Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 7/15 p. 4-7
  • Bakit Nababalot ng Takot ang Daigdig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Nababalot ng Takot ang Daigdig?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Makahulugan ang Pagkatakot sa Buong Daigdig
  • Kung Ano ang Maaasahan ng Daigdig na Ito
  • Isang Panahon Ukol sa Kagalakan, Hindi sa Pagkatakot
  • Hubugin ang Iyong Puso Upang Matakot kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Ang Pagkatakot sa Diyos—Mapapakinabangan Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Matakot kay Jehova at Luwalhatiin ang Kaniyang Banal na Pangalan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Takot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 7/15 p. 4-7

Bakit Nababalot ng Takot ang Daigdig?

SINO ba ang may nais na mabuhay sa takot? Ang karaniwang tao ay naghahangad ng katiwasayan, na walang anumang banta sa kaniyang buhay o mga pag-aari. Kaya naman, marami ang umaalis sa mga lugar na palasak ang krimen. Gayunman, ang mga sanhi ng pagkatakot ay umiiral sa lahat ng dako.

Ang mga panganib buhat sa mga armas nuklear at mga aksidente sa mga reactor ay pumupukaw ng pagkatakot na malipol ang sangkatauhan. Ang mabilis na pagdami ng karahasan ay naghahasik ng takot. Marami ang natatakot na ang AIDS ay maging pinakamatinding nakamamatay na salot sa ating siglo. Ang pagkasira ng ating kapaligiran ay kabilang sa iba pang mga sanhi ng takot. Ang mga pangamba bang ito ay lalo nang makahulugan? At tayo ba’y makaaasa pa na mamuhay sa isang daigdig na walang gayong takot?

Makahulugan ang Pagkatakot sa Buong Daigdig

Sa ngayon ang malaganap na pagkatakot ay makahulugan dahilan sa inihula ng Bibliya. Sa kaniyang hula tungkol sa mga huling araw, bumanggit si Jesu-Kristo ng mga kalagayan na pagmumulan ng takot. Sinabi niya: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain at mga lindol sa iba’t ibang dako.” Binanggit din ni Jesus ang “paglago ng katampalasanan.” Sapol noong 1914, walang katulad na mga digmaan, taggutom, lindol, at katampalasanan ang nagbunga ng matinding takot at pagkawala ng buhay.​—Mateo 24:7-14.

Maging ang mga saloobin ng mga tao ay pinagmumulan ng takot sa ngayon. Sa 2 Timoteo 3:1-4, mababasa natin ang makahulang mga salita ni apostol Pablo: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri-sa-sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil-sa-sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki sa pagmamapuri, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.” Yamang tayo ay napalilibutan ng gayong mga tao sa mga huling araw na ito, hindi nga kataka-takang laganap ang takot!

Kung Ano ang Maaasahan ng Daigdig na Ito

Inihambing ni Jesus ang panahong ito sa mga huling araw ng daigdig noong panahon ni Noe. Tiyak, matindi ang umiiral na takot noon, sapagkat sinasabi ng Bibliya: “At sumamâ ang lupa sa harap ng tunay na Diyos at ang lupa ay napunô ng karahasan.” Kaya naman, “sinabi ng Diyos kay Noe: ‘Ang wakas ng lahat ng laman ay sumapit na sa harapan ko, sapagkat ang lupa ay nalipos ng karahasan.’” (Genesis 6:11, 13) Ang balakyot na sanlibutang iyan ay totoong marahas kung kaya niwakasan ng Diyos sa pamamagitan ng pangglobong Baha. Subalit, dahil sa pag-ibig ay iningatan ng Diyos na Jehova ang matuwid na si Noe at ang kaniyang pamilya.​—2 Pedro 2:5.

Ano kung gayon ang maaasahan ng kasalukuyang marahas na sanlibutan? Buweno, kinapopootan ng Diyos ang marahas na pagwawalang-bahala sa kapakanan ng iba. Ito ay makikita buhat sa mga salita ng salmista: “Si Jehova mismo ang sumusuri sa matuwid gayundin sa masama, at sinumang umiibig sa karahasan ay tiyak na kapopootan ng Kaniyang kaluluwa.” (Awit 11:5) Niwakasan ni Jehova ang marahas na sanlibutan noong kaarawan ni Noe. Kung gayon, hindi ba aasahan natin na wawakasan ng Diyos ang sanlibutang ito na sinalot ng nakatatakot na karahasan?

