Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 5-11
10 min: Lokal ng mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipatalastas ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa sanlinggo.
20 min: “Makapag-aauxiliary Payunir ba Kayo sa Marso at Abril?” Tanong-sagot na pagtalakay. Pasiglahin ang lahat na dumalo sa pulong sa susunod na linggo para sa mga nagbabalak mag-auxiliary payunir.
15 min: Kapanayamin ang ilang nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso at Abril. Papaano nila isinaayos ang kanilang eskedyul? Itanong kung bakit ang mga ito ay maiinam na buwan para magpayunir. Pasiglahin ang lahat na makagagawa niyaon na mag-aplay kaagad. Banggitin kung ilan ang nag-auxiliary payunir noong nakaraang Abril at himukin ang higit pa na gawin iyon sa taóng ito.
Awit 32 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang tugon ng Samahan sa lahat ng mga kontribusyon na lumitaw sa pinakahuling statement. Papurihan ang kongregasyon para sa materyal na pagtangkilik sa gawaing pang-Kaharian sa lokal at sa buong daigdig.
15 min: “Pangangalaga sa Binhi ng Kaharian.” Tanong-sagot.
10 min: Paghahanda Para sa Mga Pagdalaw-muli. Pag-uusap: Isang matanda at dalawa o tatlong kuwalipikadong mamamahayag ang nagkaroon ng isang sesyon para sa pag-eensayo upang isaalang-alang kung ano ang kanilang sasabihin kapag gumagawa ng mga pagdalaw-muli sa mga nagpakita ng interes.
10 min: Pahayag sa “Ano ang Kahulugan ng Pagiging Isang Kristiyano.” Ito ay dapat na magmula sa materyal sa Insight, Tomo 1, pahina 440-1. Itampok ang kahalagahan ng pagsunod sa halimbawa ni Jesus sa pag-ibig at pagsasakripisyo-sa-sarili.
Awit 168 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Mabisang Paggamit sa mga Tract.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang mga parapo 5 at 6, ilakip ang dalawang pagtatanghal na nagpapakita kung papaanong ang (1) Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan at (2) Bakit Ka Makapagtitiwala sa Bibliya ay maaaring gamitin bilang bahagi ng isang pambungad. Hindi kailangang ibigay ang buong presentasyon kundi itanghal lamang kung papaano gagawa ng paglipat sa Paksang Mapag-uusapan.
15 min: “Ang mga Bagong Publikasyon ay Tumutulong sa Atin na Magsanay sa Maka-Diyos na Debosyon.” Masiglang pahayag na humihimok sa lahat na maging lubusang pamilyar sa mga bagong labas na babasahin, Maaaring ilakip ang isa o dalawang piling maikling kapahayagan ng pagpapahalaga mula sa mga kapatid na nakabasa at gumamit ng mga bagong publikasyon.
Awit 188 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEB. 26–MAR. 4
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Pasulungin ang Ating Pagkamabisa Bilang mga Ministro.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, ilakip ang dalawang maikling pagtatanghal ng iminungkahing mga pambungad sa mga parapo 5 at 6 sa pahina 16 ng Hulyo 15, 1988 na Bantayan. Dapat na iharap ito sa isang taimtim at positibong paraan.
15 min: “Papaano Ko Malalabanan ang Panggigipit ng Kasamahan?” Mataktikang tatalakayin ng isang kuwalipikadong matanda sa dalawang huwarang kabataan ang mga punto mula sa kabanata 9 ng aklat na Tanong ng mga Kabataan. Kilalanin na malakas ang pagnanais na maging tanyag at tanggapin ng mga kasamahan. Maging ang mga matatanda ay maaaring maapektuhan ng gayong panggigipit. Naging madali ba para sa mga kabataan na harapin ito? Papaano sila naging matagumpay na mapaglabanan ito? Gamitin ang “Mga Tanong para sa Talakayan” sa pahina 80 upang akayin ang mga kabataan at ipakita kung papaanong posible na magkaroon ng kalakasan upang makatayo laban sa panggigipit ng kasamahan. Ipahayag ang pagpapahalaga sa mabuting halimbawa ng mga kabataan sa kongregasyon. Si Jehova ay nalulugod sa kanilang mainam na paggawi at siya’y napararangalan sa pamamagitan niyaon.—Kaw. 27:11.
10 min: Mga Tampok sa 1990 Yearbook. Pahayag na inihandang mabuti sa pambungad na materyal sa 1990 Yearbook. Itampok ang mga namumukod-tanging nagawa ng bayan ni Jehova dahilan sa pagpapala ni Jehova. Habang ipinahihintulot ng panahon, ilahad ang ilang karanasang ibinigay. Pasiglahin ang lahat na makinabang mula sa pagbabasa ng Yearbook.
Awit 108 at pansarang panalangin.