Tanong
◼ Dapat bang ang kongregasyon ay mag-ingat sa salansan ng Ating Ministeryo sa Kaharian?
Sa isyu noong Mayo 1972 ng Ministeryo sa Kaharian, ipinakitang karapatdapat na mag-ingat sa aklatan ng Kingdom Hall ng kopya ng buwanang edisyon ng Ating Ministeryo sa Kaharian bilang reperensiya. Angkop na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng ganitong kopya sa bawat aklatan ng Kingdom Hall para magamit ng mga matatanda at ng mga mamamahayag.
Kapag mayroon nito, maaaring makita ng mga mamamahayag ang nakaraang materyal may kaugnayan sa mga presentasyon sa paglilingkod sa larangan, pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya, pagsasagawa ng mga pagdalaw-muli, at iba pa. Maaaring masumpungan ang mabubuting ideya para magamit sa ministeryo. Sa pana-panahon, ang kasalukuyang labas ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay bumabanggit sa mga isyu na inilathala bago pa napaugnay sa kongregasyon ang ilan sa ating mga kapatid. Ang mga baguhan ay maaaring makinabang kapag naiingatan ang salansan. Ang isa sa bagong dinisenyong lalagyan ng Bantayan ay maaaring gamitin upang lagyan ng mga nakaraang kopya ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Kingdom Hall.
Dapat na atasan ng mga matatanda ang alinman sa tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro o isang kuwalipikadong ministeryal na lingkod upang makatiyak na may kopya nito sa salansan buwan-buwan. Bagaman ang impormasyong inihaharap sa Ating Ministeryo sa Kaharian ay sa anyong mungkahi at hindi mahihigpit na alituntunin, ito ay isang mainam na pagkukunan ng materyal na dapat maging bahagi ng aklatan sa Kingdom Hall ng bawat kongregasyon. Gayumpaman, ang mga nakaraang isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay hindi mapipidido sa tanggapang pansangay.