Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/92 p. 2-3
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 10-16
  • Linggo ng Pebrero 17-23
  • Linggo ng Peb. 24–Mar. 1
  • Linggo ng Marso 2-8
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 2/92 p. 2-3

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 10-16

Awit 201

5 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Tiyaking ipagunita sa lahat ang pulong para sa mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril, at Mayo sa Linggo, Pebrero 16.

10 min: “Isang Praktikal na Paraan sa Paghahanda Para sa Paglilingkod sa Larangan.” Talakayin ang artikulo sa tagapakinig, at pagkatapos ay tawagin ang tatlo o apat na mamamahayag na patiunang inatasan na magbigay ng espesipikong mga komento kung papaanong ang paraang ito ay tutulong sa kanila. Halimbawa, sila’y maaaring magkomento sa sarisaring presentasyon, sa mga paraang maibabagay ang materyal sa lokal na teritoryo, pakikibagay sa iba’t ibang kalagayan, o kung papaanong ang paraang ito ay magbibigay sa mga mamamahayag ng pagpipilian na maalwan nilang maihaharap. Pasiglahin ang mga mamamahayag na dalhin ang kanilang kopya ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan.

20 min: “Ipaalam sa Lahat na ang Pambuong Daigdig na Katiwasayan ay Malapit Na.” Pagkatapos ng maikling panimulang komento, isaalang-alang ang bawa’t transisyon at itanghal ng mga mamamahayag na naghandang mabuti kung papaano ito gagamitin habang ipinahihintulot ng panahon. Kung praktikal, makabubuting itanghal ng isang kabataan ang Transisyon Blg. 2. Ang Transisyon Blg. 3 ay nagbibigay ng pagkakataon sa mamamahayag na makapag-iwan ng kahit isang tekstong mapag-iisipan ng maybahay. Pasiglahing mabuti ang mga kapatid na gamitin ang iminungkahing mga pambungad sa pahina 4 at isa sa mga transisyong ito.

10 min: Pagtalakay sa “Aborsiyon” mula sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 25-6. Pagkatapos ng isang maikling pambungad na nagpapakita kung papaanong ang aborsiyon ay nasa balita ngayon at ikinababahala ng milyun-milyong mga tao, ipakilala ang tagpo ng isang kapatid na babae na nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya. Sinabi sa kapatid na babae ng bagong estudiyante sa Bibliya na lubos siyang nababahala sa pagdadalangtao. Siya’y nangangamba dahilan sa di mabuting kalagayan sa pananalapi ng pamilya. Hinihimok siya ng mga kamag-anak niyang tagasanlibutan na magpalaglag kaagad. Iminungkahi ng kapatid na babae na tingnan nila ang aklat na Nangangatuwiran at saliksikin ang mga Kasulatan upang makita ang pangmalas ni Jehova sa buhay ng di pa naisisilang na bata at kung wasto sa pangmalas niya ang aborsiyon. Isinaalang-alang muna nila ang kahulugan ng aborsiyon. Pagkatapos ay pinag-usapan nila ang mga tanong, mga kasulatan, at iba pang komento sa mga pahina 25-6. Dapat na tulungan ng kapatid na babae ang estudiyante na mangatuwiran at mapahalagahan ang kabanalan ng buhay.

Awit 30 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 17-23

Awit 176

10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ilakip ang ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon.

15 min: “Mga Pambungad Upang Mahikayat ang mga Maybahay na Makinig.” Maikling isaalang-alang ang kalagayan ng lokal na teritoryo. Anong mga isyu ang mahalaga sa mga maybahay? Ituon sa pambungad at presentasyon na malamang na maging matagumpay sa kalagayang lokal. Itanghal ng naghandang mabuting mamamahayag ang presentasyong ito at ialok ang aklat na Worldwide Security, o ang aklat na iniaalok sa inyong lokal na wika. Dapat na gawin ang presentasyon kagaya ng binalangkas sa artikulo. Pagkatapos ay maaaring itanghal ng isang kabataang nag-aaral ang gayunding presentasyon at magtapos sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga magasin sa interesadong tao. Pasiglahin ang lahat na subukin ang paraang ito sa paglilingkod sa larangan.

