Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre
Linggo ng Oktubre 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na ingatan ang kanilang kopya ng “Theocratic Ministry School Schedule for 1996” na kasama sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilagay ito sa lugar na madaling kunin bilang reperensiya sa buong 1996.
15 min: “Laging Purihin si Jehova.” Tanong-sagot. Idiin ang aplikasyon ng binanggit at siniping mga teksto.
20 min: “Ialok ang mga Magasin sa Bawat Pagkakataon.” Talakayin ang pangunahing mga punto, at repasuhin ang mga artikulo sa pinakabagong mga isyu na maaaring gamitin sa pag-aalok sa mga ito. Itanghal ang dalawa o tatlong presentasyon.
Awit 153 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag ng isang matanda, “Pagtitiwalag—Isa Bang Maibiging Paglalaan?” salig sa Hulyo 15, 1995, Bantayan, pahina 25-7.
20 min: “Tayo ba ay Nananatiling Gising—Na Iniiwasan ang Pagkagambala?” Tanong-sagot. Habang ipinahihintulot ng panahon, gumawa ng karagdagang mga komento salig sa Mayo 1, 1992, Bantayan, pahina 20-2.
Awit 128 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Itawag-pansin ang bukletang Good News for All Nations, na naglalaan ng presentasyon sa bahay-bahay sa 59 na iba’t ibang wika. Himukin ang paggamit ng bukletang ito kapag nakasumpong sa teritoryo ng mga taong nagsasalita ng banyagang wika.
15 min: Maging Handa sa Pag-aliw sa mga Nagdadalamhati (salig sa mga pahina 109-11 [p. 102-4 sa Ingles] ng aklat na Nangangatuwiran). (3 min.) Ang kapatid na gaganap ng bahagi ay magpapaliwanag na ang mga Saksi ni Jehova ay hindi naman tumatanggi sa lahat ng mga kaugalian may kinalaman sa kamatayan. (5 min.) Itanghal kung papaano ipaliliwanag ng isang Saksi sa kamanggagawa kung bakit natin iniiwasan ang ilang tradisyonal na kaugalian ng pagdadalamhati sa patay, salig sa mga pahina 109-10 (102-3 sa Ingles) ng aklat na Nangangatuwiran. (7 min.) Talakayin sa tagapakinig ang bahagi sa ilalim ng “Kung May Magsasabi—” sa mga pahina 110-11 (p. 103-4 sa Ingles).
20 min: “Mga Pagdalaw-Muli na May Layunin.” Talakayin ang ating mga tunguhin sa paggawa ng mga pagdalaw-muli. Isaayos na itanghal ng mga may kakayahang mamamahayag ang dalawang magkaibang presentasyon. Ipaliwanag ng mamamahayag kung papaano ginagastusan ang gawaing ito.
Awit 130 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Kailangan Natin ang Kongregasyon.” Tanong-sagot.
20 min: Akayin ang Interes Tungo sa Organisasyon. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay makikipag-usap sa dalawa o tatlong mamamahayag, na ginagamit ang brosyur na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig. Ipaliwanag kung bakit kapakipakinabang na ipabatid sa mga taong interesado kung papaano kumikilos ang organisasyon, kung papaanong ang iba’t ibang gawain ay isinasaayos, at kung papaano sila maaaring masangkot. Repasuhin ang mga punto mula sa pahina 14 at 15 sa “Mga Pulong Para sa Pag-uudyukan sa Pag-iibigan at Mabubuting Gawa.” Itanghal ng grupo sa maikli kung papaanong ang materyal na ito ay maaaring isama sa pagtalakay sa isang pagdalaw muli o pag-aaral sa Bibliya upang tulungan ang isang taong interesado na mapahalagahan ang pangangailangang dumalo.
Awit 126 at pansarang panalangin.
Linggo ng Okt. 30–Nob. 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Yamang ang makasanlibutang pista opisyal sa Nobyembre at Disyembre ay papalapit na, pasiglahin ang lahat na isaalang-alang ang pagpapatala bilang mga auxiliary pioneer.
15 min: Nasubukan na ba Ninyo ang mga Referral? Isang pahayag. Ang ilang mamamahayag ay nakapagpasimula ng mga bagong pag-aaral sa Bibliya sa ganitong paraan: Pagkatapos makipag-aral sa isang taong interesado ng ilang ulit, kanilang tinatanong ang tao kung may kilala siyang sinuman mula sa kaniyang mga kaibigan, kamag-anak, o mga kakilala na maaaring interesado sa pag-aaral ng Bibliya. Kadalasa’y ilang pangalan ang ibinibigay. Itanong kung puwedeng gamitin ang kaniyang pangalan sa pagdalaw sa mga indibiduwal na iyon. Sa pagdalaw, maaari ninyong sabihin na “Si gayo’t gayon ay labis na nasiyahan sa pag-aaral ng Bibliya anupat naisip niyang kayo man ay magnanais na makinabang mula sa aming walang bayad na programa sa pag-aaral ng Bibliya.” Ito’y makapaglalaan ng isang magagamit na listahan ng mga pagdalaw-muli na maaaring maging mabungang mga pag-aaral sa Bibliya. Isama ang isa o dalawang karanasan mula sa mga mamamahayag na nakasumpong ng mga taong interesado o nakapagpasimula ng bagong mga pag-aaral sa ganitong paraan.
20 min: Pag-aalok ng New World Translation Kasama ang Aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa Nobyembre. Repasuhin ang mga katangian ng New World Translation sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 254-257 (Ingles: 276-80). Basahin ang “Kahulugan,” na nagpapaliwanag kung bakit ito’y ginawa. Sagutin ang mga katanungang ito: Sa ano salig ang saling ito? Sino ang mga tagapagsalin? Talaga bang isang dalubhasang salin ito? Bakit ang pangalang Jehova ay ginagamit sa Kristiyanong Griyegong Kasulatan? Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit tayo’y nagpapasalamat sa pagkakaroon ng ganitong salin. (Tingnan ang aklat na “Lahat ng Kasulatan,” pahina 331, parapo 22 at 23.) Itanghal ng may kakayahang mamamahayag ang isang maikling presentasyon na ginagamit ang pambungad na mga komento sa kabanata 14 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, pahina 184. Ipagunita sa lahat na kumuha ng kanilang mga kopya para gamitin sa paglilingkod sa linggong ito.
Awit 138 at pansarang panalangin.