Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/85 p. 1-3
  • Ano ang Kahulugan sa Inyo ng Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kahulugan sa Inyo ng Bibliya?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG ANO ANG KAHULUGAN NITO SA ATIN
  • WASTONG PAGGAMIT NATIN NITO
  • Ginagamit Mo Ba Nang Wasto ang Salita ng Diyos?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ang Bihasang mga Manggagawang Gumagamit na Matuwid ng Salita ng Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Awtor Nito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Gamitin Nang Wasto ang Salita ng Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 12/85 p. 1-3

Ano ang Kahulugan sa Inyo ng Bibliya?

1 Sa milyun-milyong aklat na naisulat, iisa ang kakaiba. Ito ay ang Bibliya. Ito ay naglalaan ng pinakamatandang ulat ng kasaysayan, mula pa sa pasimula ng sansinukob. Ito ay nasa 1,700 mga wika. Ito ay higit na kilala, pinakamalawak ang sirkulasyon at laging sinisipi kaysa lahat ng mga aklat.

2 Papaano minamalas ang Bibliya sa palibot ng lupa? Ang milyun-milyong nag-aangking mga Kristiyano ay tinatawag itong Salita ng Diyos. Binabansagan ng iba ang karamihan sa nilalaman nito bilang isang alamat. Pinupuri ng iba ang ulat nito ng kasaysayan subali’t tinatanggihan ang payo nito na di raw praktikal para sa kapanahunang nukleyar. Minamalas ito ng mga di Kristiyano bilang kasabihan lamang ng mga matatalinong tao.

KUNG ANO ANG KAHULUGAN NITO SA ATIN

3 Papaano natin minamalas ang Bibliya? Atin itong “tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Diyos.” (1 Tes. 2:13) Nalalaman natin na ang nilalaman nito ay kumakatawan sa banal na karunungan na “madaling kumilala ng mga pag-iisip at mga haka ng puso.” (Heb. 4:12) Ang pagkakapit ng payo nito ay ‘magsasangkap sa atin ukol sa mabubuting gawa.’ (2 Tim. 3:16, 17) Ang kahalagahan nito ay nakahihigit kaysa materyal na kayamanan. (Kaw. 3:13-15) Para sa atin, ito ay isang patnubay ukol sa lahat ng bahagi ng pamumuhay. Tunay, ‘iniibig natin ito.’—Awit 119:97, 105.

WASTONG PAGGAMIT NATIN NITO

4 Yamang ito ay Salita ng Diyos, kailangan nating gamitin ito nang wasto. (2 Tim. 2:15) Ito ay nangangahulugan na kailangan nating gawin ang pinakamabuti upang tulungan ang iba na mapahalagahan ang Salita ng Diyos at gamitin ito bilang kanilang patnubay. Nadarama natin ang pananagutan na tiyakin na ang Bibliya ay madaling makuha at madaling maunawaan.

5 Anong laking pasasalamat natin dahilan sa rebisadong 1984 edisyon ng New World Translation. Ito ay naglalaman ng libu-libong panggilid na reperensiya na nagpapatibay sa pagkakasuwato ng 66 na mga aklat ng Bibliya. Ito ay isang napakahalagang tulong kapuwa sa mga estudiyante at mga guro. Sa Disyembre, ating iaalok ang Bibliyang ito kasama ng isang pambulsang aklat.

6 Bilang mga indibiduwal, atin bang nadarama ang pananagutan na gamitin nang wasto ang Bibliya? Kung gayon, sisikapin nating lubos na makibahagi sa kampanya sa Disyembre. Kahit na ang Bibliya ay malawakang naipamahagi, ito pa rin ang isa sa mga di nauunawaang aklat. Ito ay naisulat sa paraang hindi lubusang mauunawaan ang kahulugan kung walang tulong at patnubay ng Diyos. (Gawa 8:30, 31, 35) Pagkatapos na talakayin ang pangako ng Bibliya na nasa Paksang Mapag-uusapan, maipaliliwanag ninyo sa maybahay kung bakit ninyo iginagalang at lubos na pinahahalagahan ang Bibliya. Ipabatid ninyo sa kaniya kung papaanong ang mga turo nito ay nagbigay sa inyo ng matibay na pag-asa para sa hinaharap at tunay na layunin sa buhay. Ang ganitong pag-uusap ay maaaring magbukas ng pagkakataon upang maipakita ang ilan sa may katalinuhang payo nito sa pang-araw-araw na suliranin at maaaring umakay sa isang pag-aaral sa Bibliya.

7 Dapat nating pasalamatan si Jehova sa araw-araw sa pagbibigay sa atin ng Bibliya. Tayo rin ay nagpapasalamat na ang tapat at maingat na alipin ay naglaan ng maliwanag na pagkakaunawa sa kahulugan nito sa wika na madaling maintindihan. Nadarama natin ang gaya ng sa mang-aawit: “Ang paalaala mo’y kagilagilalas. Kaya’t sila’y iingatan ng aking kaluluwa.”—Awit 119:129.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share