Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 13-19
10 min: Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na pumidido ng 1988 Yearbook, kalendaryo at “Examining the Scriptures Daily” sa lingkod ng literatura.
20 min: “Mga Tunguhin Para sa 1988 Taon ng Paglilingkod.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin sa maikli ang mga nagawa ng kongregasyon sa kabuuan noong 1987 taon ng paglilingkod at talakayin ang mga punto na nangangailangan ng pansin sa lokal na paraan. Pasiglahin ang lahat ng indibiduwal na suriin ang kanilang sariling pagsulong at maglagay ng indibiduwal na mga tunguhin para sa bagong taon ng paglilingkod.
15 min: Pahayag sa “Ang Tunay na Pagka-Kristiyano ba’y Nagbubunga ng mga Panatiko?” mula sa Bantayan ng Hulyo 15, 1987, p. 28-31.
Awit 31 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta, lakip ang pagbasa ng pagtanggap ng Samahan sa abuloy na ipinadala ng kongregasyon para sa gawaing pang-Kaharian at upang tulungan ang mga misyonero sa 1988. Ipagunita sa lahat ang gawain sa magasin sa Sabadong ito at himukin ang lahat na lubusang makibahagi.
20 min: “Kayo ba ay Nagnanais na Magdaos ng Isang Pag-aaral sa Bibliya?” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Pagkatapos ay itanghal ng isang mamamahayag na naghandang mabuti kung paano magpapasimula ng isang pag-aaral sa brochure na Pamahalaan sa unang pagdalaw. Pagkatapos na tanggapin ang brochure, ang mamamahayag ay nagsabi: “Tayong lahat ay interesado sa paksang ito, hindi ba? Pansinin kung ano ang sinasabi ng brochure tungkol sa mabuting pamahalaan dito sa pahina 3.” (Basahin ang buong pahina hangga’t maaari, pagkatapos ay tanungin ang opinyon ng maybahay sa bagay na ito. Kapag nagpakita ng interes, basahing magkasama ang sumusunod na mga pahina upang makita kung bakit lubha nating kailangan ang Kaharian ng Diyos. Maaaring talakayin ang bawa’t parapo at tingnan ang mga kasulatan. Ipakita kung paanong ang mga larawan ay kaugnay ng mga parapo.) Hangga’t ipinahihintulot ng panahon, maaaring magsaayos pa ang tsirman ng iba pang pagtatanghal kung paano maaaring magpasimula ng isang pag-aaral sa impormal na paraan na ginagamit ang brochure na Banal na Pangalan.
15 min: “Ang Auxiliary na Pagpapayunir—Isang Pintuan Tungo sa Higit na Gawain.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig. Bigyan ng pagkakataon ang mga regular o auxiliary payunir na magbigay ng komento kung paanong ang pagpapayunir ay nakatulong sa kanila na manatiling malapit kay Jehova at mapasulong ang kanilang kaugnayan sa kaniya.
Awit 128 at panalangin.
LINGGO NG SET. 27–OKT. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat ang pagpapatotoo sa unang Linggo sa Oktubre 4 at himukin ang buong pamilya na makibahagi dito. Talakayin din ang Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa lahat na dalhin ang kanilang aklat na Reasoning sa pulong sa paglilingkod sa susunod na linggo.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pag-aalok ng Suskripsiyon sa Gumising!” Tanong-sagot. Sa pagtalakay sa parapo 3, tanungin ang tagapakinig kung anong espesipikong punto ang nagamit nila o plano nilang gamitin may kaugnayan sa Gumising! ng Oktubre 8. Itanghal ang mga mungkahi na binalangkas sa parapo 5. Magbigay ng karagdagang mungkahi hinggil sa maaaring makuhang suskripsiyon sa Oktubre.
15 min: Magpasigla para sa auxiliary na pagpapayunir sa Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Ilahad ang tungkol sa mainam na pagtugon sa auxiliary na pagpapayunir sa Abril. Kapanayamin ang ilang nag-auxiliary payunir. Paano nila naorganisa ang kanilang personal at pampamilyang gawain upang makapaglaan ng 60 oras sa ministeryo? Paano nakipagtulungan ang iba pang miyembro ng pamilya? Anong mga kapakinabangan ang kanilang natanggap? Itampok ang kagalakang natatamo sa ministeryo ng pagpapayunir. Piliin yaong mga nagbabalak magpayunir sa susunod na ilang mga buwan hangga’t maaari.
Awit 210 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na tangkilikin ang gawain sa magasin sa Sabadong ito, na ibinibigay ang mga litaw na punto sa pinakabagong magasin na maaaring gamitin upang lumikha ng interes.
20 min: Tanong-sagot na pagtalakay sa mga punto sa paksang “Spirit of the World” sa aklat na Reasoning. Bigyang pansin lalo’t higit ang siyam na mga katangian ng espiritu ng sanlibutan na binabanggit dito, na ipinakikita kung bakit tayo kailangang laging nagbabantay laban sa espiritung ito na nasa palibot natin gaya ng hangin na ating nilalanghap.
15 min: Pahayag sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Makakasundo ang Aking Kapatid na Lalaki o Babae?” sa Gumising! ng Setyembre 22, 1987, p. 25-27.
Awit 216 at panalangin.