Si apostol Pedro ay kinasihan ng Diyos na magsalita tungkol sa pagkanaririto ni Kristo at humula ng kapahamakan para sa kasalukuyang balakyot na sanlibutan. Siya’y sumulat: “Sa mga huling araw ay darating ang mga manunuya na may pagtuya, na lumalakad alinsunod sa kanilang sariling mga nasá at nagsasabi: ‘Nasaan itong ipinangakong pagkanaririto niya? Aba, mula nang araw na matulog sa kamatayan ang ating mga ninuno, ay nagpapatuloy nang gayung-gayon ang lahat ng mga bagay mula noong pasimula ng paglalang.’” Pagkatapos ay ginamit ni Pedro ang salitang “mga langit” upang kumatawan sa sistema ng di-sakdal na pamamahala sa sangkatauhan at ang salitang “lupa” para sa di-matuwid na lipunan ng tao. “Sapagkat,” ang sabi niya, “ayon sa kanilang naisin, ang katotohanang ito ay nakalalampas sa kanilang pansin, na may mga langit mula nang sinauna at isang lupa na nakatayong matatag mula sa tubig at sa gitna ng tubig sa pamamagitan ng salita ng Diyos; at sa pamamagitan ng mga pamamaraang yaon ang sanlibutan ng panahong iyon [noong kaarawan ni Noe] ay dumanas ng pagkapuksa nang ito ay maapawan ng tubig. Subalit sa pamamagitan ng gayunding salita ang mga langit at ang lupa sa ngayon ay nakalaan sa apoy at itinataan sa araw ng paghuhukom at ng pagkapuksa ng mga taong di-maka-Diyos.”​—2 Pedro 3:3-7.

Sa nakakatulad na paraan, binanggit ni Pablo na si Kristo at ang kaniyang makapangyarihang mga anghel ay magdadala ng “paghihiganti doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Ang mga ito mismo ay daranas ng panghukumang kaparusahan na walang-hanggang pagkapuksa.” (2 Tesalonica 1:6-9) Ang huling aklat ng Bibliya ay bumabanggit ng pagtitipon ng mga bansa ukol sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat” at tinitiyak sa atin na ‘dadalhin [ni Jehova] sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa.’​—Apocalipsis 11:18; 16:14-16.

Isang Panahon Ukol sa Kagalakan, Hindi sa Pagkatakot

Sa halip na mangilabot sa inihuhula ng Bibliya para sa sanlibutang ito, ang mga taong matuwid ay may dahilan upang magalak. Di na magtatagal at wawakasan ni Jehova ang balakyot na sanlibutang ito, subalit ito’y gagawin ukol sa ikabubuti niyaong mga umiibig sa katuwiran. Ano ang kasunod ng pagpuksa ng Diyos sa kasalukuyang sistema ng mga bagay? Aba, isang bagong sistema sa ilalim ng makalangit na Kaharian ng Diyos, na ukol doon ay tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manalangin! Sinabi niya: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa mga langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’ ” (Mateo 6:9, 10) Anong mga pagbabago ang maaasahan kapag ginagawa na sa lupa ang kalooban ng Diyos?

Ang digmaan at ang mga kakilabutan nito ay matatapos. Ang Awit 46:9 ay nagsasabi: “Pinapaglilikat niya [ng Diyos na Jehova] ang mga pagdidigmaan sa wakas ng lupa. Kaniyang binabali ang busog at pinagpuputul-putol ang sibat; ang [pandigmang] mga karo ay kaniyang sinusunog sa apoy.” Kung magkagayon ang mga tao “ay aktuwal na uupo, bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos, at walang tatakot sa kanila.”​—Mikas 4:4.

Ang nakamamatay na mga sakit ay hindi na magiging dahilan ng pagkatakot at pagkawala ng buhay. Ang pangako ng Diyos ay: “Walang mamamayan ang magsasabi: ‘Ako’y may sakit.’ ” (Isaias 33:24) Anong laking dahilan upang magalak!

Ang takot na may kaugnayan sa krimen at karahasan ay magiging mga bagay rin ng nakalipas. Ang Awit 37:10, 11 ay nangangako: “Sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na. Subalit ang maaamo ay magmamana ng lupa, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”

Papaanong ang takot sa kasalukuyan ay hahalinhan ng tunay na kapayapaan at katiwasayan? Sa pamamagitan ng isang matuwid na pamahalaan​—ang Kaharian ng Diyos. Tungkol sa ating panahon, ganito ang sabi ng Daniel 2:44: “Sa mga kaarawan ng mga haring yaon ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kahariang iyon ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin at wawasakin niyaon ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.” Ang hinirang ni Jehova na hari, si Jesu-Kristo, ay ‘kailangang mamahala hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.’ (1 Corinto 15:25) Ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Jesus ay tutupad sa orihinal na layunin ng Diyos na magkaroon ng isang paraisong lupa na tinatahanan magpakailanman ng may kagalakang mga tao.​—Lucas 23:43; Apocalipsis 20:6; 21:1-5.

