Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/87 p. 1-2
  • Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • REPASUHIN ANG SCHOOL BROCHURE
  • Ano ang Kalagayan ng Inyong mga Anak sa Paaralan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kayo Ba ay Nagpapatotoo sa Paaralan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • School and Jehovah’s Witnesses—Ginagamit Mo ba Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “School and Jehovah’s Witnesses”—Ang Broshur ay Tumutulong
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 10/87 p. 1-2

Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan

1 Marami sa ating kabataang Kristiyano ang nag-aaral sa makasanlibutang mga paaralan. Ano ang tutulong sa kanila na pakinabangang mabuti ang kanilang edukasyon samantalang nagbibigay pa rin ng mainam na halimbawa sa maka-diyos na paggawi at sa pag-iingat ng katapatan? Nang mapaharap sa isang yugto ng sekular na edukasyon, si Daniel at ang tatlo niyang kasamang tinedyer ay naghandang mabuti. Ang ‘pagpapasiya sa kanilang puso’ na mag-ingat ng katapatan ay nagdulot sa kanila ng pagsang-ayon ni Jehova. Ang gayunding determinasyon na maging tapat kay Jehova sa paaralan ay magdadala ng gantimpala sa mga kabataang Kristiyano sa ngayon.​—Dan. 1:​8, 17; Kaw. 10:22.

REPASUHIN ANG SCHOOL BROCHURE

2 Sa pana-panahon dapat repasuhin ng mga magulang ang School brochure kasama ng kanilang mga anak. Gumawa ng kaayusan na maipasakamay ang isang sipi nito sa mga guro. Ang brochure ay maaaring personal na ipagkaloob ng ilang kabataan sa kanilang mga guro. Kapag may bumangong suliranin sa paaralan, dapat repasuhin ng mga magulang at mga anak ang angkop na bahagi ng brochure bago gumawa ng pangwakas na pasiya.​—Fil. 1:10.

3 Ang mga matanda ay makakatulong din sa mga kabataan na maging handa sa espirituwal. Ang mga konduktor ng pag-aaral sa aklat ay maaaring mag-usisa sa mga magulang at mga kabataan upang alamin kung may anomang tulong na kinakailangan. Maraming matatanda ay nagpapakita ng interes sa Kristiyanong paggawi at sa mga grado ng mga kabataan, at dahil dito ay makapag-aalok ng praktikal na tulong kapag kinakailangan. Ang gayong taus-pusong pagmamalasakit sa bahagi ng mga matanda sa kongregasyon ay maaaring maging ‘pampalakas’ sa mga kabataan.​—Col. 4:​11, 12.

4 Mga kabataan, handa ba ninyong itaguyod ang mga simulaing Kristiyano sa paaralan? Ang makikinabang sa paggawa ninyo nito ay hindi lamang ang inyong sarili at ang ibang kabataang Saksi na nasa inyong paaralan kundi gayundin naman ang mga susunod na mag-aaral doon sa mga taóng darating. Kaya ba ninyong paglabanan ang panggigipit ng inyong mga kaeskuwela na makisama sa kanilang maling paggawi? Kaya ba ninyong buong-tapang na panatilihin ang Kristiyanong neutralidad, kahit sa kabila ng mga pangungutya? Handa ba ninyong gamitin ang School brochure at ang aklat na Nangangatuwiran upang ipaliwanag ang salig-sa-Bibliya mong pangmalas tungkol sa mga kapistahan at makasanlibutang mga pagdiriwang? Nabasa man ninyo noon o hindi ang School brochure, repasuhin ninyo ngayon at ‘ipasiya sa inyong puso’ kung anong landasin ang inyong susundin. Kung gagawin ninyo ito, ang inyong mga pagkilos ay magiging kasuwato ng mainam na paggawi ng ibang tapat na mga Saksi na nasa paaralan.

5 Kung magpakilala kayo bilang isa sa mga Saksi ni Jehova ipagsasanggalang kayo laban sa masasamang impluwensiya sa paaralan. Samantalahin ang pagkakataong gumawa ng impormal na pagpapatotoo. Sa ganitong paraan ay lagi kayong handa sa espirituwal samantalang nasa paaralan. Pagpalain nawa ni Jehova ang inyong katapatan sa bagay na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share