20 min: Papaano Matutulungan ng mga Nagsosolong Magulang ang Kanilang mga Anak. Maikling pambungad na sinusundan ng pagtatanghal ng ina at dalawang anak na naghahanda sa paglilingkod sa larangan. Higit na maraming nagsosolong magulang ngayon ang nasa organisasyon kaysa noong una. Ang paraan ng ina at lola ni Timoteo sa pagkikintal ng katotohanan sa kaniya ay isang mainam na halimbawa para tularan ng lahat ng mga magulang. (2 Tim. 1:5; 3:14, 15) Itanghal: Ang ina, tin-edyer na anak na babae, at nakababatang anak na babae ang nakaupo sa mesa sa kusina pagkatapos ng hapunan. Sinabi ng ina na bago hugasan ang pinggan iinsayuhin muna nila ang kanilang presentasyon para sa paglilingkod at siya ang tatayong maybahay. Pinili ng nakababatang babae ang isang pambungad sa pahina 4 ng Ating Ministeryo sa Kaharian at iniharap iyon sa kaniyang ina. Siya’y pinapurihan ng ina sa mainam na presentasyon at hiniling sa kaniyang basahin ang kasulatang iminungkahi ng Samahan. Karakarakang tiningnan ng nakababatang anak na babae ang Isaias 9:6, 7 at binasa iyon. Pagkatapos ay hiniling ng ina sa nakatatandang anak na babae na ipakita kung papaano niya iaalok ang aklat. Pinili ng anak ang isang transisyon sa pahina 1 ng Ating Ministeryo sa Kaharian at iniharap iyon sa kaniyang ina. Siya’y pinapurihan ng ina at silang dalawa ay pinasiglang insayuhin ang pambungad at transisyon upang ialok ang aklat sa paglilingkod sa larangan. Sinabi sa mga anak na babae na mag-insayo pa nang ilang sandali at saka ligpitin ang mga kinanan. Nagtapos ang matanda sa pamamagitan ng pagpapasigla sa lahat ng pamilya sa kongregasyon na maglaan ng maibiging tulong sa kanilang mga anak.

Awit 183 at pansarang panalangin.

Linggo ng Peb. 24–Mar. 1

Awit 192

15 min: Gagampanan ng matanda ang lokal na patalastas at isasaalang-alang ang lokal na mga pangangailangan. Habang ipinahihintulot ng panahon, talakayin ang iba’t ibang litaw na punto mula sa pinakabagong magasin. Piliin ang isa na madaling iugnay sa isa sa mga mungkahing pambungad at transisyon sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pagkatapos ay gumawa ng buong presentasyon ang isang naghandang mabuting mamamahayag na ginagamit ang pambungad at ang transisyon, na nag-aalok ng mga magasin sa isang interesadong tao. Ipakitang sa pamamagitan ng paghikayat sa mga taong makipag-usap at gamitin ang iminungkahing mga presentasyon, hindi magiging mahirap na kilalanin ang mga interesadong tao.

15 min: “Tanggapin ang Pananagutan ng mga Pagdalaw-muli.” Tanong-sagot. Pasiglahing mabuti ang lahat na makibahagi nang lubusan sa pagsasagawa ng mga pagdalaw-muli. Himukin ang lahat na bumalik sa susunod na linggo sa pagtalakay sa Pulong Ukol sa Paglilingkod kung ano ang sasabihin sa pagdalaw-muli.

15 min: Ang Paglilingkurang Payunir ba ay Para sa Akin? Sa bansang ito halos 14 na porsiyento ng lahat ng mga mamamahayag ay mga regular payunir. Ibigay ang lokal na ulat bilang paghahambing. Maaari bang higit pa sa atin, lakip na ang mga kabataang malapit nang magtapos sa mataas na paaralan ay magbigay-dako sa buong-panahong paglilingkod? Kapanayamin ang tatlong regular payunir, hangga’t maaari’y isang kabataan, isang maybahay, at isang retirado. (Kung walang regular payunir, maaaring gamitin ang mga auxiliary payunir.) Isaalang-alang ang gagastuhin. Anong uri ng bahaging panahong trabaho ang mapapasukan? Papaano sila nagbabadyet? Anong pagbabago sa paraan ng paggastos ang kanilang naisagawa? Isaalang-alang ang eskedyul upang maabot ang kahilingan sa oras. Mayroon ba silang suliranin sa kalusugan? Papaano nila ito napagtatagumpayan? Anong iba pang hamon ang kanilang napagtagumpayan? Ang pakikipanayam ay dapat na maging positibo at nakapagpapatibay. May init na manawagan sa tagapakinig na isaalang-alang ang personal na mga kalagayan upang matiyak kung ang higit pa ay maaaring makagawa ng buong panahong paglilingkod.

Awit 164 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 2-8

Awit 92

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang mga mamamahayag na mag-auxiliary payunir sa Marso at Abril. Pasiglahin ang mga pamilya at ang mga kabataang mamamahayag na nagbabakasyon sa Marso o Abril upang malaman kung ano ang maaaring maisaayos upang magkaroon sila ng higit na bahagi sa paglilingkod sa larangan.

20 min: “Ano ang Inyong Sasabihin sa Inyong Pagbabalik?” Talakayin sa tagapakinig at itanghal ng naghandang mabuting mamamahayag ang mga mungkahi sa mga parapo habang isinasaalang-alang ang mga ito. Ang maikling mga pagtatanghal na ito ay dapat na ininsayo nang patiuna.

15 min: “Pagpapahiram ng Salapi sa mga Kapuwa Kristiyano.” Pahayag ng isang matanda sa artikulo mula sa Oktubre 15, 1991, Bantayan, mga pahina 25-8.

Awit 147 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share