Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 7/1 p. 3
  • Bakit Dapat Magpasalamat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Magpasalamat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Malimit na Ipinagwawalang-bahala
  • Ang Pagpapasalamat ay Makasusupil ng Kalungkutan
  • “Ipakita Ninyong Kayo’y Mapagpasalamat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Karagdagang mga Dahilan Upang Magpasalamat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ipakita ang Iyong Pasasalamat
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 7/1 p. 3

Bakit Dapat Magpasalamat?

MASDAN ninyo ang pangharap na pabalat ng magasing ito. Tunay, ipinagugunita nito sa atin na maraming magagandang bagay na magtatakip sa kapangitan at sukal na makikita sa lahat ng dako.

Ikaw ba ay nagpapahalaga sa mga bagay na may kagandahan? Pag-isipan mo lang ang isang bahaghari na may pinagtugma-tugmang kulay na nagbabadya ng katahimikan pagkatapos ng karimlan ng isang bagyo. Gunigunihin ang isang talon na ang tubig ay lumalagaslas. O ilarawan sa iyong isip ang mga hayop na patakbu-takbo sa pakikipaglaro sa kanilang mga anak. Isalarawan ang isang kaakit-akit na hardin ng mga bulaklak o isang kabigha-bighaning bukid ng namumukadkad na trigo. Oo, ito ay karaniwang mga tanawin para sa maraming tao. Subalit ano ang epekto nito sa iyo?

Malimit na Ipinagwawalang-bahala

Pangkaraniwan, mientras malimit na nararanasan ang isang bagay, lalong nagiging pangkaraniwan iyon​—at lalong madali na ipagwalang-bahala iyon. Ang ganitong kahinaan ay marahil waring lalong kapuna-puna sa mabilis-ang-pagkilos na ika-20 siglo. Subalit ang hindi pagbibigay ng panahon sa pagbubulaybulay o sa pagbilang ng tinatanggap mong mga pagpapala at ang hindi pagpapasalamat ang sa tuwina’y isa sa mga kahinaan ng di-sakdal na sangkatauhan.

Sa kabilang dako, ang salmistang si David, samantalang kinakasihan, ay kadalasang nagpapasalamat sa pamamagitan ng awitin. Ang mga pangungusap na ito sa isa sa mga awitin ni David ay ipinahatid sa Diyos ang isang pangunahing halimbawa ng pagpapasalamat:

“Pagka natatanaw ko ang iyong mga langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri,

Ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda,

Ano baga ang taong mortal upang iyong alalahanin siya,

At ang anak ng makalupang tao upang iyong pangalagaan siya?

Iyong pinaghahawak siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay:

Lahat ng bagay ay inilagay mo sa ilalim ng kaniyang mga paa;

Maliliit na baka at toro, lahat nito,

At pati mababangis na hayop sa parang,

Mga ibon sa langit at mga isda sa dagat,

Anumang dumaraan sa mga kalaliman ng dagat.

Oh Jehova na aming Panginoon, anong pagkarilag-rilag ng iyong pangalan sa buong lupa!”​—Awit 8:3, 4, 6-9.

Ang Pagpapasalamat ay Makasusupil ng Kalungkutan

Ang pagpapasalamat ng salmista dahil sa magagandang bagay ay tumulong na matakpan ang anumang kalungkutan na likha ng mga pangit na tanawin o mahihirap na kalagayan. Ikaw rin naman ay maaaring makaranas ng ganoon din. Sa paano? Sa pamamagitan ng pagsisikap na higit na pahalagahan ang maraming magagandang bagay sa palibot natin. Sa ganitong paraan, iyong higit na mapalalaki ang kaligayahan mo at niyaong mga nakapalibot sa iyo.

Kaya bakit hindi ipagpasalamat sa ating magandang-loob na Maylikha ang araw-araw na mga tanawin ng kagandahan at kagila-gilalas na mga bagay? Isaalang-alang ngayon ang mga ilan pang karagdagang dahilan upang tayo’y magpasalamat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share