Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 1/1 p. 3-4
  • Ang Bansang May Kagalakan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bansang May Kagalakan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Bansang May Tunay na Kagalakan
  • Ang Modernong-Panahong Bansa na May Kagalakan
  • Si Jehova ang Ating Hari!
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Si Jehova ang Ating Hari!
    Umawit kay Jehova
  • Maglingkod kay Jehova Taglay ang Kagalakan ng Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Ang Kagalakan kay Jehova ay Ating Moog
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 1/1 p. 3-4

Ang Bansang May Kagalakan

ANG bansang may kagalakan! Ang ganito bang pangungusap ay nababagay sa anumang bansa ng sangkatauhan sa ngayon? May kagalakang masasabi ba ng anumang bansa na kaniyang napawi na ang karahasan, krimen, karalitaan, polusyon, mga sakit na lumilikha ng kapansanan, pulitikal na katiwalian, relihiyosong mga pagkakapootan? Mayroon bang anumang bansa na makapagbibigay ng tunay na pag-asa na marating ang ganiyang mga tunguhin? Malayung-malayo!

Kumusta naman ang pangglobong tanawin? Si Mikhail Gorbachev, pangulo ng U.S.S.R., ay nagsabi noong nakaraang Hulyo 16: “Tayo’y umaalis na sa isang yugto ng panahon sa internasyonal na relasyon, at pumapasok sa isa pa, isang yugto, sa palagay ko, ng matibay, mahabang panahon ng kapayapaan.” Gayunman, ang magasing Time na may gayunding petsa ay nag-ulat na nakatutok pa rin sa Moscow ang 120 nuclear warheads ng Estados Unidos, at kahit na isa lamang nito ay lubusang magwawasak sa siyudad na iyan. At walang alinlangan na ang mga Sobyet ay handa ring tumugon sa paraang iyan. Ngayong kung ilang miyembro na ng Nagkakaisang mga Bansa ang may kaalaman kung papaano lilikha ng mga armas nuklear, may bahagya lamang kagalakan kung pag-iisipan mo kung sino ang unang matutuwa na kumalabit ng gatilyo.

Isang Bansang May Tunay na Kagalakan

Minsan sa kasaysayan​—mga 3,500 taon na ngayon ang nakalipas​—​nagkaroon ng isang bansang may tunay na kagalakan. Iyon ay ang sinaunang Israel. Nang palayain ng Diyos ang bayang iyan buhat sa pagkaalipin sa Ehipto, sila’y nakisama kay Moises sa isang masayang awit ng tagumpay, at sila’y nagpatuloy na magalak habang sila’y sumusunod sa kanilang Diyos at Tagapagligtas.​—Exodo 15:1-21; Deuteronomio 28:1, 2, 15, 47.

Sa ilalim ng pamamahala ni Solomon “ang Juda at ang Israel ay marami, na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan at nag-iinuman at nagkakatuwaan.” Iyon ay isang panahon ng malaking pagsasaya, na umabot sa tugatog sa pagtatayo ng marahil ang pinakamaningning na gusali sa buong kasaysayan, ang templo ukol sa pagsamba kay Jehova sa Jerusalem.​—1 Hari 4:20; 6:11-14.

Ang Modernong-Panahong Bansa na May Kagalakan

Ang sinaunang Israel ay lumarawan sa isang modernong bansa. Alin? Ang makapulitikang Israel ba ng Gitnang Silangan? Ang mga iniuulat na balita ay nagpapakita na ang nagpupunyaging bansang iyan ay walang bahagya mang kagalakan. Ang di-umano’y Nagkakaisang mga Bansa (UN) ba ay nagdala ng tunay na kagalakan sa kaniyang mga miyembrong estado? Hindi, ang tunay na kagalakan ay hindi masusumpungan saanman sa gitna ng kasalukuyang namumulitikang mga bansa. Ang kasakiman, katiwalian, at pandaraya ang sagana, at sa maraming lupain ang karaniwang mga mamamayan ay malungkot na nakikipagpunyagi upang mabuhay.​—Kawikaan 28:15; 29:2.

Gayunman, mayroon ngayon na isang kapuna-punang bansa na lubusang nagagalak. Ito ay hindi makapulitika, sapagkat ang Ulo nito, si Kristo Jesus, ay nagsabi tungkol sa mga mamamayan nito: “Kayo ay hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 15:19) Samantalang ang Nagkakaisang mga Bansa ay nagkakaisa lamang sa pangalan, ang may-kagalakang bansa ay kumukuha ng umiibig-sa-kapayapaang mga tagatangkilik “buhat sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika.” (Apocalipsis 7:4, 9) Ngayon ay may bilang ito na mahigit na apat na milyon na, kung kaya’t ang populasyon nito ay mas malaki kaysa mga 60 ng 159 miyembrong bansa ng UN. Ang katutubong wika ng apat na milyong kataong ito ay umaabot sa bilang na humigit-kumulang 200; gayunman lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasalita ng isang “dalisay na wika.”​—Zefanias 3:9.

Hindi ba nakapagtataka na ang napakaraming iba’t ibang kultura ay magsasalita ng isang karaniwang wika? Hindi naman, sapagkat saklaw nitong kaisa-isang bumubuklod na wikang ito ang mensahe ng hahaliling Kaharian ng Diyos ng katuwiran. Ang may kagalakang bansang ito ay nanggagaling “sa kadulu-duluhan ng lupa” at kilala sa buong daigdig bilang ‘mga Saksi ni Jehova.’ (Isaias 43:5-7, 10; Zacarias 8:23) Halos sa lahat ng dakong marating mo sa ibabaw ng mundong ito, masusumpungan mo sila.

Sa Isaias 2:2-4, may inilalarawan ang propeta ng Diyos na isang pulutong na nanggagaling sa lahat ng bansa, na nagsasabi: “Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan ng kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.” Taglay ang buong sigasig, ang mga ito’y nag-aanyaya sa iba na paturo kay Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ang Bibliya, upang kanilang matutuhan na gawin ang kaniyang kalooban. Ang kaisa-isang bansang ito ay sumusunod sa landas ng tunay na kapayapaan, palibhasa’y ang mga mamamayan nito ay pinanday na ang kanilang ‘mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit, at sila’y hindi na nangag-aaral pa man ng pakikidigma.’ Tunay na isang bansang may kagalakan nga!

Ikaw man ay maaaring makibahagi sa kagalakang ito. Malalaman mo ang tungkol sa mabilis-na-dumarating na araw na aalisin ng Hari, si Kristo Jesus, ang nagpapahamak ng mga tao at mga pamahalaan at isasauli ang Paraiso dito sa lupa. (Daniel 2:44; Mateo 6:9, 10) Kahit na ngayon, bilang isang tunay na nagkakaisang bansa, ang mga Saksi ni Jehova ay may malaking kagalakan sa kanilang gawaing paghahanda para sa maluwalhating panahong iyan ng tunay na kapayapaan, gaya ng ipakikita ng sumusunod na mga pahina.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share