Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magbigay ng mungkahi hinggil sa mga punto para sa paglilingkod sa larangan mula sa ating pinakahuling labas ng magasin na maaaring gamitin sa gawain sa magasin sa ikaapat na Sabado ng buwan.
20 min: “Nagbibigay ba Kayo ng Katuwiran Para sa Pag-asang Nasa Inyo?” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5, isagawa ang isang maikling pagtatanghal ng bagong Paksang Mapag-uusapan sa pamamagitan ng may kakayahang mamamahayag, na ipinakikita ang pagtawid mula sa huling teksto tungo sa alok na brochure na Pamahalaan. Pasiglahin ang lahat na lubusang tangkilikin ang kampanya sa brochure sa Hulyo at Agosto.
15 min: Pakikinig sa Dakilang Guro. Pahayag at pakikipanayam. Itampok ang kahalagahan ng aklat na Dakilang Guro, na makukuha ngayon sa Ingles na cassette tape para sa mga kabataan. (Tingnan ang Mga Patalastas ng Marso, 1989 Ating Ministeryo sa Kaharian.) Ang 46 na mga kuwento sa Bibliya ay nakakaakit sa mga anak at nagtuturo sa kanila ng mahahalagang simulain sa Bibliya. Ang mga ito ay naglalapit sa mga anak kay Jehova, kay Jesu-Kristo, at sa Bibliya. Repasuhin ang mga susing punto sa mensahe mula sa tagapaglathala ng aklat na Dakilang Guro, mga pahina 5-6. Kapanayamin ang mga kabataan at mga magulang, na itinatampok ang mga kapakinabangang natatamo ng mga anak.
Awit 139 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Papurihan ang mga kapatid sa materyal na tulong sa kongregasyon at ilakip ang tugon ng Samahan sa natanggap na abuloy. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan.
17 min: “Pagtatamasa ng Kasiyahan sa Teokratikong Pagsasamahan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang angkop na mga kapahayagan sa mga kapakinabangang natamo mula sa mabuting asosasyon, at sa mga panganib ng masamang asosasyon.
18 min: Pahayag sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Matagumpay na Pagliligawan—Gaano Kahalaga?” sa Pebrero 22, 1989 Gumising!
Awit 197 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa pagpapatotoo sa unang Linggo, Agosto 6.
15 min: “Samantalahin ang Bawa’t Pagkakataong Makapagpatotoo—Bahagi 1.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pasiglahin ang mga kapatid na ikapit ang mga mungkahing ibinigay at gamiting mabuti ang mga tracts.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Na May Panghihikayat.” Tanong-sagot na pagkubre. Pagkatapos na talakayin ang artikulo, itanghal ng isang naghandang mabuting mamamahayag kung papaano ito isasagawa, na ginagamit ang halimbawa sa parapo 4.
Awit 31 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUL. 31–AGOS. 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magbigay ng mungkahi hinggil sa mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin, at itanghal ang dalawang maiikling presentasyon. Itampok Ang Bantayan sa isa at ang Gumising! sa isa pa.
15 min: “Tangkilikin ang Dalaw ng Tagapangasiwa ng Sirkito.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 2, kapanayamin ang punong tagapangasiwa may kinalaman sa kinakailangang paghahanda para sa dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Idiin kung papaanong makatutulong ang kongregasyon upang maging matagumpay ang dalaw. Isaayos ang dalawa o tatlong komento mula sa mga payunir at mamamahayag kung papaano sila nakinabang mula sa nakaraang mga dalaw. Magpasigla para sa susunod na dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito.
10 min: “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano ko Matalinong Magagamit ang Aking Salapi?” Tatalakayin ng kuwalipikadong kapatid sa dalawa o tatlong kabataan ang mga tampok na bahagi sa Enero 22, 1989 artikulo ng Gumising!
10 min: “Ang Pananagutan ng Pagiging Alagad.” Pahayag salig sa Enero 1, 1989 artikulo ng Bantayan.
Awit 16 at pansarang panalangin.