Sa Paraisong lupang iyon, magkakaroon ng isang mabuting pagkatakot. Iyon ay “ang pagkatakot kay Jehova.” (Kawikaan 1:7) Sa katunayan, dapat na taglay natin kahit na ngayon ang pagkatakot na ito, sapagkat iyon ay napakatinding pagpapakundangan at pagpipitagan lakip ang pangambang hindi mapalugdan ang Diyos dahilan sa ating pinahahalagahan ang kaniyang maibiging-kabaitan at kabutihan. Ang pagkatakot na ito ay nangangailangan ng lubusang pagtitiwala kay Jehova at tapat na pagsunod sa kaniya.​—Awit 2:11; 115:11.

Nakatatakot na mga pangyayari ang palatandaan ng mga huling araw na ito. Gayunpaman, kung patutunayan natin ang ating pag-ibig sa Diyos, tayo’y maaaring magalak sa halip na matakot. Ipinakikita ng mga hula sa Bibliya na ang pagpuksa ng Diyos sa sanlibutang ito ay malapit na. Iyon ay hahalinhan ng ipinangako ng Diyos na Jehova na bagong sanlibutan ng katuwiran. (2 Pedro 3:13) Oo, sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian malapit nang magkaroon ng isang sanlibutan na walang nakapipinsalang takot.

[Kahon sa pahina 6]

ANG BISA NG ISANG SIPI

SI Tomasz, na isang kabataang lalaki sa Polandya, ay nagkaroon ng suliranin sa batas na sanhi ng kaniyang pag-alis sa bansa. Sa loob ng anim na buwan siya ay nakikisakay sa pagtawid sa Europa, natutulog sa isang tolda at nagkaroon ng sari-saring trabaho. Samantala, isang tanong ang laging nasa kaniyang isip: Ano ba ang layunin ng buhay?

Nasagot ang tanong ni Tomasz nang siya’y pinagkalooban ng isang sipi ng Ang Bantayan sa wikang Polako. Binasa niya iyon nang maraming ulit at nakilala na taglay ng magasing ito ang katotohanan na kaniyang hinahanap. Si Tomasz ay nakisakay papunta sa tanggapang sangay ng Watch Tower sa Selters/Taunus, sa Alemanya na may layong 200 kilometro. Sa pagdating noong isang Lunes ng gabi, hawak niya ang kaniyang magasing Bantayan at sinabi: “Ibig kong may isang magpaliwanag sa akin nang higit tungkol sa nilalaman ng magasing ito. Ano ang kailangan kong gawin?”

Nang gabing iyon, dalawa sa mga Saksi ni Jehova ang nakipag-usap kay Tomasz tungkol sa layunin ng buhay, na ginagamit ang Bibliya bilang saligan ng kanilang pag-uusap. Palibhasa’y sabik na matuto pa ng higit, bumalik si Tomasz sa tanggapang sangay bawat araw ng sanlinggong iyon, nag-aral ng Bibliya at ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.

Nagpasiya si Tomasz na bumalik sa Polandya, bagaman mapapaharap siya sa mga suliranin doon. Kaya, noong Biyernes, mga apat na araw pa lamang ang nakalilipas mula nang dumating sa tanggapang pansangay sa Selters, si Tomasz ay nagsimulang maglakbay patungo sa kaniyang lupang tinubuan. Agad siyang nagsimulang makipag-aral sa mga Saksi ni Jehova sa Polandya. Si Tomasz ay mabilis na sumulong at masigasig na nagsimulang makipag-usap sa iba tungkol sa kaniyang natututuhan. Noong Oktubre 1993, apat na buwan lamang pagkatapos ng kaniyang unang pagdalaw sa Selters, siya ay nabautismuhan bilang isa sa mga Saksi ni Jehova.

Isang sipi lamang ng Ang Bantayan ang nakatulong sa kabataang lalaking ito upang suriin ang layunin ng buhay!

[Larawan sa pahina 7]

Sa ilalim ng pamamahala ni Jesu-Kristo sa Kaharian, ang daigdig ay hindi na muling mababalot ng takot

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share