Binago ng Iskolar ang Petsa ng Manuskrito ng Bibliya
Ayon kay Carsten Peter Thiede, isang Aleman na eksperto sa papirologo, may matibay na ebidensiya na ang tatlong papirong piraso ng Ebanghelyo ni Mateo (kilala bilang ang Papirong Magdalen) ay isinulat noong unang siglo.
Matapos ihambing ang mga piraso (na naglalaman ng mga bahagi ng Mateo kabanata 26) sa isang sinaunang liham ukol sa negosyo na natagpuan sa Ehipto, napansin ni Thiede na ang Ehipsiyong dokumento ay nakakahawig ng “Papirong Magdalen na parang pinagbiyak na bunga—sa kabuuang hitsura at sa hugis at sa pagkakabuo ng bawat titik.” Napagkasunduan nina Thiede at kapuwa awtor na si Matthew D’Ancona sa kanilang aklat na Eyewitness to Jesus—Amazing New Manuscript Evidence About the Origin of the Gospels na ang pagkakahawig ng dalawang dokumento ay nagpapahiwatig na ang mga ito’y isinulat sa halos magkatulad na panahon. Kailan? Ang dokumento ukol sa negosyo ay may petsang “ ‘Sa taóng 12 ni Nero na Panginoon, Epeiph 30’—alalaong baga, ayon sa ating kalendaryo, ay Hulyo 24, 66 [C.E.].”
“Ang petsang ito, kung tama, ay lubhang napakahalaga,” komento ni Propesor Philip W. Comfort, sa isang artikulong inilathala sa Tyndale Bulletin, “sapagkat inilalagay nito ang isang manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo na sakop ng siglo ring iyon nang ito’y isinulat.” Pangyayarihin din nito na ang Papirong Magdalen ang siyang pinakamatatandang piraso ng Ebanghelyo na umiiral pa rin.
[Larawan sa pahina 29]
The Magdalen Papyrus, ipinakikita ang aktuwal na sukat
[Credit Line]
Sa pahintulot ng Presidente at Mga Miyembro ng Magdalen College, Oxford