Tanong
● Sino ang dapat na tumanggap ng Ating Ministeryo sa Kaharian?
Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay dinisenyo upang tulungan ang mga nakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Kaya, ito ay hindi ipamamahagi sa lahat. Ang lahat ng mga bautisadong mamamahayag at sinang-ayunang mga kasamahan ay dapat na tumanggap ng isang kopya. Yaong mga palagiang dumadalo sa Pulong Ukol sa Paglilingkod at sumusulong tungo sa pakikibahagi sa ministeryo sa larangan ay dapat ding tumanggap ng isang kopya. Tiyakin na ang isang kopya ay nakareserba para sa aklatan ng Kingdom Hall. Ang mga taong tiwalag ay hindi dapat bigyan ng isang kopya.
Nasumpungan ng ilan na kapaki-pakinabang na gumawa ng listahan ng lahat ng mga kuwalipikado at pagkatapos ay bahaginin ang listahan ayon sa grupo ng Pag-aaral sa Aklat ng Kongregasyon. Ang listahang ito ay maaaring gamitin ng mga konduktor sa pag-aaral upang mapadali ang pamamahagi nito, marahil ay mamakinilyahin o isusulat ang pangalan ng bawa’t isa sa kaniyang kopya. Nasumpungan ng marami na nakatutulong na mag-ingat ng isang personal na salansan ng Ating Ministeryo sa Kaharian para reperensiya sa hinaharap.