Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/96 p. 2
  • Pasukan na Naman

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pasukan na Naman
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Ano ang Kalagayan ng Inyong mga Anak sa Paaralan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kayo Ba ay Nagpapatotoo sa Paaralan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • School and Jehovah’s Witnesses—Ginagamit Mo ba Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 6/96 p. 2

Pasukan na Naman

1 Sa Hunyo ang ating mga kabataan ay magpapasimula sa isang bagong taon sa paaralan. May mga kasiya-siyang bagay na maaasahan, subalit mayroon ding ilang bagay na maaaring maging sanhi ng pangamba. Maraming kabataan ang iaatas sa iba’t ibang guro, magpapatala sa mga bagong kurso, at makikisama sa di-kakilalang mga estudyante. Ang ating mga kabataan ay magnanais na makipagtulungan sa mga namamahala sa paaralan at maging palakaibigan sa mga kapuwa estudyante, subalit kailangan silang magbantay laban sa anumang bagay na makapipinsala sa espirituwal.—1 Cor. 15:33.

2 Ang isang malaking pagkabahala para sa mga bata’t kabataang Saksi ay ang pag-iwas sa nakahahawang impluwensiya ng sanlibutan, na lumalaganap sa sistema ng edukasyon sa ngayon. Ang mga Kristiyano ay kailangang matibay ang loob sa pagtanggi sa mga makasanlibutang pamantayan at pag-iisip na itinataguyod sa ngayon hinggil sa moral at dapat silang ‘manatiling mapagbantay’ sa pamamagitan ng laging pagkonsulta at pagiging napapatnubayan ng Salita ni Jehova. (Awit 119:9) Dapat mabatid ng mga nababahalang magulang kung ano ang nasasangkot sa kurikulum sa paaralan upang mabigyan ng wastong direksiyon ang mga anak. Kung ang itinuturo sa paaralan ay kasalungat ng kabanalan at kalinisan na hinihiling ni Jehova sa kaniyang mga lingkod, ito ay dapat na iwasan.—1 Ped. 1:15, 16.

3 Karaniwan ding masasagupa ang mga isyu may kinalaman sa nasyonalistikong mga seremonya, pagdiriwang ng mga kapistahan, mga gawain sa palakasan, o sosyal na mga pagtitipon. Ang brosyur na Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon ay makatutulong sa mga kabataan hinggil sa mga bagay na ito. Ang mahihirap na kalagayan ay mababawasan kapag ang mga magulang ng maliliit na anak ay lalapit sa guro taglay ang kopya ng publikasyong ito. Maipaliliwanag nila na ito’y tutulong sa guro na maunawaan kung bakit pinipili ng mga Saksi ni Jehova na hindi makisali sa ilang gawain. Malaki ang magagawa nito upang lumikha ng espiritu ng pagtutulungan.

4 Karagdagan pa, makabubuti para sa mga estudyanteng Kristiyano na mag-ingat ng personal na kopya ng brosyur na Edukasyon kasama ng kanilang pinag-aaralang materyal sa paaralan. Ang mga pagkakataon ay kadalasang lumilitaw para makapagbigay ng patotoo sa iba pang estudyante na nagtatanong kapag ang ating mga paniniwala ay pinag-uusapan. Gayundin, dapat na dalhin sa tuwina ng mga anak na Saksi ang kanilang Advance Medical Directive/Release card o Identity Card na nasa panahon, wastong natestiguhan, at pirmado. Yaong mga nagkakapit ng payong ito ay tiyak na magiging gaya ng ‘matatalinong tao na nakakakita ng kasamaan at nagkukubli.’—Kaw. 22:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share