Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 7/15 p. 31
  • Isang Matalinong Hakbang Bago Sumapit ang Sakuna

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Matalinong Hakbang Bago Sumapit ang Sakuna
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 7/15 p. 31

Isang Matalinong Hakbang Bago Sumapit ang Sakuna

YAMANG ang mga anak ni Mary ay malalaki na ngayon, marami siyang panahon at siya’y nagpasiya na kumuha ng trabahong gugugol ng isang bahagi ng kaniyang panahon. Gayunman, nang kaniyang sabihin sa kaniyang asawa, si Enos, niliwanag nito na hindi na kailangang maghanapbuhay siya. “Kung natutustusan kita at ang mga bata, tiyak na kaya kong buhayin tayong dalawa,” aniya. Sa halip na ang kaniyang maybahay ay paghanapbuhayin, kaniyang iminungkahi na ito’y manalangin kasabay ng pagsasaalang-alang na maging payunir, isang buong-panahong tagapagbalita ng Kaharian.

Bagaman natutuwa si Mary na ang balita ng Kaharian ay ibahagi sa kaniyang mga kapitbahay, siya’y mahiyain at walang pagtitiwala sa sarili. Gayunman, ibig niyang sundin ang payo ng kaniyang asawa. Kaya, taglay ang magkahalong damdamin, siya’y nagpatala bilang isang auxiliary payunir noong Abril 1981.

Agad namang napamahal kay Mary ang gawaing pangangaral ng Kaharian na noon lamang niya naranasan. Hindi nagtagal, siya’y nagdaraos ng apat na pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado. Hindi natapos ang isang taon at siya’y naging isang regular payunir, na nagdaraos ng sampung pag-aaral sa Bibliya. Si Christine, isang Saksi ni Jehova na may dalawang anak na nag-aaral pa, ay masiglang sumama kay Mary bilang kaniyang kasama sa pagpapayunir. Bagong nagkakainteres na mga tao ang nagsimulang dumalo sa mga pulong sa lokal na Kingdom Hall, na kung saan isang mainam na espiritu ng pagpapayunir ang lumalago. At ang pinakamalaking kagalakan ni Mary ay sumapit nang ang kaniyang sariling anak, si Christopher, ay tumulad sa kaniya at naging isang payunir din.

Pagkaraan, biglang-bigla, noong 1985 ay sumapit ang sakuna. Si Mary ay hinimatay. Nalagutan siya ng ugat sa kaniyang ulo at humantong sa isang grabeng pagdurugo sa utak, at hindi natapos ang tatlong araw ang 45-anyos na si Mary ay patay na.

Gayunman, sa loob ng apat na taóng iyon ng pagpapayunir si Mary ay nakapagtayo ng isang mahusay na pagkakilala sa kaniya sa kaniyang komunidad. Ang kaniyang libing ay dinaluhan ng mahigit na tatlong daang katao, kasali na ang maraming kapitbahay. Ang isa sa mga naroroon ay isang naging kaibigan sa paaralan na humanga sa pananampalataya ni Mary, ibig niyang matuto pa nang higit tungkol dito, at humiling na siya’y aralan ng Bibliya. Ang ministeryo ni Mary ay nagbubunga pa rin.

“Ako mismo ay isang auxiliary payunir ngayon,” ang sabi ni Enos, “ngunit sana’y nagpayunir na rin akong kagaya ni Mary nang siya’y nagpapayunir. Siya’y palaging nagbibida ng kaniyang mga karanasan at lubhang maligaya. Ang totoo, ang mga ilang taóng ito ang pinakamaliligayang taon ng aming pamumuhay na magkasama, ngunit ngayon ko lamang naintindihan kung bakit.”

Walang sinuman ang makahuhula kung kailan maaaring sumapit “ang panahon at di-inaasahang pangyayari,” gaya ng naging kaso ni Mary. Gayunman, ang mga taong nananatiling tapat bilang mga tagapagbalita ng Kaharian ay tumitiyak para sa kanilang sarili ng kaaya-ayang pagkakilala sa kanila kapuwa ng Diyos at ng tao, kahit na sa harap ng kasakunaan.​—Eclesiastes 9:11; 11:1, 2.

[Mga larawan sa pahina 31]

Ang pakikibahagi sa ministeryo ay panahon na ginugol sa mabuti

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share