Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/90 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 2/90 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Pebrero: Ang matatandang publikasyon ay iaalok ayon sa wika, gaya ng sumusunod: Baul: Aklat na Katotohanan sa ₱7.00; Cebuano: Aklat na Tunay na Kapayapaan o aklat na Kaligayahan sa ₱14.00; Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte: Good News to Make You Happy sa ₱2.50; Iloko at Tagalog: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00; Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱42.00. Abril at Mayo: Suskripsiyon ng Bantayan sa ₱60.00.

● Ang lahat ng mga kongregasyon ay pinasisiglang magpadala kaagad ng kanilang mga pidido para sa aklat na Apocalipsis upang magkaroon ng suplay na magagamit sa panahon ng kampanya sa Marso.

● Ang mga kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.

● Sa Linggo, Pebrero 18, magkakaroon ng isang pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Ito ay idaraos bago o pagkatapos ng lingguhang pag-aaral ng Bantayan. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay dapat na mangasiwa sa pulong at tiyaking mayroong sapat na aplikasyon para sa auxiliary payunir.

● Kung hindi pa kayo nakakapidido ng ekstrang magasin sa Abril at Mayo, pakisuyong gawin ito kaagad. Tiyaking isaalang-alang ang malaking bilang ng mga auxiliary payunir na mangangailangan ng mga magasin sa mga buwang iyon.

● Ang pantanging pahayag pangmadla sa taóng ito ay bibigkasin sa buong daigdig sa Linggo, Marso 25, 1990 sa paksang “Abutin ang Tunay na Buhay!” Isang balangkas ang ipadadala kaagad sa bawa’t kongregasyon kapag ito ay handa na. Ang mga kongregasyong dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa petsang iyon o may pansirkitong asamblea o pantanging asamblea ay dapat na magdaos ng kanilang pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon na magsasagawa ng pantanging pahayag bago ang Marso 25.

● BABALA: Nais naming paalalahanan ang lahat ng mga kapatid na maging mapagbantay laban sa mga impostor na nagkukunwaring mga Saksi at nagsasamantala sa mga kapatid. Marami ang nawalan ng pera at mahahalagang bagay dahilan sa nadaya ng gayong mga tao. Kadalasang alam nila ang mga teokratikong termino at kilala ang maraming mga kapatid sa organisasyon. Bagaman nais nating maging mapagpatuloy sa mga kapatid na dumadalaw sa atin, gayunma’y makabubuting maging “matalinong gaya ng serpiyente,” na tinitiyak na sila’y tunay na mga Saksi bago sila tanggapin sa ating mga tahanan o makipagnegosyo sa kanila.—Mat. 10:16.

● Mga Makukuhang Bagong Publikasyon:

Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas (kongregasyon at publiko: ₱21.00; payunir: ₱10.50)—Cebuano, Intsik, Ingles, Iloko, Tagalog

Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? (kongregasyon at publiko: ₱14.00; payunir: ₱7.00)—Cebuano, Intsik, Ingles, Iloko, Tagalog

Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad? (kongregasyon at publiko: ₱4.20; payunir: ₱2.10)—Cebuano, Intsik, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Tagalog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share