Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp17 Blg. 4 p. 3
  • Isang Palaisipang Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Palaisipang Tanong
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Buhay Pagkatapos ng Kamatayan—Ano ang Paniniwala ng mga Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • May Buhay Ba Pagkatapos ng Kamatayan?
    Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?
  • Isang Mas Mabuting Pag-asa ng Kaluluwa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • May Epekto sa Iyong Buhay ang Iyong Pagkakilala sa Kaluluwa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
wp17 Blg. 4 p. 3
Babaeng nagrorosaryo at nananalangin sa harap ng mga kandila

Ang mga tagasunod ng halos lahat ng pangunahing relihiyon ay naniniwala na imortal ang kaluluwa

TAMPOK NA PAKSA | ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA BUHAY AT KAMATAYAN?

Isang Palaisipang Tanong

IBA-IBA ang paniniwala ng mga tao tungkol sa buhay at kamatayan. Iniisip ng iba na pagkamatay nila, patuloy silang mabubuhay, marahil sa ibang anyo o lugar. Iniisip naman ng iba na ipanganganak silang muli sa ibang katawan. Sinasabi rin ng iba na ang kamatayan ang wakas ng lahat.

Baka may sarili ka ring paniniwala, depende sa iyong kinalakhan o kultura. Dahil iba-iba ang opinyon ng mga tao tungkol sa kung ano ang nangyayari pagkamatay ng isa, may makapagbibigay kaya ng maaasahan at tamang sagot sa palaisipang tanong na ito?

Sa loob ng maraming siglo, itinuturo ng mga lider ng relihiyon na may imortal na kaluluwa ang tao. Ang mga tagasunod ng halos lahat ng pangunahing relihiyon—Kristiyano, Hindu, Judio, Muslim, at iba pa—ay naniniwala na imortal ang kaluluwa. Sinasabing patuloy itong nabubuhay sa daigdig ng mga espiritu pagkamatay ng katawan. Naniniwala naman ang mga Budista na sa pamamagitan ng di-mabilang na muling pagsilang, ang puwersa, o pag-iisip, ng isang tao ay nakararating sa isang napakaligayang kalagayan na tinatawag na Nirvana.

Mga taong nag-iiwan ng pagkain para sa kanilang namatay na mga minamahal

Dahil sa gayong mga turo, naniniwala ang maraming tao sa buong daigdig na ang kamatayan ay nagsisilbing daan papunta sa ibang daigdig. Kaya para sa marami, ang kamatayan ay mahalagang bahagi ng siklo ng buhay, at sinasabi nilang bahagi ito ng kalooban ng Diyos. Pero ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito? Pakisuyong basahin ang susunod na artikulo. Baka magulat ka sa sinasabi ng Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share