ang Kaniyang Pananaw
    Gumising!—2009
  • Pinupuri si Jehova sa Paaralan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 1/1 p. 19

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Pinuri ang Nag-aaral na mga Batang Saksi

IKAW ba, bilang isang estudyante sa paaralan, ay mahiyain tungkol sa pagsasalita may kinalaman sa iyong pananampalataya? Ang mga karanasan na babanggitin ay nagsisiwalat kung paanong ang mga kabataang Saksing ito ay hindi natakot na itaguyod ang kanilang pananampalatayang Kristiyano at sila’y pinuri dahil sa paggawa ng gayon.

◻ Sa isang paaralan sa Australia, ang mga estudyante ay inatasan na sumulat ng isang sanaysay sa Pasko, subalit sinabi ng guro sa isang 11-anyos na Saksi: “Alam ko na isa ka sa mga Saksi ni Jehova, kaya hindi ka maaaring sumulat tungkol sa pagdiriwang ng Pasko. Maaari kang sumulat ng isang naiibang sanaysay tungkol sa ‘Kasaysayan ng Pasko.’” Nagsimula nang sumulat ng sanaysay ang batang sister na iyon, na gumagamit ng angkop na impormasyon buhat sa mga lathalain ng Samahan at iba pang mga aklat na reperensiya. Sa lubhang ikinagulat ng klase, binanggit ng guro na ang impormasyon ay ekselente at tama ang sinasabi ayon sa kasaysayan. “Sa lahat ng mga sanaysay na tinanggap ko, ang iyo ang pinakamagaling sa klase,” ang sabi ng guro. Ang resulta, ang batang Saksi ay nakapagpasakamay ng isang brosyur na School, 15 magasin, isang aklat na Kabataan, at dalawang aklat na Mabuhay Magpakailanman sa kaniyang guro at mga kamag-aral.

◻ Sa isa pang paaralan sa Australia, walong batang Saksi ang pinamamanihalaan ng isang panghaliling guro tuwing hapon para sa pangkatapusang tatlong linggo ng paaralan, yamang siya’y hindi nakisali sa mga gawain para sa Pasko. Nang bandang huli ay ganito ang sabi niya sa ina ng ilan sa mga bata: “Ang bahaging ginampanan ko ay maliit lamang. Marami-rami sa mga guro ay dumating at nangumusta kung paano nagaganap ang mga bagay-bagay. Sinabi ko sa kanila: ‘Hindi mahalaga kung ano ang inaakala ninyo tungkol sa kanilang relihiyon at sa paraan ng pag-urong nila sa pakikibahagi sa ilang gawain, ito ang pinakamagaling na grupo ng mga bata na nakasama ko.’” Makalipas ang mga ilang linggo nang siya’y matagpuan sa ministeryo sa pagbabahay-bahay, sinabi niya: “Siyanga pala, inyo bang ipinasa ang aking sinabi tungkol sa mga bata sa paaralan? Ibig kong malaman ito ng lahat.”

◻ Nanggaling sa Estados Unidos ang ganitong karanasan ng isang 17-anyos na senior sa high schoool nang sa kaniyang klase sa abugasya ay masinsinang talakayin ang mga karapatan na may kinalaman sa kalayaan ng relihiyon at sa pagkabukod ng Simbahan at Estado. Sa dalawa sa mga kaso ay kasangkot ang mga Saksi ni Jehova at ang isyu tungkol sa dugo. Napatunayan ng may kabataang sister na ang report ay may kinikilingan at di-makatarungan kung tungkol sa mga katotohanan sa Bibliya tungkol sa dugo at kaniyang sinabi ito sa kaniyang guro. Ang guro naman ay tumugon at binigyan siya ng pagkakataon na magsalita sa klase. Bago nagsalita ang sister, inakala ng mga estudyante na ang mga hukuman ay gumawa ng tamang disisyon sa pagpuwersa sa mga Saksi na pasalin ng dugo laban sa kanilang mga kagustuhan. Subalit pagkatapos na marinig ang argumentong batay sa Bibliya, nagkaisa ang klase ng pagboto laban sa mga disisyon ng hukuman. Ang sister natin ay natuwa nang marami sa mga estudyante ay lumapit sa kaniya at humingi ng higit pang impormasyon tungkol sa mga paniwala ng mga Saksi ni Jehova. Ngayon ay sinasabi niya na lalong higit na pinahahalagahan niya ang paaralan bilang kaniyang natatanging teritoryo.

Oo, kayong mga nag-aaral sa paaralan ay may isang pambihirang teritoryo. Samantalang kayo’y may pagkakataon, patuloy na may kabaitang tulungan ang inyong mga kapuwa estudyante upang matutuhan ang magandang layunin ng Diyos, at kayo ay tatanggap ng papuri hindi lamang sa mga iba kundi kay Jehova mismo!​—Job 40:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share