Tatanggapin Mo ba ang Isang Bisita?
Isa sa mga Saksi ni Jehova ay nagnanais na dumalaw sa iyo at tulungan ka na maragdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang mga layunin gaya ng nasusulat sa Bibliya. Kami’y nagtitiwala na ang impormasyong ito ay tutulong sa iyo sapagkat nagbibigay ng maaasahang sagot sa mga problema na napapaharap sa ating lahat ngayon. Ang mga Saksi ni Jehova ay nagbibigay ng personal at panggrupong walang-bayad na pagtuturo ng Bibliya.
Kung ibig mong isang taong kuwalipikado ang dumalaw sa iyo sa inyong tahanan, o sa anumang kumbinyenteng lugar, nagagalak kaming isaayos iyon para sa iyo. Ikaw ay tutulungan na masumpungan mo hindi lamang ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Bibliya kundi pati mga sagot sa mga problema na maaaring malutas sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya. Upang makinabang ka sa paglilingkod na ito, sulatan mo lamang at ihulog ang kasamang kupon.
(Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)