Ang Diyos ba ang Namamahala sa Sanlibutan?
LINGGO ng umaga. Maraming tao ang bumabangon, nagbibihis, nag-aalmusal, at nagmamadaling pumaroon sa simbahan. Doon ay nakikinig sila ng sermon tungkol sa kung papaano kataas-taasang namamahala ang Diyos sa buong lupa, anupat hindi mapapantayan sa awtoridad. Sinasabi sa kanila na siya ay lubhang nagmamalasakit sa mga tao. Binabanggit din si Jesu-Kristo. Maaaring marinig nila na siya ang Hari ng mga hari na sa kaniya’y luluhod ang bawat tuhod bilang pagtalima.
Pag-uwi galing sa simbahan, maaaring buksan ng mga taong ito ang telebisyon at manood ng balita. Ngayon ay naririnig nila ang tungkol sa taggutom, krimen, pag-aabuso sa droga, karalitaan. At nakita nila ang kalunus-lunos na mga tanawin ng sakit at kamatayan.
Ang gayong mga tao ay maaaring mag-isip tungkol sa mga bagay na kanilang narinig sa simbahan at lalo na ang tungkol sa mga bagay na hindi kailanman ipinaliwanag doon. Kung ang Diyos ay kapuwa maibigin at makapangyarihan-sa-lahat, bakit nangyayari ang kakila-kilabot na mga bagay? At kumusta naman ang tungkol kay Jesu-Kristo? Maliwanag, maraming tuhod ang hindi lumuluhod bilang pagtalima sa kaniya.
[Larawan sa pahina 3]
Kung ang Diyos ang namamahala sa sanlibutan, bakit gayon na lamang ang pagdurusa at kaguluhan?
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Cover: NASA photo