Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 4/1 p. 9
  • “Mabisa at Kapani-paniwala”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mabisa at Kapani-paniwala”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Gumamit ng Iba’t ibang Brosyur sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 4/1 p. 9

“Mabisa at Kapani-paniwala”

“SIMULA bukas ay gagamitin ko ito sa gawaing pangangaral, sapagkat ang mga argumentong nilalaman nito ay talagang mabisa at kapani-paniwala,” ang isinulat ng isa sa mga Saksi ni Jehova sa Pransiya. Ganito naman ang isinulat ng isang Saksi sa Estados Unidos: “Binasa ko ito kaagad at hindi na ako makapaghihintay pa para gamitin ito sa ministeryo sa larangan, yamang marami kaming natatagpuang mga tao na walang interes at tiwala sa Bibliya.” Ano ang inilalarawan nila? Ang 32-pahinang brosyur na pinamagatang Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilabas ng Samahang Watch Tower sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na mga Pandistritong Kombensiyon na idinaos nitong 1997/98.

Ang publikasyong ito ay inihanda na isinaalang-alang ang isang partikular na grupo ng mambabasa​—yaong maaaring may mataas na pinag-aralan ngunit kakaunti ang nalalaman tungkol sa Bibliya. Marami sa gayong mga tao ang may tiyak na mga opinyon tungkol sa Bibliya, bagaman hindi pa man nila ito nababasa nang personal. Ang layunin ng brosyur ay ang kumbinsihin ang mambabasa na, sa paano man, ang Bibliya ay karapat-dapat suriin. Hindi pinipilit ng brosyur na tanggapin ng mambabasa ang pananaw na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos. Sa halip, hinahayaan nitong ang katotohanan mismo ang magpatunay sa ganang sarili. Ang mga salitang ginamit ay hindi naman matatayog kundi malinaw at tuwiran.

Gaya ng ipinakikita ng nabanggit na mga komento, yaong mga dumalo sa mga kombensiyon ay nasasabik na gamitin ang brosyur na ito sa kanilang ministeryo sa larangan. Halimbawa, isang pantanging kampanya sa pagpapatotoo ang isinaayos sa Pransiya para sa Agosto 23 at 24 kung kailan libu-libong kabataang mga panauhin mula sa buong daigdig ang nagtipon sa Paris para sa World Youth Day. Mga 2,500 Saksi (karamihan ay may edad na 16 hanggang 30) ang nakapagpasakamay ng 18,000 kopya ng brosyur sa wikang Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Polako, at Kastila.

Nang walang pag-aatubili, gamitin natin ang brosyur na ito, Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, sa ating ministeryo. Mapatunayan nawang napakahalaga ang publikasyong ito sa pagkumbinsi sa makatuwirang mga tao na dapat nila mismong suriin ang Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share